Chapter 33: Hired

10 0 0
                                    

Pagkagising ko, umaasa ako na pagkakita ko ng celphone ko ay may text na o tawag si Vince sa akin pero sa ilusyon ko nalang siguro yun. For sure hindi pa gumagana yung roaming number niya.

"Nak! Kain na!" May sumigaw sa labas ng kwarto ko, tiyak si Mama yun

"Opo!"

Narinig kong papalayo na siya sa labas ng pintuan ko kaya naman agad na akong naghilamos at lumabas narin ako ng kwarto ko.

Habang kumakain kami iniisip ko kung anong pwede kong gawin ngayong araw na to. Mag aapply na ba ako ng trabaho? Kailangan kong libangin ang sarili ko. Ayaw kong palagi kong iniisip si Vince.

"May tawag ka yata" siniko ako ni Kuya

Oo nga, messenger call ata yun. Agad ko namang nilapitan yung celphone ko. Sa nakita ko ay sobrang natuwa ng puso ko na oarang tumatalon.

"Hello daddy" sagot kong nakangiti.

Thank you sa facebook at nagkaroon kami agad ng komyunikasyon

"Hello baby, andito na kami ngayon sa Panama. Nasa hotel pa kami, mamayang hapon pa daw kaming sasakay sa barko. Anjan ka na sa Baguio?"

"Ahh. Oo, andito na ako. Kanina pa. Kakagising ko nga lang eh. Napagod din ako sa biyahe."

"Oh, basta magpahinga ka ng maiigi baby ha. Palagi kang mag iingat jan habang wala ako ha. Namimiss na kita agad"

Pagkasabi niya yun ay muling umiyak ang puso ko. Ewan ko ba, kapag sakanya galing na namimiss niya ako sobrang sakit sa loob ko. Parang gusto kong pumunta sa tabi niya agad agad at yakapin at halik-halikan.

"Namimiss na din kita. Uwi ka nga dito!" Biro ko sakanya kahit na ang lungkot lungkot ko sa sinabi niya.

"Kung pwede nga lang eh. Pero saglit lang to baby ha, para sa atin din naman itong gagawin ko eh."

"Oo, tiis tiis nalang muna daddy ha. Kaya natin to" bumuntong hininga ako at pinilit kong magpakatatag

"Yan ang baby ko! Matatag! Tiwala lang tayo sa isat isa baby, kakayanin talaga natin to. Mahal na mahal kita."

"Iloveyou too daddy!" Sa oras na to ay nakukuha ko ng ngumiti sa kabila ng kalungkutan ko mula nang nakaalis siya.

"Sige baby ha, tatawag nalang ulit ako sa yo. Tatawagan ko din muna sila mama. Iloveyou ulit ang i miss you sooooooooooo much!"

I just giggled and the call was ended. At least nabawasan na yung lungkot ko after that short call from him.

After how many days, andami ko ng nasubmit na resume sa ibat ibang airline company pero ni isa wala pang tumatawag sa akin. What the fuck! Welcome to the real world Gretchen! This is really is it! I'm getting pissed off. Ang hirap maghanap ng trabaho

May dalawa pa akong resume na natitira. What if ipasa ko din sa ibang company? Pwede naman siguro ako sa bangko right? O kaya as a manager sa mga fastfood chain.

Ipapass ko nalang sa BDO itong isang resume ko. Baka sakaling matanggap ako. There is no harm in trying.

Akmang papasok na ako sa BDO ay bigla namang nagva-vibrate ang phone ko.

Incoming call from unknown number.

"Hello?" Sagot ko

"Hi, is this Ms. Gretchen Delfin" sabi sa kabilang linya na boses babae. (Pabebe!) char!

"Yes speaking Ma'am"

"Okay Ms. Delfin, this is from the Emirates Airline. I just called  to inform you that we need your presence tomorrow at exactly 9:00 am for your interview."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hindi siya gwapo, pero hindi siya PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon