Chapter 11: Tragic

79 3 0
                                    

"By the way loves, thank you pala kahapon ha. Sobrang nag-enjoy ako. Alam mo, sobrang lucky ko talaga na ako yung girlfriend mo loves." Nakikita ko at niririnig si Jackie na pumupulupit sa leeg ni Vince sa classroom pagkapasok ko. Mukhang sinasadya ya yatang iparinig yun sakin. So what? Dina?! Tsk tsk

Wala naman akong narinig na sagot ni Vince. Buti nga sakanya hahaha(evil laugh).

Wait!! Bakit ba? Ano ba tong mga iniisip ko. Tsss. May kanya kanya naman na kaming buhay ngayon. Isang buwan nang hindi kami nagpapansinan ni Vince, siguro naman alam na niya na kami na ni Mark. Inassume ko na yun dahil sa araw araw ba naman akong ihayid sundo ni Mark dito sa school alangan namang hindi siya makahalata diba?

"Gretchen, kamusta naman yung celebration niyo ng 1st monthsary ni Mark kahapon?" Bungad ni Cherry. Nakaemphasize talaga yung 1st monthsary. Syempre alam mo na, friends will be friends. Ipagtatanggol nila ako hanggat sa makakaya nila at ganun din ako sakanila.

"Okay lang naman. Masaya" ngumiti lang ako sakanya.

"I'm sure, bongga yun. Alam mo naman si Mark diba? Ang turing niya kay Gretchen isang Prinsesa. Mahal na Prinsesa" dagdag naman ni Nezzy at sumang ayon din sila Alona at Anne pari si Cherry.

"Korek ka jan girl" nag-aapir apir pa silang apat. Alam ko iniinis nila si Jackie. Ako naman nakangiti lang. Hindi ko na sila pinansin. Tong mga to talaga

--------------------

-----Vince POV-----

Mula nung nakita ko yung nangyari kina Gretchen, palagi na akong wala sa sarili ko. Pag pumapasok ako, yung saktong pagdating na ng teacher namin at kapag uwian naman umaalis na ako agad.

Dumidikit si Jackie sa akin palagi. Ewan ko nga kung bakit eh. Pero nabanggit na ni Gretchen noon na may gusto daw siya sakin. Hinahayaan ko lang naman siya. Wala naman akong pakialam. Hindi ko rin naman siya pinapansin.

One time niyaya niya ako magcoffee. Pumayag naman ako kasi wala naman akong ginagawa.

"By the way loves, thank you pala kahapon ha. Sobrang nag-enjoy ako. Alam mo, sobrang lucky ko talaga na ako yung girlfriend mo loves." Bigla nalang sinabi sakin ni Jackie yun sakin, tapos niyakap niya ako. Nakita ko naman si Gretchen na pumasok ng classroom kaya hinayaan ko lang si Jackie. Dito ko makikita kung magseselos ba siya.

"Gretchen, kamusta naman yung celebration niyo ng 1st monthsary ni Mark kahapon?" Bungad ni Cherry sakanya. Mukhang hindi naman siya affected kaya tinanggal ko agad yung mga kamay ni Jackie sa leeg ko pero hindi na nakita ni Gretchen yun. Masaya na siguro siya kay Mark. Isang buwan na din pala sila. Hanggang ngayon, mahal ko parin siya.

"Okay lang naman. Masaya" ngumiti siya. Tama nga ako, masaya na siya kay Mark

"I'm sure, bongga yun. Alam mo naman si Mark diba? Ang turing niya kay Gretchen isang Prinsesa. Mahal na Prinsesa" naririnig koo nalang yung mga kaibigan niyang nagsasalita. Ako ba yung pinaparinggan nila?

"Korek ka jan girl" sabi pa nung isa. Galit na galit ako sa mga naririnig ko. Kasabay ng galit ko ay ang inggit ko kay Mark. Nakakasama niya yung taong mahal ko araw araw.

Hindi ko na kaya to. Aalis na lang ako dito.

"Vince san ka pupunta??" Sigaw ni Jackie pero hindi ko na siya pinansin.

Dumeretso na ako sa saksakyan ko at nagdrive ako papunta kung saan saan.

Habang nagdridrive, galit na galit parin ako. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit hindi ko nagawang ipaglaban si Gretchen? Bakit hinayaan ko na maging sila ng karibal ko??

Sobrang bilis na ng sasakyan ko pero wala akong pakialam. Pupunta ako kung saan ko gusto. Sa sobrang bilis, hindi ko namalayan na may kasalubong pala ako malaking trak.

Booooooooooooooooogggggggggggssssssssshhhhhhhhhhh!!!!

-----------------

Oh My G!!! Vince kasi, hindi na naman nag-iingat. Halla. Pano na yan???

Any comments guys? Suggestions are welcome here 😊

Hindi siya gwapo, pero hindi siya PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon