The One With The Glance

10K 303 31
                                    

CHAPTER 25

Wake me up. Let's save water. Let's shower together. Happy Monthsary.

Yan ang mensahe sa telepono kong nag-alarm, mga thirty minutes bago ang alam kong naset kong oras. Napangiti na lang ako. Humarap ako kay Gabriel para sundin ang utos niya sa telepono ko. Kaya lang, paano ba gigisingin pa ang gising na?

Nakatitig sa akin si Gabriel. Ang mga titig na yun, parang kahit di pa ako bumabangion sa kama, buo na ang aking umaga. Nakangiti din siya at dumudungaw na ang mapipintog niyang dibdib sa kumot namin. Siya ang good morning na nagkatawang tao.

"Ang aga-aga pa..." nabitin kong sabi.

Umangat si Gabriel at agad hinalikan ang aking labi. Ginantihan ko rin ang kanyang halik hanggang sa maging parehas na ng lasa ang aming mga bibig. Hindi naman pala ganun kasamang humalik sa bagong gising.

Pero higit pa sa amin, gising na gising na rin ang aming mga harapan, na hindi ko alam kung tumigas dahil sa lamig ng umaga o dahil sa init ng aming mga katawan.

Binaba ko ang aking kamay at hinawakan siya, pero pinigilan niya ako.

"Ang aga-aga pa for that," sabi niya. "We only do that pag walang pasok after."

"Alam ko," sabi ko. "Baka lang makalusot."

"Hindi naman tayo maghihiwalay anytime soon, or anytime, or at all. We'll have plenty pa of what we had last night."

Bumangon si Gabriel at naglakad patungo sa banyo. Hubad nga pala kami. Nakakasanayan ko na ang sarap ng may boyfriend. Na ngayon, kahit umaga, hinahanap-hanap ko pa. Lalo pa't ito ang nasa harap kong naglalakad.

Ang ganda pagmasdan ng likod ni Gabriel. Tamang tama ang lapad ng likod sa kanyang tangkad. At ang umbok ng kanyang pwetan. Ang aga-aga pa nga, pero gigil na gigil ako. Lahat ng ito, mga bagong pakiramdam sa akin.

"Get up now, babe," sabi niya. "Ligo na tayo."

Tumayo ako. Kahit nakita na niya akong nakahubad nang maraming beses na, nahiya pa rin ako at tinakpan ang aking sarili. Napangiti ulit si Gabriel habang pinapanood ako. Lumakad at lumapit sa akin.

"You are beautiful, babe," sabi niya sabay kuha sa kamay ko at akay papunta sa banyo.

Nauna siyang pumasok sa paliguan. Binuksan ang shower at tinimpla ang init ng tubig. Nang maligamgam na ang buhos, hinila na niya ako. Sabay kaming nabasa. Hindi ko alam kung masyadong mainit ang tubig o katawan ko lang iyun na nababalot na muli ng katawan ni Gabriel.

"What's with that weird smile?" Napansin pala nya ang ngiti ko.

"Wala," oo alam ko, ang arte ko. Sa piling nya, alam ko, pwede akong mag inarte nang ganito.

"Anu na nga?" Napangiti na rin siya.

"Wala nga."

"Common."

"Wala lang..."

"That smile can not mean wala lang. Sige na, bakit ka nakasmile?"

"Gusto ko kasi yung babe."

"Ano?"

"Tinawag mo akong babe. Gusto ko yun."

"Then I'll always call you babe. You'll be my forever babe."

At hinalikan niya ako habang patuloy ang paglagaslas ng tubig pabagsak sa aming katawan.


"Babe?" gulat ni Sir Cabalfin. "Nakarevolve around the Earth ang moon since naging kayo?"

Oh Boy! I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon