The One With Angel Gabriel

14.4K 453 48
                                    

CHAPTER 6

Atake sa puso. Oo, may umaatake sa puso ko ngayon. At ayoko siyang payagan.

Nakasakay na ako sa kotse niya at nang umandar ito ay hindi ko na ginawang lumingon pa. Wala na akong pakialam kung nakita ako ni Jessie, kung humabol man siya o may mga pananakot pang iniwan. Ligtas na ako sa kanya. Pero sa katabi ko, sa pagpasok ko sa kotse niya, parang may pinapasok din akong bagong problema sa buhay ko.

Humawak ang kamay niya sa hita ko at pinisil bago nagtanong.

 "When did this start? Why don't you tell your brother? Bakit mo 'to tinitiis?" sa kalsada lang nakatingin si Gabriel, pero sa mga tanong niya, damang-dama ko ang pag-aalala niya.

Hindi ako nagsalita.

"Has he cut your tongue or something?" tanong ulit niya. "Come on, I'm cool."

Nito lang niya ako nilingon na nakangiti. Hindi niya ako kayang pagsalitain gamit ang kanyang authoritative voice. kaya siguro naging pabarkada na lang siya.

Hindi pa rin ako nagsalita. Ano naman ang sasabihin ko?

"OK. Sto Nino, Marikina right? Hatid na kita."

Napatingin ako sa kanya. Bakit niya alam?

Nakita niya ang pagtataka sa mukha ko nang lumingon siya. 

"Why act surprised? I'm Gabriel, remember. You're kuya's bestfriend. Hindi ako masamang tao."

"Bakit mo alam kung saan ako nakatira?" tanong ko. "Ano pang alam mo sa akin?"

"Hindi naman marami," tumawa si Gabriel. "I'm no stalker."

Hindi na ulit ako nagsalita.

Nakarating kami sa gate ng subdivision. Ngunit hindi siya huminto sa gate. Ipinasok niya ang kotse. Ipinasilip ako sa guard. Tapos nagtanong sa akin. 

"See, this is just as far as I know. I have no idea what you're address is or the color of your gate, or the number of your dogs."

"Wala kaming aso," sagot ko. "Dalawa lang kami ng nanay ko sa bahay."

Tinuro ko ang daan patungo sa harap ng bahay. Tapos sa tapat namin, huminto siya. Pagkababa ko, bumaba rin siya. 

Tumingin ulit ako kay Gabriel. May plano ba itong pumasok pa sa bahay?

"May basahan ba kayo?" tanong niya. 

Oo nga pala. Basa ako ng ulan nang pumasok ako sa kotse niya.

"Sige, pasok ka muna," yaya ko. 

Sige, pasok ka muna, parang napilitan pa ako. Ano ba naman itong sinabi ko. Ano ba namang communication skills ito? 

Pumasok kami sa gate, tapos sa may pinto, napahinto ulit kami.

"Ano, sige, hahanap ako, marami siguro sa loob." 

Siguro? Bahay ko, hindi ako sigurado?

"Talikod ka muna," sabi ko. 

Nawirduhan si Gabriel, alam ko, pero sumunod naman. Tumalikod naman siya. Kinuha ko ang susi sa ilalim ng paso. Pagbukas ko ng pinto, pinatuloy ko siya.

"Upo ka muna," sabi ko. "Wala pala akong maiaalok sa iyo, kape lang?"

"Thanks, Albert told me you do good coffee," tumango siya sa akin. "Can't wait for you to do me."

Parang medyo bastos ang tunog nun. Sa isip ko lang. O baka ako lang ang nag-iisip nun.

Matapos ko gawin ang kape, dalawa, tig-isa kami. Naupo na rin ako sa isang sofa. Dun siya nakaupo sa mahaba, ako dun sa pang-isahan lang. Dahil nasa gitna siya ng mahabang upuan, umusog siya para mapalapit sa akin. Kinuha ang kape niya, inamoy. Si-nip.

Oh Boy! I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon