Chapter 31: It's my birthday!

11 1 0
                                    

"Wala akong kasalanan. Sinabi ko na agad noon na hindi kita gusto diba? Ano ka ba Therese, nahihibang ka na ba?"

"Pero pinaasa mo parin ako! Yun ang kasalanan mo sa akin. At ngayon, panahon na para maningil naman ako"

May nagsisigawan sa labas ng school namin. Madaming tao na ang nakapalibot pero dinig parin ang pagsasagutan nila dahil sa lakas ng kanilang boses.

"Kuya, anong meron doon?" Tanong ko sa kuyang kasama sa mga nakakumpol na usyusero at usyusera

"Yung instructor, nakikipag-away."

Huh?! Instructor? Pinilit kong silipin kung sino yung mga yun pero hindi ko makita dahil matatangkad ang mga taong nakapaligid pero pinilit ko paring makita kung sino ang mga taong yun.

Sa kakapilit kong makasingit, ayun sa wakas at nakarating din ako dito sa harap pero nung makita ko yung nag-aaway. Laking gulat ko nalang nung nakita ko si kuya at ang instructor ko na si Ma'am Corales.

Nung nakita ako ni kuya agad niya akong hinila palabas sa mga nakakumpol na tao.

"What the hell is that?!" Tanong ko sa nagdadrive kong kapatid.

"Ikukwento ko nalang sa bahay."

Super curious na ako kung ano ang past (kung meron man) nila ng instructor ko. Tsk tsk. What is that all about? May narinig ako na panahon na daw niyang maningil. Paano?

"Nung highschool kasi kami, magkaklase kami ni Therese. Ewan ko kung 3rd yr or 4th yr na kami nun. May nakapagsabi na noon sakin na may gusto siya sakin. Nung una, pinabayaan ko lang pero may time na lumapit siya sa akin noon tapos tinatanong niya kung tapos ko na yung project ko. Sinabi kong hindi tapos nag-alok siya na tutulungan daw niya ako syempre pumayag naman ako. Hanggang sa tuloy tuloy na ginagawan niya ako ng assignments and all pero pagkatapos nun nagtapat siya sakin. She said she loves me but I rejected her." My brother explains.

"What??? After all nang ginawa niya, you rejected her? That's unfair kaya" I scream out

"No. It's not. I don't like her, and most of all I DON'T love her" yes! Nakaemphasized yung DON'T

"Paano kayo nagkita ulit kanina?" Curious kong tanong

"Yun ang masaklap. Nakita niya kaming nagdedate ni Bianca, then suddenly nilapitan niya ako tapos...

"Oh, andito pala ang chicboy. Wow! Ang ganda ng chics mo ngayon ah. Good chooser ka talaga. Ah by the way miss, pang ilang chics ka ba ngayon ni CJ?" Sabi niya kay Bianca at ayun, biglang umalis si Bianca.

"So you mean, nililigawan mo si ate Bianca?" Tanong ko ulit kay Kuya

"Isn't it obvious?"

"K. Dot! Nagtatanong lang naman! Tsss. Pero kawawa naman si ate Bianca. You need to explain yourself with her. Go na! Puntahan mo na siya!" Utos ko

Agad agad naman siyang umalis.

So complicated ng buhay ni kuya. Tsk tsk. Pero, kawawa din pala si Maam Corales nung highschool. Parang nagpakatanga siya kay kuya tapos ganun pala ang mangyayari. By the way, it's their life anyway. Mind my own business. Haha

Naalala ko na naman yung ball. Kapag naiisip ko, nasasaktan parin ako kasi hindi nakaattend si Vince. Pinipilit ko namang intindihin na may traning siya sa araw na yun pero hindi parin maalis yung sakit na nararamdaman ko. Hindi ko mapigilan.

Ngayon naman, mas lalo na siyang naging busy. Hindi na kami masyadong nagkakatext at nagkakausap over the phone. Iniintindi ko naman siya kasi para sa kanya naman yung mga ginagawa niya eh. Pero minsan naiisip ko nalang na kung sana hindi siya nagseaman at dito nalang siya nag-aral, eh di sana hindi namin nararanasan ang mga ganitong bagay. Sana magkasama kami palagi at sana may nagcocomfort sakin pag nalulungkot ako o kung may problema man ako. -_-

Hindi siya gwapo, pero hindi siya PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon