Chapter 32: Magkabilang Mundo

6 0 0
                                    


After how many years, eto graduation ko na. Syempre graduate narin si Vince. Mas nauna siyang naggraduate kesa sa akin dahil nga 3 years lang at marine at 4 year course naman ang sa akin.

Pagkatapos kong kunin ang diploma ko kasama ang aking pinakamamahal na magulang ay pumalakpak ng napakalakas si Vince at niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit.

"I'm very proud of you babyko" sabi niya sa akin.

Sinuklian ko naman siya ng mahigpit na yakap.

"Vince, baka hindi na makahinga ang anak ko" sabi naman ni Papa sabay tawa.

"Ay, sorry po tito" ngumiti rin si Vince at tinanggal ang pagkakayakap sa akin.

This is the happiest part of my life so far. Hindi ko maexplain ang kaligayahan ko dahil kasama ko ang mga magulang ko si Kuya and of course my proud boyfriend. :)

After my graduation kumain lang kami sa labas, I don't want any big celebration anymore kasi masaya na ako na kasama ko ang mga mahal ko sa buhay.

Siyempre after ng kasiyahan may mga darating din na malulungkot na araw. Yun ay ang unang pagsakay ni Vince sa barko. 2 months after my graduation ay lined up na siya, flight na niya next week papunta sa barkong sasakyan nila na nasa Turkey.

Hindi ko alam kung paano ko ihahanda ang sarili ko. Mangiyak iyak ako sa loob loob ko pero ayaw kong makita niya na malungkot ako. Alam kong matagal na niyang hinihintay to kaya masaya siya na finally makakasakay na siya.

Habang bumibili kami ng mga kakailanganin niyang gamit sa barko ay mas lalong nadudurog yung puso ko. This time, totoo na kasi ito. Dati pinaguusapan lang namin yung ganito pero ngayon in real life na. Nakakabigla diba? :(

Nakabili na kaming lahat ng mga kailangan niya. Andito na kami ngayon sa bahay nila sa manila at hinahanda na niya yung mga gamit niya at naglalagay na sa loob ng maleta. Parang gusto kong pumasok sa maleta para madala niya ako kung saan man siya pupunta. Weird pero yun ang nararamdaman ko.

After how many days ay eto na nga, handa na ang lahat. All set an all are ready except me!

"Hija okay ka lang? Gusto mo magbaon tayo ng tuwalya baka bumaha sa airport ng luha?" Ngumiti ang mama ni Vince sa akin.

Ngumiti din ako pero hindi ko nagustuhan yung biro niya. Pagsabihan niyo yang nanay ni Vince ha! Charooooot! Pero yung totoo hindi ko maexplain yung nararamdaman ko, tang ina!

"Hehe, hindi po tita. Okay lang po ako. Hindi naman ako po ako iyakin." Sabay tawa kay tita.

"Oo tama yan. Para sa future niyo din naman yan. Tiis tiis lang" sabi ulit ni tita sa akin at ngumiti siya ulit

"Kaya natin to baby ha, kapit lang" niyakap ako ni Vince ng mahigpit na mahigpit. Feel na feel ko naman kasi nararamdaman ko na yung magkabilang mundo. Sa pagkakataong ito ayaw ko na sana siyang bitawan sa pagyakap pero dumating na yung mga kasama niyang seaman.

"Bro pasok na daw tayo, mag checheck in na tayo." Sabi nung isa. Naramdaman ko yung sobrang kirot ng puso ko. Bumabaha nang luha yung puso ko, durog na durog. Malalayo na siya sa akin. Malayong malayo sa unang pagkakataon. Dati Baguio hanggang Manila lang ang pagitan namin, ngayon hindi ko na alam kung saang lupalop siya mapapadpad :(

Hinalikan ni Vince ang noo ko sa huling pagkakataon.

"I love you baby" nakatitig siya sa akin. Tinignan ko siya sa mata at hinalikan niya ako sa labi.

"I love you too" sa pagkasabi ko nun ay tuluyan na ngang bumuhos ang luha sa mga mata ko. Pinunasan naman agad ito ni Vince. Nakita kong naluluha na rin siya, pero hinalikan lang ulit niya ang mga mata ko at tuluyan na siyang umalis kasama yung mga ibang seaman.

Hindi siya gwapo, pero hindi siya PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon