The One with the Orientation

13.5K 456 23
                                    

CHAPTER 5

Hindi ako bakla.

Malamya ako kumilos, tahimik, may sariling mundo, pero hindi ako bakla.

Alam ko, may discussion pa rin sa utak ko tungkol sa bagay na ito, at pinapanalo ko ang paniniwalang lalaki pa rin ako. 

Hindi pa rin siguro ako nagkakaroon ng girlfriend. Hindi dahil sa hindi ako nagkakagusto sa babae. Hindi ko palang naiisip. Siguro sa estado ng puso, pwede akong ikumpara sa halaman. Oo halaman na lang ako, walang kasarian, pwede ba yun? Pwede yun.

Siguro, hindi ako matapang, hindi ako makalaban kay Jessie kapag binubugbog ako. Pero ibig sabihin nun duwag ako. Hindi naman equivalent ang salitang duwag at bakla. Marami kayang matatapang na bakla at mga straight na duwag. tulad ko. Straight na duwag.

Ayun, yan ang mga pinag-iisipan ko. Hanggang sa mag-alarm nga ang cellphone ko na nasa baso. Mas malakas nga ang alarm, tama yung nakasulat sa internet.

Kanina pa akong alas singko gising, hindi lang ako makabangon kasi gusto ko pang matulog, pero pinipigilan ko rin. Ayoko nang bangungot. Nakakahiya ang gumising sa sahig ng cr na sumisigaw, doon pa nagsimula ang pagbabalik ng masasamang panaginip. Ngayon, tumuloy na rin ang paninigas ng katawan ko sa pagtulog kahit sa sarili kong kwarto, sa sarili kong kama.

Bumangon na lang ako. Tiningnan ang schedule. Biyernes, walang klase sa arki. Maluwag ang mundo ko. 

Naligo ako, at nakita ang note sa ref. May agahan sa mesa. Love, Mama V. May agahan nga. Iluluto pa nga lang. Pagkatapos ko magluto, kumain na ako, tapos naligo, nagbihis, mas maayos na ngayon, maayos na maong, snickers at t-shirt pa rin. Ni-lock ko na ang bahay at ang gate, at naglakad palabas ng subdivision.

Pero may bumusina. Huminto sa tabi ko. Nagbaba ng bintana. "Sakay na."

Binilisan ko ang lakad ko. Ayoko sa mamang nasa loob ng kotse.

"Alexander Miguel, sakay na," pamimilit ng mama na muling huminto sa tabi ko.

Hindi ako nagpapilit. Kahit sinasabayan niya ako sa paglalakad.

Dumarami na ang sasakyan sa likod ng kotseng sumusunod sa akin. Nagsisimula nang dumami ang mga bumubusina. Hindi pa rin nagpapatinag ang kotse.

Lumingon ako. Ansama na ng mga tingin ng mga kapitbahay namin. "Alex, sumakay ka na diyan!"

"Halika na," pilit muli ng mama.

Lumingon muna ako sa mga galit na drivers. Bumuntong hininga muna ako bago buksan ang pinto ng kotse at pumasok.

"Kumusta ang unang araw mo?"

Hindi ako nagsalita.

"Sabi ni Albert, mabilis ka naman daw naka-adjust, parang highschool lang din di'ba?"

"Pwede po bang huwag tayong magpanggap na ayos tayo?" sabi ko.

"Anak..."

"Bababa na po ako."

"Hindi na. Sige na. Ihahatid na lang kita. Hindi natin kailangang magsalita."

Ang maganda lang sa mga nangyari ay umaga pa lang, sirang-sira na ang araw ko. Wala nang ikasisira pa. Kung baga, nalampasan ko na ang pinakamasasama, quota na. Bukas na ulit.

Isang mahabang klase sa umaga ang pinasukan ko pagkahatid sa akin ng tatay ko. Parang highschool pa rin talaga, magkakaklase pa rin kaming magkaka-block. Katabi ko pa rin ang mga blockmates kong sina Arvin at Jobielyn. Tanghalian na kami natapos.

Pagkakain, tatlong magkakadikit ng subjects naman. Sa College of Social Science and Philosophy na ulit iyun, kung saan ako nawalan ng malay kahapon. Buti na lang at nagising ako bago maglibot ang mga guards. At ito na naman. Hindi na naman ako siguro tatambangan ni Jessie. Marunong naman sigurong mag-spacing si Lord.

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now