Chapter 10: 1st Monthsary

74 3 0
                                    

----------Gretchen POV----------

Bakit ganun? Bigla bigla nalang siyang umalis? Tiaka wala manlang siyang ganang makipag usap sa akin. Gusto ko lang naman makipag usap ng maayos para naman hindi kami magkaroon ng sama ng loob sa isa't isa. Haaayyyy. Di bale, hindi naman iisa ang araw. Pwede pa bukas, samakalawa, next week, next month, next year etc.

1 week na kami ni Mark ngayon. Ganun parin yung routine, kukunin niya ako sa bahay, ihahatid sa school, kukunin niya ako sa school at ihahatid sa bahay. Naappreciate ko nga yung mga ginagawa niya eh. Syempre malayo pa naman yung pinanggagakungan niya.

"Girl nabalitaan mo na ba?" Sabi sakin ni Anne pagkapasok ko ng classroom

"Nabalitaan ang alin?" Sabi ko naman sakanya

"Si Vince at Jackie, sila na daw"

Ha? Agad agad?? Oo 1 week na kami ni Mark, hindi ko parin nasasabi kay Vince na kami kasi hindi ako makahanap ng tyempo. Pag dumarating kasi siya ng school sakto magsisimula na yung klase. Pag pauwi naman na bigla nalang siyang nawawala. May problema kaya siya sa akin??

"Ha? Kelan pa?"

"Hindi ko lang alam kung kelan basta sila na daw eh"

Pagkasabi ni Anne yun sakin parang may naramdaman akong kurot sa puso ko. Nasaktan ako. Kasalanan ko rin naman to eh, pinaasa ko si Vince at hindi ko sinabi agad sakanya na kami na ni Mark. Pero bakit ako affected? Mahal ko rin ba siya? (Hindi ko alam) :(

--------------------

"I love you so much babe"

Andito kami ngayon sa isang private restaurant ni Mark. Kaming dalawa lang. Ang ganda dito, makikita mo talaga na mamahalin ang restaurant na ito. May mga tumutugtog pa ng violin sa paligid namin. Ang romantic talaga.

"I love you too Mark" niyakap ko siya.

"Happy 1st monthsary babe. Iloveyou so much, hinding hindi kita iiwan." Binigay niya sa akin yung malaking bouquet. Sarisaring bulaklak ang mga nakalagay dito.

"Happy monthsary. Hindi rin kita iiwan Babe, alam mo yan. Mahal na mahal kita"

Patuloy yung mga tumutugtog ng mga violin. Ngumiti si Mark at isinayaw niya ako. Habang sumasayaw kami naalala ko nung dinala ako ni Vince sa Rest house nila. Sobrang romantic din ang araw na iyon. Yung nararamdaman ko ngayon parang si Vince parin yung kasayaw ko. Mahal ko si Mark pero bakit palagi kong naiisip si Vince? Ang gulo talaga ng puso ko ;(

"Babe, are you okay?" Tanong sakin ni Mark habang sumasayaw parin kami.

"Huh? Yeah, I'm okay" and then I smiled.

"Okay then let's eat. I'm getting hungry hehe" ngumiti din siya at kumain na kami.

---------------------

Sorry guys ngayon lang. Been busy this few days. Bawi ako promise. Hehe

Hi Angelie Czarina Castillo, Irene antonette Baclig, Aiko Castañeda and ate Anna Tabula 💋💋💋

Hindi siya gwapo, pero hindi siya PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon