The One With The Dreams

10.2K 299 30
                                    

CHAPTER 26
Nakakailang beses ko nang nasubukang lumipad sa panaginip. Hindi lipad, talon lang nang mataas, parang lumilipad na rin pero bumabagsak din sa lupa. Hindi pa pala talaga ako nakakalipad sa panaginip.

Pero itong paglalakad namin ni Gabriel, sa lobby ng building na tinitirhan ni Kuya Albert, eh higit pa sa panaginip. Kasing weird, pero totoo.

Isang gwapong lalaki ang katabi kong naglalakad na noon ay hindi ko naisip na magiging karelasyon ko. Hindi ko nga naisip na magkakaroon ako ng karelasyon. Babae o lalaki man. Isa lang akong halaman noon. Pero ngayon, itong lalaking katabi ko, nililingon ng mga babae, nginingitian ng mga lalaki.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naramdaman ko ito. Hindi nga pangalawa o pangatlo. Kahit ilang buwan na kami ni Gabriel, laging fresh pa rin sa akin ang ganitong experience. 

Alam kong napapansin ito ni Gabriel. Tulad ngayon, napansin na naman niya na napapansin ko ang mga "lookers" nya. Kaya't hinawakan niya ang kamay ko. Para bang sine secure ako.

"Hanggang tingin lang sila, babe," sabi ni Gabriel. "Ikaw lang ang makakahawak sa akin."

Naghahawak na kami ng kamay ni Gab. Sa bahay, sa sinehan, sa kotse, pero ngayon lang niya hinawakan ang kamay ko sa public.

Nailang ako. Lalo pa't nagtataasan ng kilay ang ibang nakakapansin.

May mga bulong pa.

"Sayang, ang gwapo, bakla..."

"Baka magkuya, ang sweet naman..."

"Papa pala..."

Tinangka kong bumitiw. Nahihiya ako. Humigpit ang hawak ni Gabriel.

"No, don't," sabi ni Gabriel na nakangiti.

"Pero nakatingin sila," sabi ko.

"Which is good. Pakita natin kung ano tayo, since nanonood na naman sila."

"Gab..."

"They can't accept the things we ourselves cannot be proud of." sabi ni Gabriel. "Hindi pwedeng tayo lang ang nakakatanggap sa ating sarili."

Tumungo ako. Tama naman si Gabriel. Natanggap ko na kung ano ako. Ipapatanggap ko naman sa iba.

Magkahawak ang kamay namin hanggang sa makarating kami sa unit ni Kuya.

"What's with that look?" tanong ni Kuya Albert.

Bago umuwi ay dumaan kami ni Gabriel sa bahay ni Kuya. Sasabihin ko na sana iyun kay Gabriel pero hindi ko alam doon na pala papunta ang kotse. Ngayong kami na, ngayong tanggap ko na at niyayakap na ang aking pagkatao, marapat lang na malaman ng isa sa pinakamahahalagang tao sa buhay ko.

"Your smiling weird, the two of you," pansin uli ni Kuya.

"Well, we are officially a couple," sabi ni Gabriel.

"Oh," walang masyadong malaking reaksyon si Kuya. Pumaling lang siya sa akin at nagtanong. "Masaya ka naman ba sa desisyon mo?"

"Ang totoo, Kuya," sabi ko. "Medyo matagal na kami. Sorry."

"Okay," sabi ni Kuya. "Nag-alangan ka pa. Naisip mong try , tapos balik ka sa confused stage pag di mo nagustuhan?"

Tumawa na lang ako. Iyun naman talaga ang plano ko. E nag-enjoy ako.

"Well, at least, Alex is not the type who claims to be a bisexual," sabi ni Gabriel.

"Yuh. Yung mga baklang nag-out na nahiya pa," sabi ni Kuya.

Tumawa silang dalawa.

"But you still have some explaining to do," pananakot ni Kuya kay Gabriel. "Mag-uusap pa tayo."

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now