The One With the Looks

7.6K 224 77
                                    

CHAPTER54

Nagsimula kami sa wala.

Buffet naman ang kainan pero wala pa ring pagkain sa mesa nang umupo kami. Tulad ito ng isip ko, na ang dami-daming pwedeng maging laman pero hinayaan ko munang mawalan ng laman.

Tumayo ang magtatay sa pagdating namin ni Mama. Inayos ni Mang Raul ang uupuan ni Mama. Humawak si Jessie sa uupuan ko, ngunit napansin ko ang tinginan nilang magtatay. Obviously, hindi pa sila ayos. "Ayos" sa sense na alam ko, na tanggap na ng tatay niya ang katauhan niya.

Napansin din ni Mama ang tinginan nina Mang Raul at Jessie. Nagkatinginan din kami ni Mama. Alam na namin ang iniisip ng isa't-isa. Wala naman palang nagbago. Walang patutunguhan ito.

"Para saan ang pagkikitang ito?" tanong ni Mama.

Doon ko napansin ang mas higit na pag-iksi ng shorts niya dahil nakaupo na siya.

"Kain muna tayo," sabi ni Mang Raul.

"Treat mo ito, Raul," sabi ni Mama.

"Of course," sabi ni Mang Raul.

Tumayo kaming apat. PInauna ni Mang Raul si Mama papunta sa pila. Tiningnan niya ako para sumunod kay Mama, pero hinayaan ko na siya. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyun. Alam ko, para kay Mama. Alam ko namang gusto iyun ni Mang Raul, at gusto ng maiksing shorts ni Mama. Pero kasabay kasi nun, si Jessie ang makakatabi ko.

Bago pa man ako kumuha ng pinggan, mayroon nang platong nakaabot sa akin.

"Salamat," sabi ko kay Jessie.

Ngumiti lang si Jessie.

Matapos kumuha ng pagkain, bumalik kami sa aming mesa. Pang fiesta ang pinggan ni Mama kaya siniko ko.

"Ma, buffet to," sabi ko. "Pwedeng bumalik."

"Alam ko," sabi ni Mama. "Bakit mo naman naisip na hindi ako babalik?

"Kain na tayo," sabi ni Mang Raul.

Habang kumakain, napapansin ko ang mga nakaw na tinginan nina Mama at Mang Raul. Ang mga minsang pag-irap ni Mama ay nangangahulugang may nararamdaman pa siya dito.

Iyun siguro ang dahilan kung bakit ayokong tingnan si Jessie. Baka mairapan ko siya, at isipin niyang may nararamdaman ako sa kanya.

Meron naman talaga. Galit. At hindi dahil binugbog niya ako. Tapos na iyon. Galit ako sa kanya dahil siya ang dahilan kung bakit hirap na hirap ako ngayon kay Gabriel.

Itinuloy ko na lang ang pagkain ko bago pa ako mawalan ng gana. Naisip ko na naman si Gabriel. Kaharap ko si Jessie, at si Gabriel na ang iniisip ko. Sapat na siguro itong dahilan para patunayan sa sarili ko na si Gabriel talaga ang laman nitong isip ko. Kung si Gabriel ang laman ng puso ko, hindi na naman tinatanong yun. Siya naman talaga. Oo, may kumatok ngang iba minsan, at sinilip ko. Siguro pinapasok ko nang kaunti. Pero kaunti lang. Naging polite lang ako, pinaupo ko sa sofa. Siguro nabigyan ko rin ng tubig. Pero ganun lang. Hindi na nahalughog ni Jessie ang iba pang bahagi ng puso ko. Dahil kay Gabriel lang ito. Sa kanya lang. Kay Gabriel lang.

Iyun lang. habang nginunguya ko ang pagkaing laman ng bibig ko, si Gabriel naman ang tumatakbo sa isip ko. Hindi ko na napansin ang usapan, ngitian at kung ano pang kilig ni Mama dahil nakasama niya si Mang Raul. Mukhang ilang sandali na lang, magiging Tito ko na ulit ang Mamang ito.

Natapos lang ito nang malaglas ang phone ko na nakapatong sa table. Nasagi ko.

Agad akong yumuko para pulutin ang telepono.

Pero kung bakit kailangang mangyari ito, hindi ko alam. Dahil iyun din ang ginawa ni Jessie na nagpapakabait yata.

Yumuko din siya, kinuha ang telepono ko. Nauna siya. At dahil nawala ako sa balance, hindi ko napigilang itukod ang kamay ko sa kamay niyang nasa telepono ko.

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now