The One Way of Being Sorry

8.6K 259 20
                                    

CHAPTER 33

Nakahanda na ang kamay ko sa hita ko. Na kapag pumatong ang kamay niya sa akin ay handa ko nang alisin. Pero hindi niya iyun ginawa. Mas lalo akong nainis. Pinaghihintay niya ako sa wala.

Sa labas na nga lang ako ng bintana nakatingin, pero walang kahit ano sa labas ng kotse ang makakaalis sa bagay na iniisip ko. Naiinis ako kay Gabriel. Na sa mga nakaw kong pagtanaw sa kanya ay hindi ni minsang humarap sa akin. Pinasakay pa niya ako sa kotse niya, e hindi naman ako kakausapin.

May linya pa siya kaninang, "Then prove it. Dito ka naman sumakay sa akin! It will be too much to watch you again ride on that motorcycle!" Tapos ngayong nakasakay na ako sa kanya, ito pagmumukain lang niya akong tanga.

Pinaghihintay niya ako, e nandyan na siya. Katabi ko na siya. Hindi man lang makapagsabi nang kumusta, hindi man lang madampian ang kamay ko, ang hita ko. Na kung normal na araw naman, e lagi niyang pinipisil at pinanggigigilan. Ngayon wala. Naku, mapapalo ko talaga ang kamay niya sa oras na humawak sa akin.

Hanggang sa huminto siya. Nasa parking area kami ng soccer field ng university. Hindi pa rin siya tumitingin sa akin. Nasa mga naglalaro ang kanyang mukha, pero sa tingin ko, hindi naman niya pinanonood ang mga yun.

Naramdaman ko na lang ang kamay niya humawak sa hita ko. Ang kanina ko pang hinihintay na gagawin niya.

Hinawakan ko ang kamay niya. Pero hindi ko nagawang alisin, hindi ko mapalo. Namiss ko na ang paghawak niyang ito.

"I'm sorry," sabi ko.

Hindi ko alam kung bakit iyun ang nasabi ko. Wala akong planong humingi ng sorry. Wala akong ginawang masama, pero sa paghawak niya, nawala lahat ng katigasan ko. Sumuko na lang. Ito ba ang pagmamahal?

Hindi ako makaharap sa kanya. Hindi rin siya humaharap, pero pinihit niya ang kamay niya, na mula sa hita ko ay humawak na sa kamay ko.

"Galit ka?" tanong ko. Tiningnan ko si Gabriel. Pero hindi pa rin siya humaharap sa akin.

"Galit ako," sagot niya. Pero walang tigas ang kanyang pagkakasabi. Wala ring pagmamahal. Bumuntung hininga at nagsalita ulit. "Galit na galit ako."

"I'm sorry," sabi ko ulit. "Pero ilang beses kitang kinontak. Nagtext ako sa'yo. Nagtext ako. Hindi ka nagparamdam. Hindi mo ako pinansin."

Hindi nagsalita si Gabriel.

"Nagalit din ako," sabi ko kay Gabriel. Unti-unti kong binawi ang kamay kong hawak niya.

Nanatili kaming tahimik habang pinapanood ang mga naglalaro ng soccer sa field. Pero hindi naman talaga kami nanonood. May ibang naglalaro sa aming mga isipan. Mga kwentong gustong kumawala ngunit hindi alam kung paano lalabas.

"Bakit?" tanong ko na lang. Basag ko sa katahimikan.

"What do you mean, bakit?"

"Bakit ka galit? Eh ako ang iniwasan mo nang matagal. Ilang araw, Gabriel. Andami kong gustong sabihin, ang dami kong isusumbong, wala akong masabihan, andami kong iniisip pero wala ka para.. Para masabihan ko. Sinanay mo akong laging nandyan ka, tapos bigla mo akong iiwang nag-iisa."

"Then tell me now. Para hindi ka na galit. Ako na lang."

"Wala na. Kinalimutan ko na lang lahat."

"Then we have nothing more to talk about."

"Siguro nga."

Pinaandar na ni Gabriel ang makina ng sasakyan.

"Gabriel," sabi ko. "I'm sorry."

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now