The One With the Epilogue

13.2K 310 215
                                    

CHAPTER61

Sabi ni Jessie siya na ang bahala. Ito pala ang ibig niyang sabihin.

Nine PM, nakaabang na ako sa laptop ko. Bukas na ang Skype. Hinihintay na magkaroon ng pagbabago. Pero limang minuto na ang nakakaraan, wala pa rin.

Hindi ito ang gawain ni Jessie. Noong unang araw kasi niya, fifteen minutes bago mag alas nueve, hindi na tumitigil ang telepono ko sa mga messages niya. Pinapaakyat na ako sa kwarto para magkita na kami. Ngayon, siya ang late. Kahit limang minuto lang, alam kong hindi siya male-late.

Nagmessage na ako sa viber.

Isa.

Dalawa.

Tatlong messages.

Wala. Hindi man lang seen.

Tiningnan ko ang huling message niya, mga 10 hours ago na. "Goodluck sa pila sa enrollment," sabi sa message niya.

Reply ako ng "Thanks. Ingat ka dyan."

Tapos nun wala na? Anong nangyari kay Jessie.

Nagsimula na akong mag-alala. Malayo siya sa akin. Hindi na siya dito sa mansion nakatira. Kung may mangyari sa kanya, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Hanggang sa may kumatok sa kwarto.

"Sir, may ipinaaabot ang mama ninyo," sabi ng kasambahay naming si Mabel siguro.

"Di'ba umalis sina Mama?" ang alam ko kasi ay nagbubulalo sila sa Tagaytay mula pa kaninang hapon.

"BIlisan ninyo daw, kasi naghihintay si Sir Raul sa labas. May pupuntahan pa raw sila."

Bakit naman sila bumalik? Bakit naman inutusan ng mama si Mabel? Hindi naman namin ugali ang mag-utos sa mga kasambahay. Anung mali sa gabing ito?

Pinagbuksan ko si Mabel.

Laking gulat ko nang makita ko si Jessie. Agad niyang sinara ang pinto, iniwan si Mabel at ako, niyakap niya at dinala sa kama.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Nadadala lang ako at nakabalik lang ako sa ulirat na nasisimsim na ang aking labi ng mga halik ni Jessie.

Ayoko ng ulirat ko. Muli kong kinalimutan ang lahat at nagpaubaya sa nararamdaman ko, sa kagustuhan ko, sa pagmamahal na umaagos sa aking katawan papunta sa mga labi ni Jessie.

Bumalik na lang ang aking pag-iisip nang nakahiga na ako sa kanyang matigas na dibdib at nakadantay sa matikas niyang katawan. Siguro, maganda kaming tingnan kung may salamin sa kisame, sa tapat ng kama ko. Kapwa kami naka boxers, at iyun lang ang aming suot.

Humarap sa akin si Jessie at hinalikan ako nang mabilis.

"Surprised?"

"Sobra," sabi ko.

"Parang hindi ka naman nagulat," sabi ni Jessie.

"Ayoko na lang magtanong kasi nandito ka. Iyun naman ang mahalaga," sabi ko.

"Ayoko lang magsimula ang klase na hindi mo ako nakikita," sabi ni Jessie.

"Iniisip mo pa rin bang makakalimutan kita?" tanong ko.

"Maaalis mo ba sa akin?" sabi ni Jessie. "Nasa Australia ako para kalimutan ka. Bawal tayo mag-usap. Bawal tayo magparamdaman, Pero ginagawa ko ang lahat para hindni kita malimutan. Gusto ko, ganun ka din sa akin."

"Mula nang una kitang makita, sa salamin ng banyo, habang umiihi ka," sabi ko. "Hindi na kita nakalimutan. Ngayon pa ba, na hini na takot ang meron ako sa iyo. Ngayon pa ba kita aalisin sa isip ko? Sa puso ko?"

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now