The One with the Ball

10.5K 265 23
                                    

CHAPTER 35

"Kuya, alam mo bang lahat kay Ate Summer? May sikreto kaya siya? May mga bagay kaya siyang hindi sinasabi sa'yo?"

Maaga pa lang ay sinundo na ako ni Kuya Albert. Medyo magalaw ang pagkakaupo ko sa passenger seat habang binabasa ang grocery list na halos lahat ay may check na. Nakapamili na kami ng panghanda para sa salu-salo sa gabi. Ang kulang na lang ay mga bulaklak. Two years na kasi sila ng Girlfriend niyang si Summer. Anniversary nila at nagtanong ako ng intriga. Ang galing kong kapatid.

"May nakwento ba si Gab sa'yo?" tanong agad ni Kuya. Medyo may panic sa boses niya, pero kalmado naman.

"Wala," sabi ko. "Sorry. Wala talaga. Hypothetical lang."

Napahiya ako sa tanong ko.

"May nalalaman ka pang hypothetical," sabi ni Kuya. "Kutusan kita dyan, eh, nang mahypothetical ka."

"Sorry," sabi ko.

"Can you just sit properly, ang likut-likot mo. Nakakadistract ka. May masakit ba sa'yo?"

"Wala. Na-awkward lang. Mali yung tanong ko."

Pero may masakit talaga. Ngayon ko lang naramdaman ang epekto nang ginawa namin kagabi ni Gabriel. Lalo pa nang mapadaan sa humps.

"Ouch," mahina kong sigaw

"Sorry," sabi ni Kuya. "Invisible kasi yang humps na yan. Why can't I get used to that. Nauntog ka ba?"

Umiling ako.

"O, huwag ka nang ma-awkward. Isipin mo na lang nakutusan na kita with that bump in the road."

"Okay. Sabi mo eh," sagot ko.

"So ano? Sa tingin mo ba, may tinatago si Gabriel sa iyo? O baka naman ikaw ang may hindi masabi kay Gabriel?"

Kagabi, sabi ni Gabriel, sabihin ko lang, I'm fine, I'm done with Jessie. Sinabi ko iyun. Pagsisinungaling iyun. At sa likod ng kasinungalingang iyun ay isang sikreto. Ang mga nangyari sa falls. Ang mga halik ni Jessie. Hindi ko pa nasasabi kay Gabriel. Mag-iisang buwan ko na ring sinasarili.

"Ikaw ba kuya, may mga hindi sinasabi kay Ate Summer?"

"Meron din," sagot ni kuya. "I never told her that you are gay, that you were confused, and now you found yourself."

"Hindi naman niya kailangan malaman yun," sabi ko.

"Yuh. That's why I didn't tell her. But she eventually found out. From Gabriel. Sinabi ni Gabriel na kayo na. Tama naman, mag bestfriend sila, at magtatampo si Summer kay Gabriel kung sa iba pa niya malalaman. Pwede naman sa akin, magmumukha lang akong tsismoso."

Hindi pa rin ako nakaimik. Nag-iisip.

Si Kuya naman, may kinuha sa isa sa mga taguan sa kotse. Stress ball. Iniabot niya sa akin.

"Upuan mo yan," utos ni kuya.

Talaga naman. Ngayon pa naisip ni kuya ang magpa-exercise.

"Kuya, okay lang ba, deretso ka na lang sa point. Medyo hindi komportable..."

"Hmmm?!" humarap si kuya, nanlaki ang mata, tumaas ang kanang kilay.

Nahiya ako kay Kuya. Parang alam na niya.

"Upuan mo yan," utos niya na may halong kaseryosohan at pananakot. "Gagawa-gawa kayo ng kalokohan tapos... Basta, upuan mo yan."

"Kuya, wala," pagtanggi ko. "Eto nga o, uupuan ko na, o. Hindi naman masakit, o."

At inilagay ko ang stress ball sa upuan ko at inipit.

"Okay na ba?" tanong ko kay Kuya.

"Hindi pa." Parang nagti-trip na si kuya.

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now