The One with The Breakfast

8.7K 279 23
                                    

CHAPTER 28

Walang nagsasalita.

Hindi ako sanay sa ganito. Nasanay ako sa agahang si Gabriel ang kasama ko, na puno ng kwentuhan at ngiti. minsan nagtatawanan pa kami kahit kaming dalawa lang. Minsan, may tahimik din pala, pag may away kami, pero magaling si Gabriel. nababawi niya agad at napapangiti na ulit ako. 

Pero parang kahit si Mama ay naninibago sa agahan na ito. nakatingin siya kay Tito Raul na nakaupo sa kabisera. Tapos titingin siya kayJessie na katapat niya, sa kabilang side ni Tito. Siyempre si Mama ang nasa kanan at katabi ko. Pare lang kaming mag-ate. 

Si Mama, hindi pa rin nag aayos. Parang naghilamos lang at nagtali ng buhok, kahit walang make up ay maganda si Mama. Kita nga lang ang kaunting wrinkles at ang medyo maitim na eyebags. Dala na rin siguro ng puyat. 

Si Tito Raul, mukhang bumangon lang din at dumeretso sa kainan. Suot pa niya ang pyjama at sando na pinantulog niya kagabi. May eyebags din siya. 

Silang dalawa parang hindi nakatulog kagabi. Kung anuman yun, kanila na lang. Kaya lang parang may natira pang mga dapat pag-usapan para sa agahan. 

May nagaganap na timplahan ng sitwasyon. Si Tito Raul, nakahawak lang sa kubyertos pero hindi pa nagsisiulang kumain. Si Mama naman, bawat subo ay mabagal. Si Jessie, tuluy-tuloy lang kahit alam kong nag-iisip din siya at nakikiramdam. Ako, umiikot din ang mata, sa tinginan ng mga tao sa paligid ko.

Noong huli kong kain, ganito na rin ang aming pwesto pero wala itong nakabibinging katahimikan. Ang tanging naririnig lang ay ang pag-aayos ng mga kasambahay ng pagkain sa mesa. Sina Aling Rosa Mary at Ate Mabel. Dalawa lang sila ngayong nagsisilbi, pero nakikisilbi rin si Mama.

Nilagyan ni Mama ng juice ang baso ni Tito Raul. Binaba ni Tito Raul ang kubyertos na hindi pa niya nagagamit. Kinuha niya ang baso at uminom. Tapos wala na ulit ingay. Nag-ingat din akong gumawa ng tunog sa aking mga kutsara at tinidor. Tahimik din kasi ang pagkain ng mga nasa mesa.

"Walang pasok sa Lunes," paunang sabi ni Tito Raul. "Punta tayo mamaya sa Pangasinan, sa lumang bahay doon. Gusto ko sanang paayos na. Pero subukan muna nating tirhan. Para malaman kung ano ang aayusin. Maganda dun, malapit sa beach. Pwede tayong mag camping. Tingnan natin kung gaano katapang. Subukan natin ang pagkalalaki ninyo."

Napatawa si Mama.

"Huwag palang pag-uusapan," hirit ni mama.

Hindi na nagsalita si Tito. Pero naramdaman ko ang tensyon sa kanilang dalawa ni Mama.

"Kumain ka na," sabi ni Mama.

Sumunod si Tito Raul. iniangat ulit ang mga kubyertos at sumubo.

Pinanood ko ang ginagawang asta ni Jessie. Tinitimpla din niya ang sitwasyon. Patuloy siya sa pagkain. Kahit nakayuko, Napapansin kong malimit siyang tumingin sa kanyang tatay. Minsan kay Mama. Pero hindi sa akin. Ang huli niyang tingin ay kahapon pa. Hindi pa rin ako nakakakuha ng pagkakataon na kausapin siya.

"Dad," sabi ni Jessie. "May lakad kasi ang frat..."

"Sasama ka sa Pangasinan," utos ng tatay ni Jessie sa kanya. Matigas. "Kailangang turuan mong magpakalalaki 'yan kapatid mo. Kung kailangang paranas mo sa kanya ang dinanas mo sa frat, gawin..."

"Subukan nyong galawin ang anak ko," sabi Mama. Matigas din.

Bumulong si Aling Rosa Mary kay Ate Mabel. Napaatras silang dalawa. Parang alam na nila. Ako, hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari. Nagulo ba sila nang pagdating ko? Kasi kung oo, aalis na lang ako.

"Ano po bang prob..." hindi ko na natapos ang sinasabi ko.

"Ikaw!" sigaw ni Tito Raul sa akin. Nakatitig sya sa mga mata ko. Ang titig nya ay higit pang nakakatakot sa mga una kong karanasan kay Jessie. "Ikaw bata ka! Bakit kailangan mong maging malamya, malambot... Bakit ka naging..."

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now