Chapter 2: Maybe this time ❤️

87 3 0
                                    

--------------Vince POV-----------------

"Ah oo, Tara na ba?" Yun lang yung narinig ko kay Gretchen nung tinanong ko kung ready na siya.

"Oo sige" kako at pumunta na rin kami sa kalsada para maghintay ng jeep.

Matagal ko nang hinihintay ang araw na to. Alam ko sa sarili ko ang torpe torpe ko. Mula noong 2nd year kami, may gusto na talaga ako kay Gretchen. Nung nalaman kong nagbreak sila ni Frank. Palagi na akong lumalapit sa kanya. Gusto ko nakaupo lang ako sa tabi niya pero hindi naman ako makapagsalita tuwing katabi ko siya kaya nakikipagbiruan nalang ako sa mga kaibingan niya.

Kapag may nang-aasar sakanya, parang gusto kong mambugbog at magmura. Ayaw ko na pinaglolokohan si Gretchen. Ayaw na ayaw ko ring binabastos siya. Gusto ko siyang ipagdamot sa mga lalaking umaaligid sa kanya kaso hindi ko naman siya girlfriend. Ni hindi ko pa nga nasasabi sakanyang nanliligaw ako sakanya eh. Pero diba hindi na dapat pinapaalam yun? Kung sabagay, wala pa naman akong pinapakitang motibo na nanliligaw ako sakanya. Pero sa loob loob ko, nililigawan ko talaga siya at alam ng mga kaibigan niya yun.

Ngayon na nagkaroon na ako ng lakas ng loob, hindi ko na sasayangin ang oras na 'to. Kailangang malaman na ni Gretchen kung ano talaga ang nararamdaman ko para sa kanya.

May nakita na akong jeep, tinaas ko ang kamay ko para i-senyas na pumapara ako.

Huminto na ang jeep sa harapan namin, inalalayan ko si Gretchen paakyat sa jeep. Nakahawak ako sa likod niya. Pati ako nagulat sa ginawa ko. Lahat ng mga nangyayari ay first time kong ginawa.

Noong nakaupo na kami sa loob ng jeep, nilabas ko ang wallet ko at kumuha ako ng pambayad naming dalawa.

"Bayad po, pakiabot" kako sa mga katabi namin sa jeep. Hindi ko alam kung ano ang susunod gagawin ko. Ihoholding hands ko kaya si Gretchen habang nakaupo? Ano ba dapat ang pag-usapan namin habang nandito kami sa jeep? Grabe, eto na naman yung katorpehan ko. Vince mag-isip ka please!!! Huwag mo muna isipin yung katorpehan mo.

"Aaaahhyy!!! Ano ba yan! Dahan dahan naman! Parang wala kang pasahero dito ah!" Narinig kong isinigaw ng matandang nasa harapan namin. Bigla kasing nagpreno yung jeep. Mapausog tuloy si Gretchen sa akin, napahawak siya sa may hita ko (wala namang malisya) at napaakbay din ako at nakahawak ng mahigpitsa braso niya. ^.^ tangina! Bumulis na naman yung tibok ng puso ko. Parang gusto na niyang lumabas sa sobrang kaba ko. Mejo pinagpawisan din yung kamay ko, ganito kasi kapag kinakabahan ako.

"Ay, sorry." Sabi ni Gretchen at inalis na niya agad yung kamay niya sa hita ko. (Once again, walang malisya)

"Okay lang, :)" okay na okay! :D nakaakbay parin ako sa kanya at nakahawak sa braso niya. Hehe, mejo abusado na pala ako ^_^. Ayoko nang pumara kapag palaging ganito. Haaayyyyy. Ang sarap sa pakiramdam *.*

"Wow ha? Ayaw bumituw ser? Hahaha. Pwedeng namang kumapit jan oh!" Tinuro niya yung kapitan sa jeep. Napansin na niya. Hahaha. Sayang! Ayun na sana yun eh! :D

"Ay sorry miss. Hehe" bumitaw na ako sa kanya at kumapit na ako sa kapitan ng jeep. Natuyo na rin yung kamay ko. Napunas yata sa damit ni Gretchen. Hala. Nakakahiya naman. -_-

"Grabe yung kamay mo ha? Binasa mo pa yung cardigan ko! Hahaha. joke lang ✌️" ganyan si Gretchen. Madalas dinadaan niya sa biro yung mga sinasabi niya. Pero alam ko naman na totoo yung mga joke niya. Mejo nahiya tuloy ako. Hindi ko na naman alam kung anong sasabihin ko. HAIST!

"Ahh sorry ha. Pasmado kasi talaga yung kamay ko." Pasmado tuwing natotorpe ako sayo. Haayyy. Ano ba naman to.

"Hindi, okay lang naman. Nagbibiro lang ako" nakangiti siyang sinabi yun sakin. Ang ganda talaga niya. Tuwing ngumingiti siya nakikita ko yung cute na cute niyang dimples. At yung mga mata niyang chinita, ang ganda, nakakaattract. Matangos ang ilong niya, yung red lips niya parang ang sarap halikan. Gustong gusto ko siya at mahal na mahal ko siya. Siya yung babaeng gusto kong maging girlfriend. Siya yung dream girl ko.

Hindi siya gwapo, pero hindi siya PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon