The One Back

7.4K 254 46
                                    


CHAPTER 48

Bumitaw ako sa kamay ni Gabriel. Isinara ko ang pintong binuksan niya para sa akin. Nakita ko ang pangamba sa mukha ni Gabriel. Umiling ako.

"Gab, hindi muna ako dyan," sabi ko. "Sa likod muna ako. Kailangan ako ni Mama."

Nakita ko ang relief sa mukha ni Gabriel.

"Of course," sabi ni Gabriel.

Yumakap siya sa akin. Mahigpit.

"Thank you for staying with me," sabi ni Gabriel.

Alam ko kasing iyun ang tamang gawin. Ang sumama kay Gabriel, at hindi lumingon sa iyak ni Jessie. Pinili ko siya, sasamahan ko siya. Siya ang boyfriend. Pero bakit minsan, ang tamang sinasabi ng isip, ay masakit gawin para sa puso.

"Ikaw ang mahal ko, Gabriel," sabi ko. "At sa iyo ako sasama. Kailangan ko lang si Mama ngayon."

Humalik si Gabriel sa noo ko at pinagbuksan ako ng pinto. Pumasok ako at tumabi kay mama. Niyakap ako ni Mama. Tahimik lang kami. Nararamdaman ko ang pagpipigil ni Mama ng kanyang naaramdaman.

Nagmaneho na si Gabriel. may mga pagkakataong sinisilip niya ako sa rear view mirror. Minsan ningiti ako. Minsan hindi ko na lang papansinin.

"Akala ko, si Raul na," bumubulong si Mama. "Gago pala siya. Baliw na magtatay. Paano ba ito, Gabriel, sa akin na muna si Alex ko. Siya na muna ang lalaki sa buhay ko habang naka rest mode ang lovelife ko."

"Sure po, Tita," sabi ni Gabriel. "Alex has so much love to give. Enough for the two of us."

"Hay, Alex. Humanda ka," sabi ni Mama kasabay ng isang malalim na paghinga. "Pati ang love ko para sa bayan, para sa ekonomiya, sa'yo ko na muna ibubuhos. Mag-aral ka lumangoy at lulunurin kita."

Napangiti lang ako.

Nakikita ko ang effort nila na gawing magaan ang biyahe. Gawing comfortable. Naiintindihan ko naman. Nakikisakay lang kami ni Mama sa boyfriend ko. Ang boyfriend ko naman, syempre, pa-good shot sa nanay ko. Ako. Ito, nag-iisip. Ang close na nina Mama at Gabriel. Ang close nila.

"Ihahatid muna kita bahay ng kuya mo, doon ka muna, tapos babalik ako dito kukunin ko ang mga gamit natin. Kailangan lang muna nating makaalis sa bahay ng mga baliw na yun. Okay ka lang ba Alex, anak?"

Tumango lang ako. Wala akong masabi. May kasalanan pa ako kay Mama. Naglihim ako sa kanya. Si Jessie, hindi ko sinabi sa kanya ang lahat ng tungkol kay Jessie.

Binugbog ako ni Jessie dahil mahal niya ako. Mahal niya ako una palang niya akong makita. Minahal niya ako kaya siya sinaktan ng Daddy niya. At hanggang ngayon, nararamdaman kong mahal pa rin niya ako.

Hindi ko namalayang nakarating na kami sa bahay ni Kuya. Pinagbuksan niya kami. Beso kay Mama. Yakap sa akin. Yakap kay Gabriel. Pero si Gabriel, nagpaalam na rin.

"Una na ako, Tita," paalam ni Gabriel.

"Sige, Anak," sabi ni Mama. "Salamat sa paghatid ha."

"No problem po," sagot ni Gabriel.

"Alis ka na agad?" tanong ni Kuya na naglabas ng inumin para sa amin.

Hinatid namin ni Kuya si Gabriel hanggang sa elevator.

"You have some family issues to discuss," sabi ni Gabriel.

Tumingin sa akin si Kuya.

"Mamaya na lang," sabi ko.

"Albert, magsabi ka ng totoo, alam mo ba ang mga nangyayari ditto sa kapatid mo?" tanong ni Mama kay Kuya?

Nagtaka si kuya.

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now