The One More Time

14K 439 21
                                    

CHAPTER 4

Matapos ang orientation ng lahat ng freshmen, tumuloy na kami sa aming college. Hindi ko alam kung bakit nasa College of Home Economics ang course na ito, samantalang madami kaming Architecture units. Pero ayos na rin ito, kahit papaano, kahit sa kolehiyo man lang, malalayo ako kay Jessie.

Pumunta rin sa orientation namin ang grupo nina Kuya. Matapos nila magperform at magyaya ng mga students para sumali sa org nila, nagpaalam na si Kuya sa akin.

"Mag-lunch ka na kasama ng mga blockmates mo, we'll be going around pa." Paalam niya. "Atsaka malaki ka na, kaya mo na 'yan!" sabay yakap at kusot sa buhok ko.

"Sige kuya, ingat!"

"Sige, text-text na lang!"

Si Arvin ang nakasama kong mag-lunch. Sabay na rin naming nilakad ang una naming klase, nagkataon na sa arki ito.

Sumusunod na lang talaga ang mg paa ko kung saan dapat pumunta. Pero sa bilis ng tibok ng puso ko, kung may paa lang din ito, malamang nakauwi na itong mag-isa sa bahay at nagtago sa kumot. Ayoko sa arki. Matapos kong makita ang placard ni Jessie, na sinusundan ng mga architecture freshmen, sigurado na akong architecture din ang course niya.


"Sabi sa akin nung kaibigan ko, dapat daw, ngayon pa lang, sumali na tayo ng mga org sa arki para may tumulong sa atin sa pagsi-shift," sabi ni Arvin na parang nakaplano na ang buhay at gusto akong idamay. "Yung ibang prof kasi dun, alumni din ng mga orgs dun, kaya makakakuha agad tayo ng koneksyon."

"First day pa lang ninyo, gusto na ninyong umalis?" hirit ng isang babae. "Jobielyn, blockmates tayo. I-1?"

"Arvin," pakilala ni Arvin. "Hello, miss beautiful, at ito si... anunga ulit?"

"Alex."

"ArkiSoc ang sasalihan natin!" pagmamalaki ni Jobielyn. "Alumni dun ang kuya ko. At maraming prof ang naging members nun, pati yung dean."

"Tama, ArkiSoc nga," sagot ni Arvin.

Patuloy ang dalawa sa pagku-kwentuhan habang umaakyat kami sa fifth floor ng Engineering Building kung saan naroon ang College of Architecture.

Pagdating sa palapag, hinanap namin kung saan ang klase, hindi pala kami sa classroom, kundi sa lobby magka-klase. Dalawang sets ng mga drafting tables ang nandoon na nakaharap sa mga blackboards, isa sa kanan, isa sa kaliwa.

Sa kaliwa kami. Isang upuan sa bawat drafting table, at kumuha na ako ng sa akin. Katabi nina Arvin at Jobielyn. Habang hinihintay ang prof, nagdatingan na rin ang mga magka-klase sa kabilang side. Mga upper-classmen.

Tanggalin mo ang takot mo sa katawan, Alex. You attract what you fear. You attract what you fear.

Huli na ang lahat ng pagma-mantra ko. Pinilit kong hindi lingunin, pero nararamdaman ko ang presensya niya. Nakikita ko siya, kahit hindi ko tinitingnan. Ayaw tumigil sa pagkabog ang dibdib ko. Nanlalamig ang pakiramdam ko, habang nararamdaman ang pamumuo ng pawis sa noo. Lilingunin ko na siya para magkaalaman na. Kung nakita man niya ako, nakilala, para tapos na. Tapusin na ang takot na ito.

Marahan akong lumingon. Siya nga iyun, suot pa rin niya damit niya sa orientation sa theater, ang dark blue shirt at ang dark pants. Napahinga ako nang malalim. Nakatalikod siya at kausap ang mga kaibigan niya. Sila ang magka-class sa likod namin, pero parang may pagtatalo sila ng kausap niya. Naririnig ko ang pagtataasan nila ng boses, at sa huli, nagtawanan ang mga kasama niya samantalang napakamot ng ulo si Jessie.

"Cruz, Alexander Miguel?!"

Nakatigil na ako, pero pati puso ko ay parang tumigil sa pagtibok sa malakas na pagkakabanggit ng pangalan ko. Napatigil din si Jessie at tumalikod, humarap sa klase namin. Humarap sa akin. Nagkatama ang mga mata namin.

Oh Boy! I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon