Chapter 6: Do I love him?

79 3 1
                                    

Monday na naman. Mahaba habang panahon na naman na hindi ko makikita si Mark si Vince naman ang palagi kong makikita ngayon. Syemre classmate ko siya eh. Nakakatamad pumasok. Haaaaaaayyyyyyyyyy

"Girl! Bilisan mo nga! Mag-uumpisa na yung flag ceremony." Tawag sakin ni Anne

"Wait lang" tumatakbo ako papunta sa kanya

"Girl may ichichika ako sayo mamaya"

"Ano yun? "

"Mamaya na lang. Para walang makarinig sakin"

Ano kaya yun? Parang kinakabahan naman ako. May masama ba akong ginawa? Or may kasalanan ba ako? Tungkol saan ka ya yun? Haist! Ayoko yung mga ganitong feeling eh. Kinakabahan ako kapag may mga ganyang bagay.

"Ngayon nalang. Gusto ko ng malaman. Ano ba kasi yun? Tungkol saan?" Pilit ko sa kanya. I can't wait na eh.

"Kalma ka lang pwede? Mamaya lang kasi. Excited much ka naman"

"Sige na nga. Tara na, asan na ba sila(Alona, Nezzy at Cherry)??"

"Andun sa gilid. Tara na dun" hinila na niya ako papunta sa mga kaibigan namin.

Ayan na magsisimula na yung flag ceremony. Eto yung pinakaahaw ko sa Monday. Ang daming kaechosan. Kailangan pang kantahin ang Lupang Hinirang, Panatang Makabayan, Baguio Hymm at kung ano ano pa. Tsk tsk. Ang init init pa naman.

"Uy sabihin na natin kay Gretchen yung chorva" sabi ni Anne kila Cherry nung matapos yung flag ceremony. So alam din nila? Ano ba yun mas lalo tuloy akong kinabahan.

"Ay oo nga pala. Girl alam mo ba yung si Jackie, may gusto pala siya kay Vince. Tapos nalaman niyang nanliligaw sayo si Vince eh ayun akala mo naman girlfriend na siya ni Vince kung magselos" sabi ni Alona

Si Jackie, classmate din namin siya. Maganda rin naman siya gaya ko (Chos! Hahaha) pero hindi namin siya ka close. May kanya kanya kasi kaming barkada sa classroom. Hindi rin kami masyadong nagkakausap at hindi rin kami nagpapansinan. Pag nakikita ko naman siya, gusto ko sanang ngumiti pero hindi naman siya ngingiti. Parang ilap siya sakin palagi. Ewan ko ba dun.

"Ay oh?? Anong sabi niya?" Ewan ko pero mejo nasaktan ako nung sinabi nilang may nagkakagusto kay Vince. Selos? Hindi ko sure :/

"Galit na galit siya sayo. Pero don't worry. Andito naman kaming resbak mo eh"

"Huwag kang mag-alala Gretchen. Wala siyang karapatan para magalit sayo. Hindi mo naman kasalanan na nililigawan ka ni Vince" sabi naman ni Nezzy. Buti nalang I have friends like them :|

"Huwag ka ng malungkot, kung aawayin ka niya. Aawayin din natin siya. Ano naman ang laban niya sa ating lima?"sabi din ni Cherry. Agg babait talaga ng mga kaibigan ko. Hihi ^.^

"Hindi naman ako nalulungkot. Nag-aalala lang ako kasi ayaw ko ng may kaaway talaga. Although hindi naman ako nang aaway pero ayoko yung may nagagalit sakin."

Ayoko kasi ng ganun. Ayoko talaga yung may kaaway. Parang ang bigat sa pakiramdam. Hindi naman kasi ako palaaway. Tiaka laging sinasabi nila mama at Papa sakin na kapag may nang aaway sakin, hayaan ko lang sila kasi once na pinatulan mo sila it means ka level mo na sila. Kung ikaw yung inaaway na hindi lumalaban ikaw yung mas matapang at may pinag-aralan, ikaw yung mas nakakaangat kumbaga.

Bakit ba kasi siya(Jackie) magagalit sakin? Hindi ko naman boyfriend si Vince at lalong hindi niya rin boyfriend si Vince.

"Gretchen!" May tumawag sakin, boses lalaki. Si Vince siguro to

Hindi siya gwapo, pero hindi siya PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon