Chapter 9: Tell me where it hurts

69 1 0
                                    

-----------Mark POV----------

"Gretchen, alam mo namang mahal na mahal kita diba? Kaya kita niyaya ngayon dahil gusto kong malaman kung ganun din ba ang nararamdaman mo sa akin"

Yan unang sinabi ko kanya pagkadating namin dito sa Beanstalk. Sinundo ko kasi siya kanina sa school nila. Kahapon ko pa iniisip na gawin to, gusto ko ng malaman kung sino talaga ang mahal niya samin ni Vince, natatakot din ako dahil baka ako yung mabusted. Pero naglakas loob nalang din ako.

"Gretch" sabi ko ulit sakanya. Hindi kasi siya umiimik. Siguro nabigla din siya

"Ha?!" Sabi niya. Nawalan ako ng lakas ng loob. Hindi ko akam kung uulitin ko ba yung sinabi ko o hindi

"Ahmm mabuti pa nga kumain na muna tayo" kako nalang. Siguro nga, hindi pa ito yung tamang oras para dun

"Oo, mabuti pa nga" sagot naman niya

Habang kumakain kami, walang umiimik sa amin. Gustong gusto kong tanungin ulit sa kanya kung mahal din ba niya ako kaso hindi ako makahanap ng tiempo. Kain lang ako ng kain dito, pero siya hindi. Hindi ko pa nakitang binawasan niya yung inorder niyang banana triffle.

"Mark wait lang ha. Mag C-CR lang ako" nagpaalam siya sakin.

Kanina pa siya nasa CR. Mag 10 minutes narin na wala siya. May problema kaya siya? Haka hindi niya nagustuhan yung sinabi ko sakanya kanina. Tssskk. Masyado yata akong naging atat kanina. Baka isipin niya minamadali ko na siya.

"Okay ka na ba? Gusto mo itake-out nalang natin tong pagkain mo?" Tanong ko agad sakanya nung bumalik na siya galing CR

"Okay lang ako. Sige itake out nalang natin" sagot naman niya

"Sige. Miss" kumaway ako sa waitress, lumapit naman siya agad

"Yes Sir?"

"Pakibalot nga ito, take out nalang namin" sabi ko sa waitress at kinuha na niya yung pagkain ni Gretchen.

"Ok po sir, pakihintay nalang po" sabi naman ng waitress

Nung makuha na namain yung take-out, pumunta na kami agad sa sasakyan ko at ihahatid ko na siya sa bahay nila. Hindi ko na naituloy yng plano ko. Ang hirap naman kasi ng ganito.

Pagkadating namin dito sa bahay nila, pinagbuksan ko siya ng pinto. Pagkababa niya ng kotse, walang umiimik at gumagalaw sa amin.

"Ahh, sige mauna na ako ha. Tatawagan nalang ulit kita" ngumiti nalang ako sakanya tapos magbebeso na sana ako

"Mark sandali lang." Sabi niya. Bigla akong kinabahan

Tinignan ko siya sa mata.

"Yung tinatanong mo sakin kanina?" Yung tinatanong ko ba sakanya kanina kung mahal din ba niya ako? Oo yun nga. Yun lang naman yung natanong ko sakanya kanina eh

"Ah Oo, okay lang. Siguro naatat lang ako kanina. Sorry ha." Kako nalang sakanya. Baka kasi sabihin pa niyang ayaw niya sakin kaya mas mabuti nang ganito.

"Pero sasagutin na kita Mark" sabi niya. Nagulat ako. Totoo ba yung narinig ko???

"Talaga?? Anong sagot mo?" Ang laki ng ngiti ko. Abot langit na yata kaya naman nahawakan ko siya sa braso niya.

"OO" kami na nga!! Girlfriend ko na si Gretchen Delfin

"Waaaaaahhhhhhh!!! Yes! Yes! Yes!!" Ayan lang yung lumalabas sa bibig ko. Para akong nanalo sa lotto. Binuhat ko si Gretchen at umikot ikot kami.

Hindi siya gwapo, pero hindi siya PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon