The One With Lalaki One

7.9K 243 53
                                    

CHAPTER 45

"Akala ko rin, tapos na kami," sagot ko kay Mama.

Madaling araw na pero nasa harap pa rin ako ng drafting table. Kinuha ko ulit ang mga sheets ng final plate ko kay Sir Cabalfin. Kung kailangang ulitin, uulitin ko. Kailangang maayos ko ito. Kailangan ko rin naman ng pagkakaabalahan habang hinihintay kong bumalik si Gabriel sa akin.

"Madaling araw na, kailan ba ang deadline niyan?" follow up question ni Mama.

Nakatayo siya sa may pinto ng kwarto ko sa Mansion nina Jessie. Umiinom ng kape, bakit kailangan niyang maging gising, hindi ko alam.

"Within the week naman, Ma," sagot ko.

"Eh itulog mo na muna 'yan. May ilang araw ka pa."

"Sayang ang momentum. Ikaw ma? Bakit gising pa?"

"Work from home muna ako. Napapadalas ka naman dito sa bahay, ano ba naman yung samahan na kita. Baka mamaya, may ginagawa yung mag-ama sa'yo na hindi ko alam."

Natawa si Mama. Joke pala yun para sa kanya.

Nangiti lang ako. Wag nating pag-usapan yan ma, sabi ko sa sarili ko.

"Pero bakit ka nga nandito madalas, war ba kayo ni Jowa? Kayo pa ba?"

"Iyun naman,Ma," sabi ko. "Parang itong mga plates ko. Akala ko rin, tapos na kami."

Lumapit si Mama sa akin. Ibinaba ang kape niya sa mesa ko. Malayo sa mga plates ko. Inalis niya ang pen sa kamay ko at saka ako niyakap.

"Ay, ang lalandi ng mga teenagers," sabi ni Mama. "May nalalaman ng pagsubok sa love story. Anyare? Kwento mo kay Mama."

"Ma, gumagawa ako ng plates," sinubukan kong ibahin ang usapan.

"Ay dedmahin mo ang momentum mo dyan. Matagal pa ang Friday. Spluk na ang kwento."

Hindi ako umimik. Ngumiti lang ako kay Mama.

"Alex, tayong dalawa lang ang magkakampi. Lahat ng sa akin sinasabi ko sa'yo. Ayoko ring may hindi nalalaman sa'yo. Kwento na bilis," sabi ni Mama na medyo nagbigay ng kaba sa akin.

Napilitan akong magkwento.

"Kasalanan ko, Ma," umpisa ko.

"Ay, guilty as charged!" reaksyon ni Mama.

Hanggang doon lang ang kaya kong sabihin. Ayokong magsinungaling kay Mama. Pero paano ko ikukwento si Jessie sa kanya?

"May nagkagusto kasi sa akin, Ma," sa ganitong paraan ko na lang siya tinago.

"Pangalanan natin yan bilang si Lalaki 1," sabi ni Mama. "Nagkagusto sa'yo. Nagkagusto ka rin ba sa kanya?"

"Opo."

"Ay, deretsahang sagot. I love the tapang."

"Inamin ko na para madali kong malimutan."

"Bakit? Sino bang mas mahal mo? Si Gabriel naman, di'ba?"

"Opo. Pero hindi okay kay Gab na mas mahal ko siya. Gusto niya, mahal ko siya at siya lang. Walang kahati."

"Wow, in fairness. Na-gets ko si Jowa. Tama naman."

"Kaya ito, kailangan kong mapatunayan sa kanya na siya lang ang mahal ko at wala na akong nararamdaman kay Lalaki 1."

Noon lang bumitiw si Mama sa pagkakayakap sa akin. Tumayo siya, kinuha ang kape. Uminom at nag isip.

"Eh ang tanong, gaano ka ka-sure na si Gab ang gusto mo at hindi si Lalaki 1? Baka kasi sanay ka lang kay Gabriel. Siya lang ang komportableng piliin, pero ang totoo, manghihinayang ka pag nawala ang bagong boylet."

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now