The One More Chance

7.1K 248 43
                                    

CHAPTER 43

"Bakit?" tanong ko.

Ganun yun ka-vague. Hindi ko rin alam kung anong bakit ang itatanong ko. Bakit umiiling ka lang? Bakit ambait-bait mo? Bakit hindi na tayo?

Sumagot siya na sumagot sa lahat ng iyun.

"It just has to be this way."

Patuloy lang sa pagandar ang kotse. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Gabriel. Hindi ko rin sigurado kung alam niya.

Patuloy pa rin ang pagtingin niya sa akin paminsan-minsan. May ngiti pa rin siya na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Kung gusto niya akong ngumiti rin, hindi ko iyon magagawa. Isang linggo kong binuo ang pag-asa na aayos din kami. At sa isang sandaling pag-iling, gumuho lahat iyun.

"You're not okay," sabi ni Gabriel. "It's alright. I'm not okay myself. But we'll get through this. Ginusto natin ito."

"Hindi ko 'to gusto, Gab," tutol ko. "Ang gusto ko, tayong dalawa. Magkasama tayong dalawa. Mahal pa kita Gab."

"I know that. At mahal pa rin kita. We just have to forget that. Kasi parehas lang tayong masasaktan. You love me, but you love someone more."

"Hindi ko mahal si Jessie."

"That's your talk. Not your walk."

Bakit ba naiisip ni Gabriel na mahal ko si Jessie? Alam ko sa sarili kong hindi. Siya ang mahal ko.

Nawala ang ngiti niya. At ang nararamdaman kong dinadamdam niya na tinatago ng kanyang saya kanina ay nawawala na.

Kung galit man ang meron siya sa akin. Ito na ang oagkakataon kong tanggalin iyun. Kailangan ko nang magpaliwanag, pero ang mga naisip ko na noon ay nawala na sa aking bibig. Hindi ko na alam ang sasabihin.

Inuna kong hawakan ang kanyang hita habang nagmamaneho.

Hindi niya iyon pinansin. Tumingin lang siya at umiling ulit.

Inalis ko ang pagkakahawak ko sa kanya.

"Akala ko naiintindihan mo na ginagawa ko ito para sa sarili ko. Na kailangan kong masagot ang mga dahilan ni Jessie sa pananakit niya sa akin," paliwanag ko na.

"I perfectly understand everything, Alex," nagbago na ang boses ni Gabriel, nawala na ang pagpapanggap na ayos siya. Sumuko na ang kanyang saya-sayahan. "Maintindihan ko. Iintindihin ko. Kaya ko yun. Desisyon ko yun. But not this time. You keep on hurting me kahit na sinabi ko nang nasasaktan ako."

"I'm sorry," sagot ko. "Hindi ko sinasadya."

"Never naging hindi sinasadya ang pagsisinungaling."

"Hindi ko talaga alam kung bakit ko siya pinili. Kung bakit ako nagsinungaling," paliwanag ko. "Pero hindi ibig sabihin nun na mas mahal ko si Jessie. Hindi ko nga siya mahal."

Sinabayan ko na ang gusto niyang klase nang sagutan. Tumataas na rin ang boses ko. Hindi dahil sa nagmamalaki ako, kundi dahil gusto kong ilaban ang nararamdman ko.

"Now you're lying to yourself," muli siyang huminahon. "That's pathetic. Don't do that to yourself."

"I'm not," nagagalit na rin ako. "Bakit mo ba sinasabi yan, e ako na nga ang nagsasabi sa'yo."

"Alex, I'm not here to have a clean break up with you," sabi niya.

Wala akong nasabi. Hindi ko alam kung bakit yun ang sinabi niya. Hindi man lang niya pinansin ang huli kong mga salita.

"There's no such thing," tuloy niya. "We can cover all the pain and frustrations and could have been, but it will always be curse the heaven hard."

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now