Chapter 24: The truth will set You Free

22 2 1
                                    

"Girl, ayos kalang?" Tanong ni Anne

"Ewan ko. Naiinis ako. Alam mo yun? Sa kinalawak ng baguio, dito pa kami sa school magkikita! And worst, sa iisang school kami nag-aaral. Ibig sabihin, hindi lang once, kundi pwedeng twice, thrice or forever kaming magkikita"

"Eh ano naman ngayon?" Tanong ni Anne. Hindi ko kasi nakwento sakanila yung totoong nangyari nung nagbreak kami ni Mark. Ang sinabi ko lang basta wala na kami. Ayoko na kasing pag-usapan noon ang nangyari dahil sobrang nasaktan ako.

Bakit ganun? Ngayong masaya na ako, nakalimutan ko na ang lahat pero sa isang saglit na nakita ko siya, bumalik ulit ang ala-ala. Bumalik yung sakit. Alam ko hindi ko na siya mahal, si Vince na ang mahal ko pero masakit parin sa pakiramdam ko yung nangyari nun lalo na nung makita ko siya kanina.

"Anne, hindi mo kasi alam yung nangyari" sabi ko sakanya

"Eh pano ko malalaman kung hindi momsasabihin? Girl, matagal na yun. Siguro naman, it's time para malaman ko, namin...kung ano ba talaga ang dahilan ng break up ninyo"

Kaninang binanggit niya yung pangalan ko, bigla akong nainis kaya umalis ako agad at binilisan ko yung paglakad ko. Sobrang galit na galit ako dahil hindi ko parin nakakalimutan yung panlolokong ginawa niya sa akin. Galit na galit ako sa sarili ko dahil kahit na ilang buwan na ang nakakalipas eh andito parin yung sakit. Ayoko ng maalala yun. Pero tama si Anne, panahon na para malaman niya yung totoo. Sabi nga nila, the truth will set you free.

"Anne may anak na siya" sabi ko sakanya

"ANO?!?!?!?!" Sigaw naman niya.

Tumango ako sakanya.

"Nung 3rd monthsary namin, may sumugod na babae samin. Ayun nagsisisigaw siya, tinatanong niya kung girlfriend ba ako ni Mark at sinabi niya na may anak na sila kaya layuan ko na daw si Mark." Paliwanag ko sakanya

"Ha?! Malanding babae yun!!!! Sana sinabi mo samin noon para sinugod namin yung Mark na yun?? Gago yun ah! Magsama sila ng Nanay ng anak niya!!!" Sabi naman ni Anne

"Paano nato? Magtransfer nalang kaya ako? Baka pag nalaman ni Vince to, mag-aalala siya. Seloso pa naman yun" sabi ko

"OA.com ka na naman girl! Transfer agad?! Pwede namang iwasan mo nalang siya kung sakali mang magkikita kayo. Ganun lang yun"

"Hindi mo kasi naiintindihan eh"

"Anong hindi? Gretch, may sarisarili na kayong buhay ngayon. Siya may anak na at ikaw naman happy ka na with Vince. Diba? Kung talagang wala ka ng nararamdaman kay Mark, kaya mong i-ignore lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon. Siguro ngayon, meron pa konti pero day by day unti unting mawawala din yan. You need to look forward and left what's behind on your past"

Napaisip ko. Oo mahal ko si Vince, mahal na mahal. Kailangan ko ng kalimutan kung ano man ang nangyari, masaya na ako kay Vince. Ayokong masira yun o yung relasyon man namin.

--------------------

"Ok lang naman. Ikaw? Kamusta pala yung buong araw mo?" Tanong ko kay Vince habang nag-uusap kami sa phone.

"Ayun, wala kami masyadong ginawa."

"Ahhh" sabi ko ng matamlay. Gusto kong sabihin sakanya yung nangyari kanina sa school pero parang may pumipigil sa akin

"May problema ba?" Tanong niya. Sa mga ganitong sitwasyon, hindi talaga ako marunong magtago ng nararamdaman ko.

"Ano, may sasabihin sana ako sayo" sabi ko ng mejo may kaba sa dibdib ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksyon niya.

Hindi siya gwapo, pero hindi siya PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon