Chapter 30: Ball

15 1 1
                                    

Nung umalis si Vince kagabi, maya't maya tumawag siya at humihingi ng sorry. Naiinis ako sakanya noon pero para wala nang gulo tinanggap ko na ang sorry niya.

Ngayon naman habang papasok kami ng classroom ni Anne bigla naming narinig ang malakas na sumigaw ng MAAAARK!

Sa sobrang lakas nun napatingin kaming lahat sakanya. Pagkatingin namin, mukhang pamilyar sakin ang mukha ng babaeng yun. Tinitigan ko siyang mabuti. Tama! Hindi ako nagkakamali! Siya yung sumugod sa amin ni Mark noon sa mall noon. Siya ang ina ng anak nila ni Mark.

Nakita namin siyang lumapit kay Mark, nung nakita ko namang tumingin si Mark sa amin ay pumasok na kami ni Anne ng tuluyan sa classroom.

So ibig sabihin may relasyon sila hanggang ngayon? Tsk tsk. Eh bakit ginugulo pa kami ni Mark? Ano ba ang nangyayari sa buhay ko. Kung sila naman pala eh bakit kailangan pa akong guluhin? Masaya na ako kay Vince at sana maging masaya na rin sila sa isa't isa.

"Sino naman kaya yun?" Tanong ni Anne nung makapasok na kami sa classroom

"Ewan" pagsisinungaling ko kahit napagtanto ko nang siya yung sumugod sa akin sa mall noon.

Kilala ko si Anne. Tiyak na susugudin niya yung babaeng yn pag nalaman niyang siya yun. Masisira lang ang araw niya kaya never mind that girl. Besides wala na akong pakealam kung ano man ang meron sakanila ngayon.

"Tsss. Kung makasigaw naman parang wala ng bukas" sabi niya ulit

"Hayaan mo na."

Maya't maya ay nagbell na rin. Naghintay kami ng ilang minuto pero wala pa yung instructor namin na si Ma'am Corales.

"Guys 5 minutes nalang" may sumigaw na kaklase namin.

Ang ipinapahiwatig niya ay 5 minutes nalang at pwede na kaming umalis dahil 10 minutes na naming hinihintay si Ma'am Corales.

Ang policy kasi dito sa SLU, kung 15 minutes nang wala ang instructor pwede nang umalis at hindi na pumasok sa klaseng iyon.

Bago pa matapos ang 15 minutes policy ay dumating din si Ma'am. Dismayado ang ibang estudyante dahil umasa silang hindi na siya darating. Ako naman poker face lang. Walang pakialam.

"Okay class. On Saturday will be our Tourism ball"

Tourism ball? Wow! This will be fun.

"OMG! I'm so excited!" Bulyaw ni Anne

"Ssshhh!" Suway ko naman sakanya dahil nagsasalita pa si Ma'am.

"Your theme will be masquerade and the motif is black and white" patuloy ni Ma'am sa pagsasalita.

Wow. Masquerade! Sosyal naman! Hmmm. Nakakaexcite! OH my G! Hihi

"Ma'am formal attire po ba or Semi Formal?" Tanong naman ng isa sa mga kaklase namin

"Formal attire. So you better look for your gowns and suit na. Ang take note, your mascara's shoud be creative dahil mabibigyan ng award ang most creative mascara during the ball" paliwanag ng aming instructor

Ball yun. Ibig sabihin pwedeng may date diba? Oh my Gosh. Pwede kayang pumunta si Vince? Sana pwede. Siya lang naman ang gusto kong maging date sa ball. Ito ang first ball na a-attendan ko ngayong college.

"Pwede kayang pumunta si Vince para maging date ko?" Bulong ko kay Anne

"Ma'am pwede po bang outsider yung ka date?" Tanong agad ni Anne sa instructor namin.

Grabe! Pabigla bigla naman siya. Tsk tsk

"Oo pwede basta sumunod lang siya sa dress code" sagot naman ni Maam

Hindi siya gwapo, pero hindi siya PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon