The One on the Rooftop

7.4K 265 152
                                    

CHAPTER49

Ito ang pangatlong beses na hinalikan ako ni Jessie.

Hindi ako nakagalaw. Naalala ko lang ang tanong ni Mama. Kung nakita ko na ang aking hinaharap kasama si Lalaki 1. Hindi. Hindi ko inisip. Kaya't kahit patuloy ang pagkilos ng bibig ni Jessie sa aking mga labi, ay hindi ko nagawang gumalaw.

Napahinto si Jessie. Umatras. Bumalik sa upuan niya.

"Sorry," sabi niya.

Tumango lang ako.

Bumalik siya sa kape. Ininom na niya ang timpla ko. Kaunti lang, tapos ibinaba niyang muli ang baso.

"May lason yan," sabi ko.

Muli niyang kinuha ang kape, ininom. Mas marami. 

"Kung hindi lang mainit masyado, uubusin ko 'to," sabi ni Jessie.

Hindi ako nagsalita. Umupo na lang ako sa kabila ng mesa, sa harap niya. Pinapanood ko lang siya. Nahihirapan siyang tumingin sa akin. Nawala na ang dati niyang tapang. Hindi na tulad nang dati ang kanyang titig, yung naka-focus lang sa akin, at hinihintay masalo ng mata ko ang tingin niya. Tapos ay manlilisik, at ako ang susuko dahil nalagyan na niya ako ng kaba.

"I'm sorry, Alex," sabi niya ulit habang nakatingin sa malayo.

"Pinapatawad na kita," sabi ko.

"Sigurado ka?" tanong ni Jessie. 

"Oo," sabi ko. 

"You, making it sounds so easy, make it so hard for me to believe," sabi ni Jessie. 

"English talaga?"

"Bakit ang dali-dali  mong magpatawad?"

"Siguro dahil naintindihan na kita," sagot ko. "At kahit mali man ang intindi ko, Okay na yun, paniniwalaan ko pa rin. Kasi gusto na kitang mabitawan. Gusto ko nang lumaya sa kahit anong nag-uugnay sa atin dalawa. Galit man yan o..."

"O ano?" tanong ni Jessie.

"O kahit ano?" sagot ko.

Walang malisya ang sagot ko. Naintindihan naman yata niya. Natahimik kaming dalawa.

"Sana, palayain mo na rin ako. Tanggapin mo na lang ang pagpapatawad ko," sabi ko.

"Saan mo ako pinapatawad?"

"Sa lahat-lahat na sorry ka."

"Anu-ano yun?"

"Ikaw? Sige, kung ano ang makakapagpatanggap sa iyo ng pagpapatawad ko, sabihin mo na. ilinya mo na lahat ng guilt mo sa akin."

"Nasabi ko na kagabi, ang pananakit, pananakot, sa lahat ng kaba sa lahat ng abala," sabi ni Jessie. "Pero hindi pa doon, sa tangka kong paninira ng buhay mo. Sinubukan kong sirain kayo ni Gabriel. Alam kong masaya ka sa kanya, at ayoko nun. Dahil gusto ko sa akin ka maging masaya."

Tumingin sa akin si Jessie. Hindi ko napigilang hindi tumingin din sa kanya at malunod sa katotohanang nasa harap ko. 

"Sorry for my inconsistencies," tumuloy siya, "Me not making peace with my contradictions affected you so much. Gusto lang kitang mahalin, pero hindi ko magawa. I'm so sorry."

Wala akong nagawa kundi ang mapatango. Hindi ko rin nagawang magpigil. Naramdaman ko na lang na nababasa ang pisngi ko ng aking luha. 

Ininom pa ni Jessie ang natitirang kape. Hindi na niya alintana ang init.

"Salamat," sabi niya. "Matagal ba bago umepekto ang lason nito? Pwede na kasi akong mamatay. Napatawad mo na ako."

Umiling ako. 

Oh Boy! I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon