Chapter 8: Dalawang Donut

89 2 0
                                    

Haaaayyyyyy. Balik sa school na naman. *.* nakakatamad. Naalala ko yung sabi sakin ng teacher ko dati, "bakit ang saya saya niyo kung walang pasok? Ayaw niyong pumasok eh nag-enroll naman kayo?" May point din pala siya, nag-enroll nga ako pero ayaw ko naman pumasok, haist ang gulo ko.

"Hoy Gretchen!" Sumalubong sakin si Jackie nung pagkapasok ko sa classroom

"Bakit?" Kinakabahan ako, baka sabunutan niya ako. (Sabunot agad?)

"Alam mo lagi nalang ikaw ang pinapansin ni Vince eh paano nagpapansin ka kasi sa kanya. Puro ka pacute. Alam mo naman sigurong may gusto ako sa kanya. At sana huwag mo na siyang agawin sakin"

"Ha? Wala akong inaagaw sayo Jackie! Hindi mo boyfriend si Vince at hindi ko rin naman siya boyfriend kaya patas lang tayo"

"Oo nga, hindi mo siya boyfriend pero sana huwag mong paasahin yung DKawantao. Alam kong may nanliligaw sayo na nag-aaral sa National"

"Hindi ko pinapaasa si Vince" nasapul ako sa sinabi niya

"Hindi mo pinapaasa? Eh bakit hinahayaan mong dalawa yung manligaw sayo? Alangan namang sasagutin mo silang dalawa?"

"Pwede ba Jackie, huwag ka nalang makialam please?!" Naiinis na ako sakanya. Siguro nga napapaasa ko na si Vince. Pero hindi ko naman sinasadyang mangyari yun

"Gretchen, kung ako lang ang liligawan ni Vince, hindi na siya aasa. Siguradong sasagutin ko siya at wala siyang magiging problema dahil mahal na mahal ko siya"

"Edi sabihin mo yan sa kanya" naiinis na tlaga ako, bumibilis din yung tibok ng puso ko at nag-iinit yung mukha ko. Siguro namumula na ako sa galit.

Pumunta na ako sa upuan ko at iniwan ko siya sa pintuan. Wala siyang karapatan na pagsabihan ako ng ganun. Hindi ko naman kasalanan kung sabay silang nanliligaw sakin. Pero tama nga siya, hindi naman sigurado na sasagutin ko si Vince. Siguro napapaasa ko na takaga siya.

"Gretchen!" Tumabi sakin si Vince. Maaga pa naman kasi, wala pa sila Anne kaya wala akong kausap. Hindi ko alam kung kakausapin ko ba si Vince o hindi. Nakakhiya naman kung hindi ko siya kausapin, nung isang araw lang dinala niya ako sa rest house nila. Pinakain niya ako at kinantahan pa niya ako tapos sumayaw kami.

"Oh, anjan ka na pala"

"Parang ang lalim naman ng iniisip mo, may problema ka ba?"

"Ha? Wala naman" nakakunot siguro yung noo ko kanina kaya napansin niyang may iniisip nga ako.

"Sabihin mo na sakin, baka matulungan pa kita."

"Anong sasabihin ko sayo?" Nagkukunwari ako, pero ayoko din namang sabihin sakanya yung pinagusapan namin ni jackie. Baka sabihin ni jackie na sumbongera ako

"Kung anong iniisip mo o kung may problema ka" sabi niya ulit sakin

"Wala nga. Ang kulit mo naman" tumingin ako kung saan si jackie, nakatitig na naman siya samin ni Vince at mukhang galit na ewan.

"Sigurado ka?"

"Oo naman, alam mo pumunta ka na sa upuan mo. Malapit na ngayon sina Anne" pilit ko sakanya para wala ng masabi sila Jackie

"Oh sige, basta pag may problema ka sabihin mo lang sakin ha?"

"Oo na. Sige na, punta ka na dun"

Pumunta na siya sa upuan niya. Tinitignan ko lang siya. Nung makaupo na siya nakita kong lumapit sa kanya si Jackie, parang may kumurot sa Puso ko at nag init yung ulo ko. Selos siguro ang tawag dito. Naiinis ako.

Hindi siya gwapo, pero hindi siya PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon