Chapter 27: Expect the Unexpected

15 2 0
                                    

Eto na. 3rd monthsary na namain ni Vince. Mag 5-5 pm na pero bakit hindi pa niya ako binabati ng "Happy Monthsary" o kaya magtext manlang. Hello baby, kamusta baby o nasaaan ka na? Ganun. Tssss. Naiinis na ako ah. Nakalimutan niya! Ayaw ko naman ako yung unang bumati sa kanya, gusto ko siya para makita ko namang unforgettable ang monthsary namin sa kanya. Pero eto, tatlong buwan palang namin, kinakalimutan na niya agad? Aba! Anong klaseng...

"Ate" sabi ng bata tapos pagkalingon ko may inabot siyang blue roses

Patuloy ako sa paglakad palabas ng school at may lumapit ulit na bata at inabot ulit ang blue roses ulit.

Hanggang sa sunod sunod na may lumapit sa akin na nagbigay ng blue roses.

26 lang yung bulaklak kung hindi ako nagkakamali. Pero hindi naman ako kabobo sa Math para magkamali ng bulaklak. Umaasa ako na 27 to kasi nga 27 ang monthsary namin. Pero hindi naman ako sure kung sino ang may pakana nito. Kung si Vince nga ito. Dapat 27 'to. Tiaka posible kaya? Nasa manila siya eh. Badtrip naman.

Paglabas ko na ng school. Sinalubong ako nila Anne, Nezzy, Cherry at Alona na may karatulang "Happy Monthsary!"

"Buti pa kayo naalala niyo. Salamat" matamlay kong sabi sakanila.

"Halika na!" Sabi nila sakin at hinila nila ako papunta sa may kotse.

"Teka! San tayo pupunta?" Tanong ko

Walang sumasagot sakanila. Nagtitinginan lang sila at nagngingitian.

Pagkasakay namin sa kotse, pinaandar agad ng mama yung sasakyan.

"Hoy! Saan niyo ako dadalhin to ha? Sino ang may pakana nito?!" Sabi ko sakanila ng mejo may inis sa boses ko.

"Kalma ka lang" sabi ni Anne.

"Kalma? Tsss. San ba kasi tayo pupunta?!"

"Andito na tayo" sabi ni Cherry at tinakpan niya yung mga mata ko. Samantalang ang tatlo naman ay nakahawak sa mga kamay ko dahil alam naman nila na tatanggalin ko ang piring ko.

Naramdaman ko nalang na bumaba kami sa kotse at inaalalayan parin nila ako.

Pagkatanggal nila ng piring ko. May lumapit ULIT na bata at may dalang blue roses at note.

Note:

Ayan. 27 na :)

Yan lang ang nakasulat. Wala ng iba.

Pagkatingin ko sa harap ko. O.o

Si Vince ^.^

Konting tuwa at konting curious ang nararamdaman ko. Ewan ko kung naiinis din ako. Haist.

May hawak pa siyang malaking bear at malaking bouquet na may ferrero rocher. Wooooowwww!! Ang sweet niya! Hihi *-*

"Happy Monthsary baby" sa wakas at lumapit na siya sa akin.

T_*

"Happy Monthsary too Daddy" sabi ko sakanya tapos naramdaman ko nalang na maluha luha na pala ako. Huhu -_-

Binigay niya sa akin yung malaking bear at yung bouquet at niyakap niya ako ng naaaaaaaaaaaaaaaapakahigpit! Best hug ever ❤️

"I love you so much baby" sabi niya habang nakayakap parin sakin

"I love you more daddy"

Kaya naman pala hindi siya nagtetext sakin kanina. Yun pala isusurprise niya ako. Hmp kaazar. Hihi. Ganito pala yung feeling yung sobrang namimiss mo na siya at sabik na sabik ka ng makita siya tapos ngayon eto na siya. Andito na sa harap ko at magkayakap pa kami. Heaven ang pakiramdam. Haaaaaayyyyy. 🙆

Hindi siya gwapo, pero hindi siya PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon