Chapter 17: Invited us :D

44 2 0
                                    

Ang bilis talaga ng panahon. Hindi ko akalaing, 2 weeks narin pala kami ni Vince. At sa 2 weeks na yun, hindi siya pumalya para pasayahin ako. Palagi siyang pumupunta dito sa bahay. Kung hindi naman, pumupunta kami sa bahay nila o kaya namamasyal kung saan saan.

May dumating na invitation sa bahay. Pinadala lang.

You are invited to my 18th Birthday

Bianca.

Attire: Formal

Ha? Magdedebut na pala yung ate bi Vince. Wow. Dalaga na si Ate. Hihi

Binuksan ko yung invitation.

18 Roses

Syempre kasama si Vince. Siya yung kapatid eh

Sino kaya yung escort?

Hinanap ko.

Escort: Carl Jason Delfin

Ha?? Si Kuya? Hmmm. May something ba sila?? Ay ano ka ba Gretchen, escort lang something na agad?? Baka naman escort lang. Yun lang yun. Tsk tsk. Malisyosa.

"Kuya! Tignan mo oh" pinakita io yung pangalan niya sa invitation

"Oh bakit?" Sabi naman niya. Huh? Wapakels lang? Kung sabagay. Hindi naman siya siguro isusulat dito kung hindi siya nainform na siya yung escort. Hehe

"Wala naman. Pinapakita ko lang, nagulat kasi ako. Ikaw pala yuhg escort" sabi ko sakanya.

"Oo, sinabi pa nila nun sakin nung birthday mo"

Ahh so planado na pala. Hmp. Wala naman kasing nababanggit si Vince sa akin eh.

Binasa ko ulit yung Invitation.

18th candles

Huh. Hindi ko naman kilala tong mga to. :(

Oh?? Andito pala ako. Hehe. Akalain mo nga naman. Kasali pala ko. Hihi.

"Kuya may isusuot ka na ba dito sa Debut ni ate Bianca?" Tanong ko kay kuya

"Wala pa nga eh. Tara tingin na tayo? Gusto mo?"

"Ha? Ngayon na?? Ang aga naman. Kelan ba tong Debut?" Agad kong tinignan yung date kung kelan nga.

"Sa sabado na" sabi ni Kuya.

Halla. Monday na ngayon. So I have 6 days left. Hmmmm?? Ano kaya? Bili na yata kami ngayon. Hihi

"Ahh. Sige tara kuya. Asan ba sila mama?" Tanong ko. Kasi hihingi ako ng pera malamang. Haha. Saan naman ako kukuha ng pambili ko ng gown. Ang mahal kaya. Hmp

"Wala sila ni Papa. Nasa hospital pa sila. Bakit ba?"

"Eh wala akong pera eh, hihingi sana ako ng pambili ko."

"Oh sige na, ako na muna magbabayad. Papapalitan ko nalang pagdating nila."

"Okay!!! Wait, magpapalit lang ako. Hihi"

"Sige, ako magpapalit muna."

--------------------

"Gege, labas ka jan. Tignan mo nga kung okay tong sinuot ko" sabi ni Kuya habang nasa fitting room din ako. Nagfifit ng gown. Iiissshhh. Istorbo naman tong si kuya eh.

"Wait lang. Inaayos ko pa itong gown" sigaw ko naman sakanya.

"Patingin nga yung sayo" sabi na naman ni Kuya. Tsk tsk. Ang kulit talaga haist.

Eto na lalabas na nga ako.

"Eto oh? Okay ba?" Tanong ko sakanya pagkalabas ko ng fitting room.

Suot ko itong long gown na kulay red. Si Kuya naman suot niya yung amerikana na black at may tuxedo na kulay pink. Eeeeeewwwwww.

"Ang pangit" parehas kami ng reaksyon ni kuya. Haha.

So hindi maganda tong suot ko, mas lalong hindi rin maganda yung suot niya. Hahaha.

Nagpalit na naman kami. Halos lahat na yata ng amerikana at gowns sa shop ay nasukat na namin pero wala parin kaming nagugustuhan. Haaayyyy. Nakakapagod din ha.

"Tingin pa tayo sa ibang shop, baka sakaling mas madami dun" sabi ni kuya sakin at palabas na kamidito sa unang pinuntahan namin.

"CJ!!!!" May tumawag na babae kay kuya sa di kalayuan.

*.*

End of Chapter 17

------------------------

Tell me who's that girl??

Angelie Czarina Castillo thank you in advance.hehe. Sinabi ko kasing hindi muna niya ituloy magbasa. Hintayin nalang niya matapos. 😄😄😄

Sana madami magbasa neto guys. Malapit nang matapos. Hehe. Joke.

instagram.com/senyoritajona

twitter.com/senyoritajona

Hindi siya gwapo, pero hindi siya PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon