The One With All The Distractions

9.6K 270 12
                                    

CHAPTER 32

Balik ako sa drawing board.

Kinalimutan ko muna ang lahat nang nangyari noong gabing iyun. Mabilis dumaan ang oras at araw at naka-indian seat na ako sa harap ng building namin. May drafting board sa harapan, at sa tabi ko, mga lapis, rulers at pambura. Nakakalat din sa tabing kalsada ang iba ko pang kaklase. Esquisse namin ngayon. Isa sa mga exams ni Sir Cabalfin sa monochromatic rendering. Kailangan naming i-drawing ang building gamit ang iba't-ibang lapis.

Nasa kabilang kalsada kami ng gusali kaya't may mga sasakyang dumadaan sa pagitan namin at ng subject naming building.

"Mas malayo sa light source, mas madilim. Pero hindi pwede biglaan ang pagka-dark lalo na kung smooth surfacre ang tinatamaan, magmumukhang may kanto. Dapat may gradient, gradation," explain ni Sir Cabalfin.

Gradient-gradient. Bakit ba kailangang monochromatic pa ang mga bagay-bagay? Lalo lang akong nalilito. May black and white na, may mga gray shades pa in between. Kung black, black na lang. Kung ayaw, ayaw na lang.

Kung hindi ka sasagot ng tawag ko, ng mga text ko, ng mga pagpaparamdam ko, e sabihin mo na lang na ayaw mo na. Huwag yung tatlong araw na, hinayaan ko na, atsaka ka magpapabalik-balik sa harap ko, dinidistract ako sa araw ng exam.

"Nagpapadistract ka naman?" sabi ni Sir Cabalfin nang lumapit siya sa akin. "Eight times nang umikot ang kotse ni Gab-Gab mo. Ako na ang nagbibilang. Tapusin mo na yan para maharang mo na siya at makausap."

"Sorry po," sabi ko kay Sir.

"Push mo na yan. Sige na."

Pababa nang building kanina, tinanong na ako ni sir kung ano ang problema ko. Halata siguro masyado. Nagcontact lense na nga ako at nagshades pero kita pa rin ang eyebags ko.

Kahit may sarili na kasi akong kwarto ay hindi ako makatulog sa Paranaque pag-uwi namin mula Pangasinan. At nang mapapikit na ako, ginising na agad ako ni Mama. Pagkatapos maligo, inihatid na niya ako sa campus. Nakatulog din ako nang kaunti sa sasakyan. Pero pagising-gising. Dahil kakukwento ni Mama. Na tinuruan na siyang magmaneho ni Tito Raul. Na mabuti at nagkakasundo kami ni Jessie.

Nagkakasundo nga ba?

Sa totoo lang, yung totoo lang talaga, mas pipiliin kong binugbog na lang niya ako doon sa falls eh. O kahit paglulublubin niya ako dun sa tubig. Tantyado ko na yung mga pananakit niya. By now, wala na siguro akong iniinda. Pero hindi eh. Hinalikan niya ako.

Hinalikan niya ako.

Pero hindi ko siya hinayaan. Mas pinili kita Gabriel. Inisip kita. Alam kong magagalit ka kaya't tinulak ko siya. Ikaw Gabriel ang pinili ko, tapos gaganyanin mo ako, hindi mo sasagutin ang mga tawag ko.

"Dear wag mong ibuhos sa esquisse mo ang pandidilim ng iyong paningin," sabi ni Sir Cabalfin. "That's too dark."

Dumaan lang si Sir at lumampas na sa akin. Tulad ng kotseng ito. Ayan na naman. Pang siyam na. Kahit na iwasan ko, nagpapapansin ang biglang pagbagal ng kotse niya at paglampas ng building, bibilis.

"Nakaalis na sina Arvin at Jobi," sabi ni sir Cabalfin. "Nagpaalam sila sayo, dinedma mo."

"Sorry po," sabi ko ulit.

"Mabuti na lang at hindi speed test ito," sabi ni Sir. "Sige na, konti na lang yan. Pasalamat ka at magaling ka, at di keri itumba nang distractions ang plates mo. Ambagal mo nga lang today."

Siguro sinasadya ng katawan kong bagalan ang esquisse. Mas gusto kong ito na muna ang isipin ko buong araw. Kahit papaano, ito, walang tanong, walang pangamba, walang takot sa kung anuman. Totoo naman si sir, kung normal na araw ito. Kung hindi ako nakipaghalikan kay Jessie noong weekend, eh isang oras lang, nagpapaalam na ako kay Sir.

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now