Chapter 5: Tension

80 4 0
                                    

"Hi Gretchen" bati nilang dalawa sakin nung pagkababa ko.

"Ahh hello. Ah Mark, siya pala si Vince classmate ko. Vince si Mark"

Nagtinginan lang silang dalawa (tense much)

May dala dala silang flowers. Yung kay Vince roses na blue. Ang ganda (syempre blue eh, yun naman talaga favorite color ko) yung kay Mark naman red roses.

Iniabot sakin ni Mark yung flowers, tapos sumunod din si Vince

"Thank you. Umupo muna kayo, maghahanda lang ako ng merienda."

"Ate eto na po merienda nila" sabat ni Melsi sakin. Inilapag na niya yung juice tiaka brownies sa mesa.

"Ah sige, salamat ha"

"Ahhh. Bakita pala kayo andito?" Tama ba yung tanong ko? Hhhmmm. Hindi ko alam gagawin ko

"Ah gretchen, kasi kanina nagtext ako sayo kung pwede tayong lumabas eh sabi mo naman may gagawin ka kaya minabuti ko nalang pumunta dito para tulungan nalang sana kita kung anong gagawin mo" sabi ni Vince sakin. (Aba matinde)

"Gretch, tapos mo na ba yung ginagawa mo?" Sabat naman ni Mark

OMG. Ang hirap naman ng ganito.

"Ahhh wait lang ha. Don't worry, tapos ko naman na yung ginagawa ko." Kahit wala naman talaga. Natulog lang ako eh. Tsssss.

"Pwede ba tayong lumabas?" Sabay sila

Naku naku naku ah. Confusing much na eto. Haaaayyyy.

"Ha? Eh ano kasi eh."

"Oh Vince! Andito ka pala? Ang laki laki mo na iho. Matagal na kitang hindi nakita ah." Biglang nagsalita si Papa. Ewan ko kung saan nanggaling. Pero buti nalang anjan siya. You're my savior father!

"Mano po tito, kayo din po. Long time no see po." Ngumiti siya kay papa

Teka? Magkakilala sila ni papa? Pano nangyari yun? Ngayon lang naman pumunta si Vince dito sa bahay ah??? Hhhmmmmm

"Ah papa, magkakilala kayo ni Vince? Paano?" Nalilito na ako

"Oo naman anak, yung Mama niya katrabaho ko sa hospital eh. Palagi niyang sinasama si Vince nung bata pa siya. Diba Vince?" Nakangiti pa si papa

Bakit hindi ko alam yun? Hmmm. Grabe ah. Palagi naman akong sumasama sa hospital nung bata ako pero bakit hindi ko siya nakikita noon?

"So you mean, Doctor din ang parents mo Vince?" Tanong ko sakanya

"Hindi, si Mama lang." Ang tipid nag sagot niya ha

"Ah okay. Palagi din kasi ako sa hospital nung bata pa ako pero bakit hindi kita nakikita nun?"

"Gege, nagkita na kayo noon ni Vince. Palagi nga kayong naglalaro noon sa office ko eh. Pero baka hindi mo na maalala, 2 years old palang kayo nun"

"Ahh kaya naman pala."

"Oh Mark pasensya ka na ha. Nagthrowback kami. Hehe. Matagal ko ma kasing hindi nakita tong batang to" ang tinutukoy ni papa na bata, si Vince. Na OP (Out of Place) yata si Mark ko. Huhuhu

"Okay lang po tito" pinilit paring ngumiti ni Mark kay Papa.

"Oh siya, maiwan na muna namin kayo dito ha. May pupuntahan kasi kami eh."

"San kayo pupunta pa?"

"May duty kami ng Mama mo ngayon anak. Andun na nga si Mama mo sa labas eh, kanina pa naghihintay"

Hindi siya gwapo, pero hindi siya PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon