The One Where it Breaks

7.9K 232 70
                                    

CHAPTER 42

Nakahiga ako sa sahig. Basa, tanging puting brief lang ang suot. Sa kanan ko ay si Jessie, nakahubad din maliban sa basang boxers shorts. Hawak niya ang pangang tinamaan ng sapak ni Gabriel. At si Gabriel, naglalakad palayo sa amin.

Agad akong tumayo. Kinuha ang mga damit, sapatos, bag at mga plates. Humabol ako kay Gabriel na papalabas na ng pool area.

"Gab, teka lang," sigaw ko.

Tuluy-tuloy lang siya sa paglalakad. Alam kong narinig niya ako. Alam ko rin na sinasadya niya akong hindi pansinin.

Umabot ang paghabol ko sa kanya sa may parking area. Sumakay siya sa kotse, mabigat ang pagsara niya ng pinto. Pumunta ako sa kabilang side para buksan.

Sasama ako kay Gabriel, saan man siya pumunta. Tapos na ang kalokohan ko kay Jessie. Hindi kalokohan, pag-iinarte. Tama sa si Sir Cabalfin, ang arte arte ko. At gusto ko yung isigaw kay Gabriel. Sorry, Gab, ang arte arte ko.

Pero hindi muna ako sumigaw. Mukha na akong tanga na nakahubad, tumutulo ang tubig sa katawan, may mga bag at kung anu-anong nakasabit sa balikat at mga damit at sapatos sa kamay. Pag sumigaw pa ako, mapagkakamalan na akong baliw. Kanina pa ang uwian, pero may iilan pa ring mga taong napapatingin sa akin.

Bubuksan ko na ang pinto ng kotse nang tumama ang tingin sa akin ni Gabriel. Namumugto ang mga ito. Umiling siya at narinig ko ang click ng lock. Nagsimulang tumunog ang makina ng kotse, at napabitaw ako nang magsimula itong umandar.

"Gab, hindi pa ako nakakasakay," bulong ko sa sarili ko.

Oo, alam kong masakit ang inabutan niyang kasama ko si Jessie, pero nasasaktan din ako sa ginagawa niya ngayon. Ang sakit pala nito. Yung mabigat ang dibdib, nanginginig ang mga binti, nanghihina ang katawan, nahihirapang huminga.

Bumigay ako. Napaupo ako, walang pakialam kung may nakatingin sa akin. At hindi ko na alam kung saan naimbak ang napakaraming luhang tuluy-tuloy na dumaloy sa aking mga mata. Ayaw tumigil.

Hinayaan ko ang sarili ko sa ganoong sitwasyon. Ang arte-arte ko. Ang sama-sama ko kay Gabriel. Deserve ko 'to. Niyakakap ko ang kahihiyan. Parusa ko ito sa sarili.

"Hayaan mo siya," Si Jessie. Alam kong siya tong boses sa likod ko. "Nandito ako."

Nanlaki ang mga mata ko. Kinailangan ko ang lahat ng hangin sa paligid ko. Pagkahinga ko, agad akong tumayo. Binitawan ko ang lahat ng dala ko at hinarap ko si Jessie.

Sinugod ko siya. Pinagsusuntok, tinulak, gusto ko syang itumba.

"Aanhin kita, gago ka! Baliw ka! Baliw ka!" tuluy tuloy kong salita.

"Tama na," mahinahon niyang sabi.

"Ikaw ang tama na," sagot ko na patuloy na sumusgod kay Jessie. "Gusto mo akong umiyak di'ba? Ayan na, umiiyak na ako. Napaiyak mo na ako. Nakuha mo na ang gusto mo. Tigilan mo na ako!"

Ibinuhos ko ang lahat ng galit ko sa kanya. Alam kong wala na akong sense. Kung anu-ano ang hugot nang pinagsasabi ko. Pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Ang sakit-sakit, ang gulu-gulo. Ang totoo, hindi ko naiintindihan kung anong uunahin ko sa lahat ng nararamdaman ko. Basta ang gusto ko, maitumba si Jessie. Kasalanan niyang lahat ng ito. Siya ang may kasalanan. Siya!

Pero kahit sa ganoong pagkakataon, malakas pa rin siya. Matikas pa rin siya kumpara sa nagbibunata kong katawan. Bawat suntok ko ay nasasalag niya. Ang pagtulak ko ay sinabayan niya nang pag-atras. Hanggang sa yakapin na niya ako. Inipit niya ang magkabila kong braso.

"Tama na!" sigaw niya.

Hindi pa rin ako tumigil sa pagpupumiglas hanggang sa manghina ako sa pagod. Naramdaman siguro yun ni Jessie at lumuwag ang pagkakahawak sa akin. Inilagay ko ang mga kamay ko sa mukha ko at tinuloy ang pag-iyak. Tapos na akong maging mahina sa harapan niya.

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now