Chapter 14: Course

49 3 0
                                    

"So, Gretchen ano pala ang kukunin mong course?" Tanong ng Daddy ni Vince sakin habang kumakain.

"Tourism po tito" ngumiti lang ako

"Ahh. Saan mo balak mag-aral?" Nakangiti naman si tito kaya hindi naman masyadong nakakanerbyos :D

"Dito din po sa SLU" sabi ko

Ano kaya kay Vince? Hindi ko pa pala natatanong ah. Di bale na, mamaya nalang pagkatapos naming kumain.

"Si kuya monpala graduate na ba?" Tanong ng ate ni Vince sakin.

"Ahh, sa April pa ate. Hopefully. Hehe" malay mo hindi pala grumaduate diba? Kaya hopefully. Hahahaha

"Ayy, wow. Ang galing naman niya. Ang hirap kaya ng Pharmacy" dagdag pa niya

"Oo nga daw po ate eh. Kaya ang sungit sungit niya minsan. Siguro stress na siya masyado. Haha"

Nagtawanan din silang lahat. Hahaha. Ang lakas ko makaimpluwensya

"Haha, you're so funny iha" sabi ng mommy ni Vince. Clown na pala ako ngayon :D

"Hehe, hindi naman po masyado"

"Ate Ming,pakilagay na dito yung cupcakes" sabi ni Vince. Siguro kasambahay nila yung Ming. Cupcakes? Baka siya nagbake ulit nito. Ang galing niya talaga, nung una pizza, tapos cake, tapos ngayon naman cupcakes. Hihi. Ang galing ng Daddyko ❤️❤️❤️

"Baby eto tikman mo, ako nagbake niyan" ngumiti sakin si Vince. Tapos sinusubo niya yung chocolate cupcake na may blue icing sa akin. Talaga nga naman. Blue diba? My favorite color, again and again. Hehe.

"Mmmmmm" habang nginunguya at ninanamnam ko yung cupcake. Masarap nga. Hihi ;)

"Masarap?"

"Uh uhmm" tapos nag thumbs up ako sa kanya at nakatakip yung isa kong kamay sa bunganga ko. Nginunguya ko parin kasi yuung cupcake tiaka baka may chocolate sa ngipin ko, nakakahiya kung makita niya. Haha ma T.O pa siya sakin :D

--------------------

"Daddy, ano pala ang kukunin mong course?" Andito na kami ngayon sa sala nila.

"Huwag kang magagalit baby ha.?" Sabi niya sakin. Huh?! Bakit naman?

"Hindi, bakit naman ako magagalit? Tinatanong ko lang naman kung anong course kukunin mo"

"Marine"

Marine? Yung Seaman ba yun? Eh walang seaman dito ah. So san siya mag-aaral?

"Ahh. Saan?" Mejo may galit akong nararamdaman. Syempre expected hindi dito sa Baguio yun. So Long Distance Relationship agad agad? Kahapon lang naging kami tapos ganito na agad.

"Sa Manila baby" umakbay siya sakin tapos hinalikan niya yung ulo ko.

"Ayy" yun lang sinagot ko tapos ngumiti ako konti (as in konting konti lang. Sarcastic pa) at hindi na ako umimik. Walang reaksyon sa mukha ko. Pojer face lang

"Galit ka ba baby?" Tinatanong pa ba yun?? Tsk tsk. So iiwan mo ako dito ganun?? Kanya kanyang buhay na?? Tsk tsk

"Hindi naman" sabi ko lang. Nakatingin ako sa kawalan. Deep inside, galit talaga ako. (Obvious ba?)

"Basta baby, tandaan mo hindi tayo maghihiwalay ha? Tiaka may 2 months pa naman tayo to spend time together. Magtiwala ka sakin baby kasi nagtitiwala din ako sayo. Dadalaw dalawin parin kita dito babyko kapag nasa manila na ako." Nagsasalita siya pero paramg lahat ng napapakinggan ko ngayon sa kaliwang tenga ko ay lumalabas din sa kabila. Galit nga ako eh. Ayoko ng ganyan, ayokong malayo sa kanya. :(

Tumango lang ako sa kanya.

--------------------

Naglalakad na kami pauwi sa amin pero hanggang ngayon wala parin akong imik. Kapag may tinatanong siya sakin, tumatango lang ako o kaya naman umiiling.

"Baby okay ka lang ba?"

Tumango na naman ako.

"May problema ba tayo?" Tanong niya ulit. Maamo parin yung boses niya.

Umiling naman ako. Pero oo may problema. Ayaw kong pumunta ka sa Manila para mag-aral ng Marine. Ang dami dami namang ibang course dito, yun pa ang kukunin ko. Paano na ako? Sino mag-aalaga sakin dito pag wala ka na? ;(

"Pero bakit ka ganyan baby?" Napatigil kami sa paglalakad at hinawakan niya yung mukha ko para makatingin ako sakanya.

Bakit ako ganito? Yun nga, nasabi ko na kanina diba? Nasabi ko na sa utak ko. Tsk ayoko ng paulit ulit. Wala ka bang pakiramdam. Dapat gets mo na yun!!! Yan yung mga iniisip ko habang kinakausap niya ako.

"Wala" sabi ko lang.

"Baby naman. Kung may problema tayo, sabihin mo sakin para maayos natin agad. Ayoko yung ganito na may tampuhan tayo sa isa't isa."

"Wala nga" ang kulit mo!!! Ayoko ngang sabihin sayo. Ganito talaga ako, pag nagtatampo o nagagalit ayokong magsalita. Gusto ko hulaan nila kung bakit ako galit ganun. Tsk tsk. Oo na, weird na kung weird pero eto ang ako eh.

"Alam ko meron. Hindi ka naman ganyan pag wala tayong problema baby. Please, sabihin mo na sakin kung ano yun?"

"Vince, Ge! Anjan na pala kayo. Pasok na kayo dito, may hinanda kaming meryenda." Sigaw ni Mama samin. Hindi ko rin napansin na andito na pala kami sa tapat ng bahay namin >.<

"Opo ma." Sabi ko lang at pumasok na ako. Sumunod naman si Vince.

---------------------

End of Chapter 14

---------------------

Hahahaha! Gretchen naman, hindi naman manghuhula si Vince kaya sabihin mo nalang 😄😄😄

Tampururut naman masyado itong si Gege natin. Hehe 😉

Hi Angelie at ate Anna, nagustuhan niyo ba or masyadong corny?? Haha 😁😁😁

Suggestions are welcome here 💋❤️

Comment lang guys para shoutout ko din kayo :)

Hindi siya gwapo, pero hindi siya PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon