The One Witnessed by the Moon

8.9K 271 34
                                    

CHAPTER 31

Matapos kong maramdaman ang init at pagnanasa sa lalaking nasa aking harapan, maririnig ko ang kanyang mababa at malumanay na boses, naguutos na maghubad ako. Paano pa ako makakatanggi nito?

Ngunit walang pagnanasa sa kanyang mga mata. Hindi katulaad ng mga mata ni Gabriel kapag nakatitig siya sa akin bago mapapikit sa pagdadampi ng aking mga labi.

Si Gabriel. Nagnanasa ako sa lalaking hindi si Gabriel. Pinaghububad ako ng lalaking hindi si Gabriel, na hindi ko alam kung ano ang gagawin sa akin.

"Maghubad ka na," sabi ulit ni Jesse sa mababa at mahinahon na tinig. "Hindi mo gugustuhing bumalik sa bahay na basa."

Lalangoy kami sa ilog na ito ngayong gabi? Yun ba ang gusto niyang mangyari?

Hanggang sa mabigla ako sa pagbabago niya ng boses.

"Hubad na!" utos ni Jessie na may kislap ng galit sa mga mata.

Napaatras ako nang bahagya. Nakaramdam ako muli nang takot. Naalala ko ang boses ni Tito Raul. At oo nga, si Tito Raul din ang nagpadala sa akin dito.

Hinawakan ko ang laylayan ng aking damit at tinanggal ito. Hindi ko inaalis ang pagkakatitig ko kay Jessie na sa pagsunod ko ay muling lumambot ang titig sa akin.

Tinanggal ko ang sapatos ko. Hinubad ang pantalon. Tapos, huli ang mga medyas. Katulad ni Jessie, ibinagsak ko lang sa sahig na kahoy ang mga pinaghubaran ko.

"Sumunod ka," hindi siya nakatingin sa akin.

Bigla siyang tumalon sa tubig. Malalamig ang mga talsik na tumama sa binti ko.

Lumangoy siya na parang sarap na sarap sa ginagawa. Mukhang may kalaliman ang ilog na ito. Pero marahan naman ang agos. Bagsakan lang kasi talon at mukhang nasa kabilang dulo ay may isa pang falls na mapupuntahan. Pero parang itio ang pinakamaganda. Mukhang kabisado ni Jessie ang lugar na ito. Hindi ito ang una o ikalawang paglangoy niya dito.

Nasa gitna na si Jessie ng tubig nang humarap siya sa akin. Tumutungo tungo ang ulo niya na nagyayaya sa aking tumalon na rin.

Hindi ako gumalaw. Nanigas ako. Hanggang may nagbago sa pagkakatitig sa akin ni Jessie. Hindi siya galit. Mas mukhang nage-enjoy siya na nakatingin sa hubad kong katawan. Kapirasong puting brief na nga lang suot ko, at sa kanyang pagtingin ay parang nahuhubad pa ito. Nahiya ako sa sarili ko kaya't tumalon ako para maitago ang katawan kong patpatin kung ikukumpara sa mababatong katawan ni Jessie.

Ang lamig!

Ang lalim!

Hindi abot ng paa ko ang sahig ng ilog. Kailangan kong magpapadyak at ia-apply ang mga natutunan ko sa swimming class para hindi malunod. Hala, lulunurin nga kaya ako ni Jessie?

Lumapit siya sa akin. Hinawakan ang aking kamay. Sumunod naman ako. Pumunta kami sa gilid kung saan bunabagsak ang tubig. Naupo lang kami sa may bato doon. Magkatabi. Balat sa balat. Umusog ako palayo ngunit inakbayan ako ni Jessie at pinaglapit ang aming katawan.

"Giginawin tayo."

Hala, ayaw pala niyang ginawin pero tumalon sa ilog sa gitna ng gabi. Pero hindi ko na nasabi iyun. Anumang iniisip ko ay tinanggal ng init na pinagsasamahan ng aming mga katawan. Nagiging komportable ako. Ganito pala iyun, kapag sobrang lamig, kahit kinatatakutan mo ay yayakapin mo para sa kanyang init.

"Langoy na ulit tayo," yaya ni Jessie.

Bago pa siya tumalon ay nahawakan ko ang braso niya. Nang lumingon siya at natigilan ay parang tumigil din ang puso ko. Ginawa ko ba talaga yun? Napigilan ko ba siya? Anung gagawin niya sa akin ngayon?

Oh Boy! I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon