The One With No Reply

11.5K 321 40
                                    

"Hindi ka naman pwedeng perpekto. Tao ka lang din."

Mahina ang pagkakasabi ko. Alam ko nga sa isip ko lang iyun dumaan, pero bumuka pala ang bibig ko at nagbigkas ng mga salita.

"Of course I'm not," sabi ni Gabriel habang isinasalin ang fried rice pinggan. "I'm real. I'm no fantasy."

Pero ang perpekto mo sa akin Gabriel, kung alam mo lang. Kaya kong maghintay ng agahan sa mesang ito araw-araw habang nagsasangag ka na suot ang boxers shorts na pantulog at ang apron na may drawing ng abs.

Tumayo ako para naman fair. Kailangang kumilos din ako. Kahit nakalatag na ang mga kubyertos, pinggan at baso. Ang bacon and egg at isang piling na saging.

"Where are you going?" tanong ni Gabriel.

"Tutulong ako sa'yo," sabi ko. "Nakakahiya naman. Hindi mo naman ako Misis, para gawing reyna."

"Yuh, I am the King of this house but I'll never make you my missus or my Reyna... unless you want me to," sabi ni Gabriel.

Umiling ako.

"Nice," sabi ni Gabriel. "You are my Prince, kasi. My most prized."

"Hindi ko alam sinasabi mo," sabi ko. "Kain na lang tayo at tanggalin mo na ito."

Iniangat ko ang apron sa katawan.

"Nagdesign ka pa ng abs sa apron," sabi ko. "Eh it's a tie naman sa totoo. Magbihis ka nga at baka mapadami ang rice ko."

Matapos ang agahan, maligo at magbihis, sabay na kaming pumunta sa campus. Enrollment na. Naipalam ko na kay Mama na medyo malaki-laki ang mawawala sa ATM na iniabot niya sa akin.

Nakasakay kami sa kotse, at pinakaayaw ko kapag humihinto ang sasakyan.
Kailangan kasi niyang tanggalin ang kamay niyang lagi niyang pinapatong sa aking hita.

Kapag hahawakan ko iyun, hahawakan din niya ang kamay ko at hahalikan.

Hay. Hindi naman pala ganun kasama ang magmahal tulad ng mga kwento ni Mama. Sa dami ng naging boyfriends niya, talaga namang mauumay siya. Pero kay Gabriel, walang dapat ikapagod. Ang dali nga dahil sa lahat ng bagay, may kasama ako.

 Natapos ang Sembreak na hindi ko kinailangang bumalik sa mansion. Si Mama, ayos naman sa set up namin na pinupuntahan siya sa work niya once in a while. At imbes na ako ang nasa mansion, siya ang dinadala namin sa bahay ni Gabriel. Bahay ko na rin pala. 

At sa ikalawang beses nga niyang pagpunta, naloka ako.

"Ma," sabi ko. "Iyun na, kami na, umoo na ako."

"Okay," sabi ni Mama. "Basta mag-ingat kayo ha. Huwag puro kalokohan, maging inspirasyon nyo lang ang isa't-isa."

"Ma," sabi ko. "Parang hindi ka masaya."

"Masaya ako," sabi ni Mama. "Bakit hindi ka ba masaya?"

"Masaya," sagot ko.

"Nanay mo ako," sabi ni Mama. "Kung saan ka masaya, masaya ako."

"E bakit parang hindi ka naman masyadong nabigla na naging kami na?" tanong ko.

"Alex," sabi ni Mama. "Naglolokohan ba tayo? Hindi mo alam kung ano ang kailangan kong ibang isipin kapag dumapo sa utak ko na magkatabi kayo sa kama. Ngayon pa ba ako magugulat?"

Medyo nalungkot ako sa reaksyon ni Mama.

"Huwag na malungkot," sabi ni Mama. "Pagod lang ako sa work. Atsaka, medyo nagtalo kami ng Tito Raul mo. May dinala kasing mga kaibigan si Je-Ar. Hindi niya nagustuhan yung isa. Pinalayas. Napahiya tuloy yung bata. Lalo naman si Je-Ar. Hiyang-hiya sa mga barkada niya."

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now