The One with The Blanks

7.5K 212 85
                                    

CHAPTER58

Paanong nangyari na last week lang, nasa akin ang lahat, tapos ngayon, gumigising ako na parang wala nang naghihintay sa akin?

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagising ako na nasa dibdib ko ang telepono. Pero hindi tulad noong nakaraan, si Gabriel ang nasa loob nito. Ngayon, si Jessie ang hinihintay ko. At parehas sila. Walang paramdam buong magdamag.

Nandyan lang silang dalawa noong nakaraan, ngayon parehas na silang wala.

Ang totoo, hindi ko alam ang mararamdaman ko. Mayroon ba akong dapat sisihin. Mayroon bang may kasalanan? Wala naman. Wala namang gumawa ng mali. Walang mali. Pero bakit ko nararamdaman ito? Bakit ako nasasaktan?

Kasi, nag-expect ako.

Ito siguro ang sakit na nararamdaman ni Jessie sa ginagawa ko sa kanya. Hindi ko naman sinasadya na umasa siya. Ginusto niya iyun. Kaya sana hindi naman niya ako ginagantihan.

Pero ibig sabihin ba nun, ginugusto ko rin ito? Pinipili ko rin bang umasa?

Ang sakit-sakit naman pala nito.

Kaya naman hindi ko na inisip na mayayakap ko si Jessie habang nakaangkas ako sa motor niya papasok sa campus. Hindi ko na inisip na makakasabay ko siya kumain. Hindi ko na inisip makikita ko si Jessie sa paglabas ko ng kwarto.

At iyun. Wala nga siya paglabas kong kwarto.

Pagdating sa dining area, wala din siya.

Wala ring ingay ng motor.

Wala. Wala rinang pagsubok kong hindi umasa. Pinigilan kong hindi umasa, pero umasa pa rin ako. At eto ako. Umasa sa wala.

Pero bumusinang muli ang sasakyan ni Tito Raul. Tito Papa na pala.

"Hindi umuwi si Jessie," sabi ni Tito. "Sabay na kita, kailangan ko ring daanan ang mama mo."

"Salamat po," sabi ko.

Sumakay ako sa kotse.

Nag-iisip pa rin ako.

Nagsalita si Tito Papa.

Hindi ko narinig.

"May problema ba sa school?" tanong niya.

"Wala naman po," sagot ko.

"Para kasing ang lalim ng iniisip mo."

"Wala naman po. Kulang lang sa tulog."

"Ah, sige tulog ka na lang pagbalik mo," sabi ni Tito. "Nagkita ba kay ni Je-Ar kahapon?"

"Hindi nga po, eh," sagot ko at hindi ko na rin napigilan. "Hindi po ba siya umuwi?"

"Hindi," sabi ni Tito. "Hindi ba nagpaalam sa iyo? Sa Boarding house niya siya natulog. May inaayos."

"Hindi po siya nagsabi," sagot ko.

"Namimiss mo na ba ang kapatid mo?" tanong ni Tito.

May kakaibang bugso sa loob ko ang sinabi ni Tito. Oo nga. Namimiss ko si Jessie. At oo, kapatid ko siya.

Tumango lang ako. Alam na ni Tito Papa yun.

"Namimiss ka rin nun," sabi ni Tito Papa. "Pero mayroon siyang mga kailangang gawin din para sa sarili niya. May mga desisyon siyang kailangang gawin, para sa iyo, para sa akin, para sa pamilya natin."

Hindi ko naunawaan ang last part ng mga sinabi ni Tito Papa. Mas nag-focus ako dun sa sinabi niyang namimiss din ako ni Jessie. Pero nagpatuloy si Tito Papa sa pagsasalita.

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now