Chapter 26

13.4K 303 50
                                    

SHE'S really sure that there's something wrong. Kanina pa kasi nag-ri-ring ang cellphone ng asawa niya pero hindi naman nito sinasagot iyon.

"Love," tawag pansin niya kay Braxton na tahimik na kumakain ng agahan nila ngayon. Napalingon naman sa kanya ang asawa at tsaka siya nginitian ng tipid.

"Hmm?"

"May problema ka ba?" she asked him and then tapped Braxton's shoulders. Umiling naman ang asawa niya at tsaka pinagpatuloy ang pagkain nito. Natahimik siya dahil doon at pinanood ng bahagya ang asawa. May mali talaga.

Muli ay tumunog na naman ang cellphone ng asawa kaya hindi na siya makatiis kaya tinignan niya ulit ang asawa na tahimik pa ring kumakain.  "Hindi mo ba sasagutin? Ilang araw na 'yan, love," she stated.

"Hayaan mo lang," walang ganang sagot sa kanya ng asawa kaya naman naguluhan siya.

"Pero——"

"Can you please.  . . " Braxton sighed, trying to calm himself, "trust me?" He asked. Hindi na siya umimik at tsaka tumango ng marahan. Alam niyang may pinagdadaanan ang asawa pero bakit ayaw nito sabihin sa kanya?

Akala niya ba kapag mag-asawa ay walang taguan ng sikreto? Bakit tila iba ang depenisyon ni Braxton?

"Di ba dapat walang secrets?" she asked him in a low voice. Nakatitig lang siya sa plato niya at nilalaro laro ang pagkain niya. Nawalan siya ng ganang kumain.

She heard him sighed.  Hindi na lang siya umimik, may kakaiba talaga sa asawa niya. He's not the same Braxton. Lately ay ilag ang asawa niya sa kanya. Gusto pa naman sana niyang tanungin kung saan nakatira ang nanay niya para masulyapan niya man lang ito.

Masakit isipin na parang may bumabagabag sa asawa niya at hindi man lang ito nagsasabi sa kanya. Parang wala namang tiwala si Braxton sa kanya kaso may sinasabi ang asawa niya.

Trust me.

Iyon lang ang palagi nitong sinasabi sa kanya kaya naman kahit mabigat sa loob niya, hindi niya nalang inuusisa pa ang asawa niya.

Pero paano siya magtitiwala kung hindi man lang siya binibigyan ng sagot ng asawa niya? It was like she's in the middle of the dark. She can't see anything but she can feel something. Ganoon na ganoon. Hindi niya alam kung bakit pero kinakabahan talaga siya.

Hindi kaya, na-realize ng asawa niya na hindi pa pala ito sigurado sa kanya? Hindi hindi naman siguro.

Pakiramdam niya ay umasim ang panlasa niya dahil sa mga naiisip niya kaya naman dahan dahan niyang binitawan ang kanyang kubyertos at tsaka siya uminom ng gatas niya.

"What's wrong?" Braxton asked her. May pagtataka sa mukha nito at tila tinitignan ang kanyang mga galaw.

What's wrong? Hindi ba dapat ako ang magtanong  sa kanya ng kung anong mali? Kung may problema ba kaming mag-asawa? 

Gusto niyang ibalik sa asawa ang mga katagang iyon pero tila naghihirap ang damdamin niya
. . .  masakit sa dibdib niya. Hindi niya man lang matulungan ang asawa kung may problema ba ito.

She felt so useless. Hindi niya maintindihan kung bakit kakaiba ang asawa niya. Sana man lang ay pinaguusapan nila ang mga bagay, hindi iyong ganito. Pakiramdam niya ay nagtataguan sila ng asawa niya.

Pakiramdam niya tuloy ay hindi tunay ang pagmamahal ng asawa niya sa kanya. Parang may punyal na sumaksak sa puso niya nang maisip iyon.

Dali-dali niyang iniiling ang ulo niya at tsaka nginitian si Braxton. Pero tila hindi kumbinsido ang asawa niya sa pag-iling niya. Tinanggal na nito ang pagkakahawak sa pulsuhan niya.

SINFUL AFFAIR (Cruel Reality Series 2) -  [COMPLETED]Where stories live. Discover now