Chapter 1: GTK: Getting To Know

175 4 2
                                    

------------Gretchen POV--------------

Hi, ako nga pala si Gretchen. 3rd year highschool na ako ngayong pasukan sa Baguio City National Highschool. June 2 ang pasukan namin. Malapit nadin, 4 days nalang at magbabalik student mode na naman kami.

Andito kami ngayon sa SM nila Cherry at Mark ngayon. Si Cherry, barkada ko siya since nung 1st year high school kami. Kami nila Anne, Nezzy at Alona. 5 kami sa barkada pero si Anne yung pinakabest friend ko. Siya yung nakakalam lahat lahat ng nangyayari sa buhay ko :)

Well, tatlo lang kami ngayon kasi naman si Cherry, gusto niya akong ipakilala dito sa kababata niyang si Mark. Ayun nag "hi, hello (shakehands) kami".

"Oh san tayo kakain?"tanong ko agad sa kanila. Oo kain ang una kong iniisp kapag lumalabas kami. Hahaha

"Kayo, san niyo ba gusto?" Tanong naman ni Mark samin. Hindi ba pwedeng magsuggest ka nalang? >.<

"Ahmm sa starbucks nalang muna tayo" sabi ni cherry. Okay na rin ako dun. Matagal na rin akong hindi nakakapag starbucks eh. Hehe ^.^

Naglakakad na kaming tatlo papunta sa cafè. Pinagmamasdan ko si Mark ng palihim, ngayon palang alam ko crush ko na siya. Ang gwapo niya kasi! Ang tangkad niya, nasa 5'8" siguro siya. Ang puti niya, ang bango niya at ang amo amo ng mukha niya. Parang hindi ka magsasawang titigan at amoy amoyin siya. Hihi ;)

Andito na kami sa labas ng starbucks, tinulak ni Mark yung pinto sabay alalay sakin at pinauna niya akong pumasok <^.^> hihi, I'm so kilig. Ehmeghed! :)))

Pinaupo niya muna kami ni cherry.

"Anong gusto mo Gretch?" Ikaw, ikaw Mark ang gusto ko! Ay ano ba yan. Tangina this. Ang landi ko naman. kapapakilala pa nga lang samin ni cherry yan na tuloy nasa isip ko. HAHAHA :D

"Ahh, kahit ano nalang. Basta frappe" sabi ko at nagsmile din ako sakanya hihi ^.^

"Ikaw cherry, ano sayo?"

"Yung cappuccino nalang"

Umalis na si Mark sa table namin at nagorder ng iinumin at kakainin namin. Grabe talaga, bakit ganun? Love at first sight ba ito? Parang ang bilis kasi ng pangyayari. Haays, ewan ko. Basta ang alam ko lang ngayon ay Crush ko na si Mark. Yun lang yun.

"Huy girl, kung makapagpacute ka naman jan wagas!" Oh my gosh, ganun na ba ako ka obvious?? Tsk tsk. Ang stupid ko naman. >_<

"Huh? Anong pacute, Ngumiti lang, pacute agad?"

"Eh kasi naman, yung tingin mo kay Mark para ka ng lutang. Yung ngiti mo halot abot na ata sa tenga mo. Lumalabas tuloy yang dimples mo"

"Grabe ka naman" nag-alala tuloy ako, baka pati si Mark nahalata din niya. Baka isipin niya flirt ako. Hala O_O

"Guys eto na oh, Coffee jelly for Gretch, Cappuccino for Cherry and also Coffee Jelly for me" ay parehas kami? Hmmm I smell something fishy. Hihihi. Tinigyan ko yung cup ko kung anong nilagay niyang pangalan.

O.O

Mark

Mark, ang pangalan ng cup ko, sa kanya kaya yung pangalan ko din pinalagay niya? Sinilip ko muna yung kay cherry, baka Mark naman lahat ang nakapangalan samin. Nung makita ko yung kay Cherry, "Che" ang nakalagay. Pasimple kong sinilip ko yung cup ni Mark, ang nakalagay "Gretch".

Pakshet! Tinaas ko na yung baso ko at kunyaring pinapakita ko sa kanila na binabasa ko kung ano yung nakapangalan sa cup ko, "Oh Gretch, wow ha! Eh yung sayo Mark? Gretch din nakalagay?" Nakangiting pang-asar yung pagkakasabi ni cherry. Talagang kinuha pa niya yung cup ni Mark at tinignan kung pangalan ko nga ba. "Aba, aba. Talaga nga namang ang mga ibon ay sadyang nagkakaunawaan" parang nagtutula si cherry sa kanyang sinabi, nakangiti at kiniliti pa niya ako sa may bandang bewang. Haist, I hate this feeling. Hahaha.

Hindi siya gwapo, pero hindi siya PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon