The One With Two Reasons

7.7K 280 113
                                    


CHAPTER 44

"Mahal mo ako di'ba?" tanong ko kay Jessie.

Mula sa gate,sa pagpasok niya ng motor. Nakasunod lang ako kay Jessie. Iniipon ko ang lakas ng loob na harapin siya.

Pero hindi ako nililingon. Ayaw niya akong harapin. Ayaw niya akong pansinin.

Naglakad siya papasok sa mansion. Sumunod ako. Binuksan niya ang pinto. Naglakad lang siya at hinayaan niyang bukas ang pinto para makasunod ako. Iyun ang paraan niya ng pagbubukas ng pinto para sa akin.

Nagpatuloy siya sa paglalakad. Nakasunod ako. Hanggang sa huminto siya. Humarap. Tumitig sa mga mata ko.

Napahinto rin ako. Isang malalim na paghinga. Itinanong ko na.

"Oo," sagot niyang hindi bumibitaw ng tingin sa akin. "Mula pa noong una kitang makita."

Natigagal ako.

"Ngayon, ano na ang gagawin mo?" siya naman ang nagtanong.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Wala iyun sa naisip kong isasagot niya.

"Break na kami ni Gabriel," sabi ko. "Dahil sa'yo."

"Hindi mo sinagot ang tanong ko."

"Wala akong gagawin. Wala akong pakialam. Wala akong gusto sa iyo. Mahal ko si Gabriel at magkakabalikan kami."

"Ano bang ginawa ng Gabriel na yan para mahalin mo siya?"

"Ano bang ginawa mo sa akin para hindi kita mahalin?"

"Hindi ko na gagawin ulit yun."

"Hindi pa rin kita mapapatawad. Ilang taon mo akong tinakot. Sinaktan. Bangungot kita. Tapos sasabihin mo sa aking mahal mo ako. Anung klaseng pagmamahal yan?"

Hindi nagsalita si Jessie. Tumalikod siya.

"Sumagot ka," utos ko.

Huminto si Jessie.

"Alam kong mahal mo si Gabriel. Pero huwag mong lokohin ang sarili mo. Mahal mo rin ako."

-----------

"Saan ba galing ang assumption na mahal ko siya, si Jessie?" tanong ko kay Sir Cabalfin.

Pinatawag ako ni Sir Cabalfin at tunatanong kung gusto kong ulitin ang final plate ko. Ilang sheets kasi doon ay puro patak ng luha.

Doon ko rin naapaliwanag kay Sir na nakabreak kami ni Gabriel at may isang chance na lang ako para iligtas ang aming relasyon.

Iyun, sermon ang inabot ko. Inemphasize ni Sir ang kaartehan ko. At kung paanong tama siya, sinabi na niya, bakit ba daw hindi ako nakinig sa kanya bilang nakatatandang bakla. Tapos sinabi niya, tapos na,nangyari na, anu na ang problema ko. At iyun. Sinabi ko at sinabi rin niya na Oo, ako ay may gusto nga kay Jessie.

"Kasi hinalikan mo siya," sabi ni Sir Cabalfin.

"Siya kaya ang nauna!" tutol ko.

"Dedma na who kissed who first. Gumanti ka. Lumaban yang labi mo, nakipagespadahan ang dila mo. Naglipchukan kayo. Kung wala kang gusto sa kanya, that will make you a malanding paasang bakla. Which is not, diba? So ibig lang sabihin nun, may nararamdaman ka rin."

"Spur of the moment lang yun," sabi ko.

"Wit mo hinanap?"

"Hindi..." sabi ko. "Pero inisip. Pero hindi ibig sabihin nun na mahal ko na siya."

"Anung ibig sabihin nun?"

"Nagtataka lang ako, curious. Bakit niya ako hinahalikan. Mahal ba niya ako? Gusto ko lang yung masagot."

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now