The One Who Came Back

16.6K 482 19
                                    

CHAPTER 3

Ang gulo-gulo.

Hindi pwedeng iisipin mong 'she' ang tinutukoy ko, tapos sasabihin mo sa akin ang totoong pangalan mo na may congratulations pa, na parang sinabi mong ikaw nga yung nagpramis na magpapakilala pag pumasa ako, pero hindi naman talaga ikaw.

Nililito mo ako, pogi!

Pero sige na. Mali siguro ako, hindi si Gabriel ang iniisip ko. Hindi naman dahil gwapo itong si Gabriel e siya na ang lalaking nagsagip sa akin noong fourth year ako. At hindi dahil parang sakto ang itsura niya sa lalaki sa panaginip ko, e siya na nga iyun. At kung siya iyun, malamang, nasabi na niya kay Kuya ang pinaggagawa sa akin ni Jessie. Mag-bestfriend sila, di'ba nga.

Tama naman si Kuya. Hindi yata kakayaning panindigan ang suot ko.

Nung sinabi sa akin na pangmayaman ang course ko, dapat naniwala ako. Interior Design, bakit ba ako naligaw sa dito, at ang sira-sira kong pants ay laos na laos sa mga babaeng tinuloy ang summer sa pasukan, mga nakapalda, shorts, dress. Iilan lang kaming lalaki, apat? Dalawa pa dito, unang tingin, bading. Wala ring nagsabi sa akin na hindi panlalaki ang course na ito.

Andaming freshmen. Nakapila ang lahat at may kanya kanyang designated na blocks. I-1 ako at sa harap ng pila ay isang upperclassman na may hawak ng block number namin. Siya ang sinundan namin nang pumasok kami sa theatre.

Anlaki ng theater, kasya kaming lahat ng bagong students. Nakaupo kami sa bandang likod, kasama ang mga ka-college namin sa home economics. Hindi ko man naipapakita sa mga tao sa paligid, anlaki ng ngiti ko sa loob ko. College na talaga ako. Ito na 'to!

Hanggang may isang lalaking tumabi sa akin. "I-1?"

"Oo," sagot ko.

"Arvin."

"Alex."

Lalaking-lalaki ito, medyo pareho ko ng porma, hindi nga lang sira ang pantalon niya, at may kwelyo ang t-shirt.

Tinuro niya ang block na A-1. "Next year, sabay na tayong magshift d'un."

Ngumiti lang ako.

"Wala ka namang planong magtuloy ng Interior Design di'ba? Pambading 'to, eh. Pero ayos daw itong ID para may subjects ka na ng Arki. Madali naman daw lumipat, lalo pa at makikilala naman tayo n'ung mga prof dun."

"Oo nga."

"Pare, hindi parang pera ang salita, huwag mo ipunin. Hindi mo yan mapangtu-tuition."

Nagtawanan lang kami.

"Tingnan mo yun oh," tinuro ni Arvin ang isa naming blockmate. "Iyan, bagay 'yan mag Interior Design. Babakla-bakla."

Ngumiti lang ako.

"Teka, pare," sabi ni Arvin. "Hindi ka naman bakla diba? Baka masabunutan mo ako. Masyado na akong nagle-label."

Medyo napaatras ako sa tanong. Medyo napapadalas ang pagtatanong ko nito sa sarili ko. Sinasagot ko na, hindi, lalaki ako. May weird lang na episode na nakikipaghalikan ako sa lalaki sa panaginip, pero panaginip lang iyon. Hindi naman ibig sabihin na gusto ko talagang makipaghalikan sa lalaki. tulad nang hindi ko gustong maging hubad sa classroom, o malagasan ng ngipin tulad ng iba ko ring mga panaginip.

Hindi ako bakla. 

"Hindi, pare,"  sabi ko. "Hindi ako bakla."

So far.

Sa tingin ko naman, nakumbinsi ko si Arvin. Pero nakatingin siya sa akin ng weird din. Kailangan kong basagin ang itsura niya.

"Pero masyado ka na ngang nanle-label."

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now