Chapter 26: SPG ;)

21 2 1
                                    

"Bes, ito inom ka na muna ng tubig" alok sakin ni Anne pagkatapos kong umiyak at maglabas ng sama ng loob sa kanil dito sa bahay.

Pagkatapos ng nangyari kanina, tumatak sa isipan ko na magmula ngayon, kamumuhian ko na ang Mark na yan.

Sasabihin ko pa ba kay Vince ang nangyari? (I don't know) mas mabuti na siguro kung hindi na niya malalaman. Lalo na't wala siya dito. Maguiguilty na naman siya bakit kasi wala siya dito. Kung andito lang daw siya, hindi mangyayari sakin to.

"I'm sorry Gretch ha. Feeling ko kasi dahil sakin kaya mo na-eexperience ang lahat ng 'to ngayon" sabi ni Cherry sakin.

Ni minsan hindi ko naman inisip na kasalanan ni Cherry to. Bawal manisi ng ibang tao. Choice ko naman yun eh. Sa pag-ibig kasama talaga ang heartache. Bago ka umibig, kailangan mo munang masaktan.

"Hindi, wala kang kasalanan Cherry. Ako rin naman ang may kasalanan eh, hinayaan ko siyang makapasok sa buhay ko noon."

"Bastos pala talaga yung Mark na yun. Tssss. Napakasama niya. Lait-laitin ba naman si Vince?! At isa pa, pinapalabas niyang mukhang pera si Gretch." Sabi ni Nezzy

"Guys, move on na. This is a lesson for me. Not just for me but also for you in the future. Kung sakaling magkakaboyfriend man kayo, dapat kilalanin niyo siya ng mabuti bago niyo siya sagutin" sabi ko sakanila.

"Basta, ang hindi kailanman mabubuwag eh.. ang frienship natin. Diba?" Sabi ni Alona at ngumiti siya sa min.

I really like that optimistic attitude of hers. It reminds me to focus on positivity and throw away the negativity.

"YES!!!!!" Sabi naman namin kahat at nag group hug kaming lahat.

Pagkatapos ng session namin ay umuwi na rin sila sa kani-kanilang bahay.

"Ingat kayo ha." Sabi ko sakanila bago ko sinara yung gate.

Pagkaakyat ko sa kwarto ko ay narinig ko tumutunog yung iPad ko. Pagkatingin ko, si Vince pala calling via Facetime.

Pinindot ko naman agad yung answer.

Ilang sandali nalang at nasilayan ko na yung mukha niya. Lahat ng bihat na nararamdaman ko kanina ay biglang nawala. Sabik na sabik na kasi ako sakanya. Ilang weeks na hindi kami magkasama at ngayon nakita ko na siya ulit, kahit video call lang parang nakita ko na rin siya in person.

"Baby" sabi niya sa akin ng nakangiti.

Hmmmm. Yun palang sinasabi niya, kinikilig na ako.

"Daddy" sabi ko at sinuklian ko din siya ng ngiti.

"Oh kamusta ng araw ng baby ko?" Tanong niya sa akin

Bigla ulit akong kinabahan. Pero hindi ko pinapahalata sa mukha ko dahil alam ko expert si Vince sa pagkikilatis sa mga feelings ko based on my facial expressions. Ayaw ko namang mapawi itong kasiyahan na meron sa amin at the moment kaya minabuti kong hindi nalang sabihin sakanya.

"Ok lang daddy. Lumabas pala kami nila Anne kanina kasama sila Cherry, Nez at Alona. Ikaw? Kamusta ka na jan? Baka pinapabayaan mo yung sarili mo jan ha."

"Ok lang ako baby, sa school mejo toxic pero kinakaya ko naman. Para sayo naman lahat to eh" sabi niya sakin. That "wow" feeling. Parang sa sinabi niya, kami na talaga. I mean kami na ang magkakatuluyan forever and ever Amen.

"Hmmm. Binobola mo naman ata ako eh" sabi ko ironically kasi gusto ko naman talaga yung sinabi niya. ^_^

"Hala, hindi ah. Alam mo naman na lahat ng sinasabi ko sayo totoo. Galing sa puso baby" tinuro pa niya talaga yung dibdib niya at ngumisi siya.

Hindi siya gwapo, pero hindi siya PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon