Chapter 22: Enrolment

22 2 1
                                    

-----Vince POV---

Ang bilis talaga ng araw. Ilang lingo nalang at magkakahiwalay na kami ni Gretchen. Pupunta ako ng Manila para mag-aral ng Marine at siya naman maiiwan dito sa Baguio kasi sa SLU siya mag-aaral ng Tourism. Kung iniisip ko mahirap talaga. Hindi ko maikakaila na hindi ako mahihirapan sa sitwasyon pero ang iniisip ko ngayon ay kung paano kaya siya pag wala ako. Mas mahihirapan siya, walang magtatanggol sakanya kapag may nang-aapi sakanya, wala mag-cocomfort sa kanya kung may problema siya, wala siyang pagsasabihan ng mga hinaing niya, walag kasabay papunta at pauwi sa school at kung ano-ano pa.

Minsan nga iniisip ko paano kung dito nalang din kaya ako mag-aral? Mag tourism nalang din ata ako para may magbabantay sakanya. Kaso mas maigi talaga pag nag marine ako. Gusto ko kasing magseaman. Sa seaman mas malaki ang sweldo. At least pag nagkatrabaho na ako mabibigay ko na lahat ng kailangan niya at kailngan ko din. Basta lahat ng to, para sa aming dalawa at wala ng iba.

"Daddy, tara na sa cashier" sabi niya sakin pagkatapos niyang magpaencode ng subjects niya.

Grabe pala ditto sa SLU. Ang daming nagpapaenrol. Siguro aabutin na kami ng gabi sa haba ng pila sa Cashier.

"Uy hindi pa, mag papa assess pa tayo bago magbabayad" sabat naman ni Anne.

Buti nalang dito din siya mag-aaral. Mejo panatag na yung loob ko dahil may kasa-kasama na si Gretchen. Sila Cherry at Nezzy kasi, sa UC sila. Si Alona naman, sa UP Baguio. Kaya silang dalawa nalang natira ditto sa SLU

"Ay ganun ba. Eh saan yun?" tanong naman ni Gretchen. Nakikinig lang ako sa kanila. Wala akong imik. Ang lalim kasi ng iniisip ko.

"Ayun oh. Shit! Ang haba ng pila girl." Reklamo ni Anne

"Ok lang yan. Halika na!, daddy tara." Sabi ulit ni Gretchen

Tumango lang ako at sumunod sakanila.

Pagkatapos naming pumila para sa assessment. Sumunod naman ang pagkahaba-habang pila sa Cashier. Ang SLU ay naturingang "LIGHT OF THE NORTH" pero mukhang mapapalitan na yata ng "LINE OF THE NORTH" hahaha.

After 3 hours, salamat naman at nakapagbayad na silang dalawa. 8am kami pumunta dito, kaya ngayon 11 na. Nagugutom na nga ako eh. Itong mga kasama ko naman, ngarag na ngarag na. Kitang kita mo talaga ang pagod sa kanilang dalawa.

"Kain na muna tayo." Aya ko sakanila. Sobrang gutom na kasi talaga ako, alam ko mas lalo sakanila.

"Oo, mabuti pa nga. Grabe ang sakit na ng katawan ko. Bwisit na pilang yan. Kehaba haba. Ang sakit sakit na ng paa ko" sabi ni Anne

Ngumiti nalang ako sakanya

"Ikaw baby, ok ka lang ba?"

"Oo daddy. Pagod lang ako. Tara kumain na nga tayo. Gutom narin ako eh. Hehe" ngumiti pa siya sakin. Mamimiss ko talaga to. :(

Dala ko naman yung sasakyan ko kaya less hassle na samin ang papunta sa Grumpy Joe. Dun kami kakain. Masarap kasi dun eh.

"Hay salamat. Andito na tayo.I'm super duper hungry na kasi eh" sabi ni Anne pagkababa ng sasakyan.

"Oo na. Lahat naman tayo gutom. Kaya bilisan mo ng umakyat jan baka wala na tayong mauupuan" sabi naman ni Gretchen sakanya

Umakyat na kami sa taas at ayun. Buti nalang marami pang bakanteng lamesa.

Magkatabi kami ni Gretchen at sa tapat naman naming si Anne.

Agad naming lumapit ang waiter samin at binigay yung menu.

"Ano sainyo?" tanong ko sakanilang dalawa

"Grumpy Joe Fried Chicken w/ rice sakin" sabi ni Anne

"Ikaw baby? Ano sayo?" tanong ko ulit kay Gretchen

"Buffalo wings with rice nalang tiaka Java Chip Frappe. Pero gusto ko rin ng pizza. Order tayo, kahit yung maliit lang" ^_^ pacute siya sakin. Pero cute naman talaga siya. Hehe

"Oh sige, anong flavor ng pizza gusto mo?" tanong ko sakanya

"Uhhmm, yung hawaiian nalang" sabi naman niya

"Ikaw Anne, anong drinks mo pala?" tanong naman ni Gretchen sa kaibigan niya

"Uhmm yung frappe na din. White Chocolate" sabi niya.

Ako naman yung buffalo wings din tiaka Mocha frappe.

Tinaas ko yung kamay ko para senyasan yung waiter na lumapit sa amin para kunin yung order namin.

Lumapit naman siya agad

"Yes Sir, ano pong order nila?" sabi ng waiter

"Ah, Dalawang Buffalo wings, Isang Grumpy Joe Fried Chicken, Isang Hawaiian Pizza na 9 inches" sagot ko

"Drinks po nila Sir?" tanong ulit ng waiter

"Mocha Frappe, Java Chip frappe, at White Chocolate frappe"

"Ok sir. Uulitin ko lang po. Dalawang Buffalo wings, isang Grumpy Joe Fried Chicken, Hawaiian Pizza 9 inc, mocha frappe, Java Chip at White chocolate po"

Tumango ako sa waiter at umalis nadin siya.

"HUY!!!!" tawag ni Gretchen kay Anne. Nakatulala kasi siya tapos nakangiti. Haha! Parang timang

"Ay. Sorry." Ngumiti ulit siya

"Bakit ka kasi nakatulala?" tanong ulit ni Gretchen

"Best naniniwala ka ba sa Destiny?"

Hindi ako makapaniwalang tatanungin talaga ni Anne kay Gretchen yan sa harap ko. Pero siguro ganyan talaga pag mga babae. Ewan. Haha

"Ano? Anong pinagsasasabi mo?"

"Si kurt. Ang gwapo niya. Yyyiiiiieeeehhh!!" kinikilig pa siya.

"Kurt?! Sino naman yun? Bakit ngayon ko lang nalaman to?" Tanong ulit ni Gretchen sa kanya

"Yun" tinuro niya yung waiter na kumuha ng order naming kanina.

"aaaahhhhh!" sabay pa kami ni Gretchen nagsalita.

"Paano mo naman nalaman yung pangalan niya?" sabi ni Gretch

"Hello!!! Uso na kaya ngayon ang nameplate sa mga waiter! Duuuhhh!!" sabi naman ni Anne

"Ay sorry naman ate. Hindi po naming napansin." Tumawa nalang kami ni Gretchen. Haha. Ano to Love at first sight?

Nung anjan na yung order namin, Si "Kurt" ulit yung naghatid ng pagkain naming. Eto namang si Anne, parang nagtwitwinkle twinkle little star na yung mga mata niya. Ewan ko ba dito. Kulang nalang kindatan niya yung Kurt na yun. Hahaha

Pagkatapos namin kumain (Mali pala) Habang kumakain kami hanggang pagkatapos, sobrang abot langit parin yung ngiti ni Anne. Grabe. Tinamaan agad agad dre. Nagtitinginan nalang kami ni Gretchen sabay ngumingiti. Hahaha.

---------------------

End of Chapter 22

Hi Guys!! Hehe.

Namiss niyo po ba sina Vince at Gretchen? Hihi. Sorry po ah. Im trying my best naman po na magupdate kaso mahirap talaga pagsabayin ang pag-aaral tiaka pagiging writer. Hahaha. SOsyal. Writer! :D

Angelie Czarina. Pasensya na kung matagal ha. Hehe

Abangan lang po. Madami pang mangyayari. Hihi

Hindi siya gwapo, pero hindi siya PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon