Chapter 7

15.1K 337 21
                                    

IT’S  been a week since that happened pero ang masaklap, si Braxton naman ang hindi nagpaparamdam.

She unblocked him in all of her social media accounts at inilagay na rin niya sa cellphone niya ang luma niyang numero and still! Wala pa ring Braxton na nagpaparamdam. Hindi na niya kinakaya ang stress. Kaya naman napabuntonghininga siya. Pakiramdam niya ay ginamit lang siya ni Braxton.

Her heart twitched in pain because of that.

“But he’s too sweet when we did that!” she hissed at herself.

So? Anyone can fake their feelings. The other part of her mind told her. Inis na napaupo siya sa swivel chair niya sa loob ng classroom niya.

Mabuti na lamang at break time ng mga bata kaya naman malaya siyang maglabas ng inis niya. Gusto niyang kumain nang kumain.

“Ma’am Zam, anong oras ang start ng program natin niyan?” One of her newest co-teacher asked her. Napabuntonghininga naman siya na tumingin sa relo niya.

Oo nga pala at may program pa pala sila. Science fair ng mga bata kaya naman busy sila para sa paghahanda. Good thing that she’s a little bit busy, hindi niya gaanong naiisip si Braxton but still!

“Bukas pa naman, hindi ba?” tanong niya sa kausap niya, nakita naman niyang tumango-tango ito.

“Opo, Ma’am, wala kasi akong hawak na invitation.”

“Ah gano’n ba? 7 ang call time natin at 7:30 and start ng program,” she smiled at her co-teacher.

“Uniform po ba ang isusuot?”

“No, no, semi formal naman. Kailangan natin ibalandra ang kagandahan natin para naman makapag-boy hunting tayo ng patago,” she joked and they both giggled.

“Oh, sige po ma’am, salamat po,” her co-teacher smiled at her as she make her way out of her classroom.

She smiled while looking at her co-teacher. The woman is beautiful, she looks like an angel ang she’s too demure. Awesome is the name of her co-yeacher and she looks like a living doll. Parang napaka-mahiyain nito pero natutuwa siya na Education ang kinuha nitong kurso. Mapa-practice ng dalaga ang communication skills nito.

Tinignan niya muli ang cellphone niya nang makaalis na ang kausap niya kanina at parang bula na nawala ang ngiti sa kanyang mga labi.

Seriously, what’s his problem? She asked herself. Hindi niya na talaga maintindihan si Braxton. She tried calling him, her hands were trembling and sweat formed on her forehead but she don't care about that right now. Kakausapin niya ang binata. Hindi niya kasi maintindihan ang inaasta ng binata.  Ngayon hahabulin siya. . . bukas mawawala. Ano iyon? Chacha?

Bumalik na kaya siya sa nobya niya? She thought.  Kaya naman dali-dali niyang ibinaba ang tawag. She immediately blocked him again on her phone. Nanginginig siyang napatingin sa cellphone niya.

No,” she whispered. Oo nga pala at wala nga pa lang sinabi ang binata kung ano nang mayroon sa kanila ng kasintahan nito. Nanginginig na kinuha niya ang tubig niya at uminom.

Nagsinungaling na naman kaya siya sa akin? She thought. Kung gayon ay wala siyang karapatan na mag-demand ng oras sa binata.

Nakuha na ng binata ang lahat ng pwede niyang ibigay and the he left her. Her eyes started to  water, so she took a deep breath as she look up, trying not to cry.

He just used me,” she whispered to herself. She keep on reminding herself that she should not hold into words, bakit ba kasi ang dali niyang magpadala sa mgasalita? Ang sabi niya, ay hindi na siya magpapadala sa mga lalaki. Lalong lalo na sa gwapong lalaki. . . pakiramdam niya ay kinain niya lamang ang sinabi niya.

SINFUL AFFAIR (Cruel Reality Series 2) -  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon