Chapter 23: First Day

21 2 0
                                    

Eto na. Pasukan na. Oh my G! This is College life already. Nercited me. Nervous+excited= Nercited ^_^

Oh wait? Saan pala ang room ko?

Ahh, D506.

Nakaupo na ako dito sa classroom. Time check: 9:15am. Wala parin si Anne. Nakakainis naman yun. Malapit na magtime pero wala pa siya.

Sabay kaming nagpaenrol ni Anne at pareho kami ng kinuhang coarse. Swerte nga eh kasi magclassmate kami sa lahat ng subjects.

Asan na ba yun?? Tssssss.

Lumingon lingon ako kaliwa't kanan. Tinignan ko yung mga kaklase kuo kung may kakilala ako. May mga ibang pamilyar na mukha sa akin, nag-aral din siguro sa City high pero ibang section ganun. Yung iba naman hindi ko talaga kakilala.

/Phone Vibrate/

From: Daddy my loves ❤️❤️❤️

"How's your first class baby?"

Ako: "Ok lang naman daddy kaso wala akong kakilala. Wala pa si Anne. Ang tagal nga niya eh. Hmp. Ikaw ngay?"

Daddy: Eto, nandito na ako sa canteen baby, kasama ko si Chris. Nag attendance lang kasi kami kanina sa 1st subject namin.

"Good morning! Bring out 1/4 sheet of paper and write the following" sabi ng teacher na dumating classroom namin at nagsulat na siya sa board. Ang bata niya, parang kasing edad lang ni Kuya.

"Good morning maam. Sorry I'm late" naku si Anne. 1st day na 1st day lata na siya. Tong babaeng to talaga.

Sinenyasan ko na siya na tumabi siya sakin. Agad naman siyang umupo dito sa tabi ko dahil nireserbahan ko na siya ng upuan kanina gamit ang bag ko.

"Bakit ka late?" Pabulong kong tanong sakanya

"Traffic kasi eh" sabi lang niya sakin. Hingal na hingal na siya. Siguro tumakbo takbo na siya kanina.

Hindi na ulit ako nagtanong sakanya. Nagsulat na ako sa 1/4 ko at isinulat ko yung mga kailangang isulat na sinulat ni Ma'am sa board (ang gulo! Hehe)

Name: Date:

Course & Year:

Provincial Address:

As usual pagkatapos naming magsulat lahat, ipapass namin ang papel namin at isa isa siyang bubunot at magpapakilala kami.

"Hi everyone, I'm Aiva Alimorong. From Dagupan, Pangasinan. Taking up Tourism."

Umupo na siya. Tuloy tuloy parin ang pagbunit ni maam sa mga papel. Ewan ko pero parang kinakabahan ako. Parang namamanhid ang mga tuhod ko tuwing ganitong mga recitation. Actually hindi naman siya recotation, magpapakilala lang pero basta kinakabahan parin ako. Haist.

"Marantan" tawag ng instructor

Halla ako na. Nag-init na naman yng buong mukha ko. Namula na ang tenga at pisngi ko.

"Hello, I'm Gretchen Delfin. From Baguio City and I'm taking up Bachelor of Science in HTM major in Tourism"

Uupo na sana ako pero may kasunod pang tanong yung instructor.

"Are you related with Carl Jason Delfin?"

Kilala niya si Kuya?!

"Yes ma'am. He's my brother" sagot ko naman.

"Okay. You may take your seat" sabi niya sakin.

Akala ko may itatanong pa siya. Umupo na ako. Nacurious ako -_-. Bakit kaya sila magkakilala? Pharmacy graduate naman si Kuya. And I'm sure Tourism or HRM graduate itong instructor namin kasi major subject to eh. Hmmm.

Pagkatapos magpakilala lahat. Sunod namang siyang nagpakilala.

"I'm Ma. Leonora Therese Corales. You may call me Maam Therese nalang. I am a Tourism Graduate. Nitong March lang. I graduated Magna Cum Laude here at SLU also."

"WOW" sabi naman naming lahat

"Yes and I am a True Blue Louisian"

Kapag true blue louisian. Ibig sabihin mula nung Nursery hanggang College, SLU siya nag-aral. Walang labis walang kulang ;)

So may Loyalty Award din siya. ^_^

"Since, this is our first day. I will not discuss yet. Baka naman matapos na natin yung chapter 1 ng Principles of Tourism agad diba. Tiaka hindi naman ako Kill Joy. So you may go. See you next meeting"

"Yesss" sabi naman ng iba.

"Hay salamat" sabi naman ni Anne.

"Bakit?" Tanong ko.

"Eh syempre, 1st day eh. Nakakatamad" sabi niya.

Kung sabagay. Nakakawindang naman kung magdidiscuss agad. Parang may hangover parin kasi kami sa bakasyon eh. Pwedeng mag adjust muna? Hehe

"Oh eh san na tayo niyan? 45 minutes pa bago yung next subject natin eh"

"Tara canteen muna"

Naglakad na kami papunta ng canteen. Kinapa ko yung celphone ko sa bulsa ko para tignan sana kung may text si Vince pero wala kaya kinalkal ko na yung bag ko. Ano ba to, bat diko mahanap.

"Booog!"

Ayan sa kahahanap ko nakabunggo tuloy ako.

"Ayy sorry po" sabi ko sa nabunggo ko.

"Sorry miss" sabi sin ng (boses lalake)

Napatingin ako sakanya

oO.Oo

"Gretch?" Sabi niya.

Si MARK!

What the Fuck! What a small world! I hate this. I hate it. I hate him!

---------------------

End of Chapter 23

Hi Angelie Czarina. I miss you! 💋💋💋 Sorry hindi kita nareplyan noon ha. Nakalimutan ko kasi. Hehe

Ahhmmm. Hindi ko pa alam kung kelan next. Hehe. Tignan nalang natin ^_^

********************

Everyone please follow me on IG/Twitter/tumblr @senyoritajona

I also have online shop instagram.com/the27shop or facebook.com/the27shop

Thank you ❤️

Please don't forget to vote after reading. Thank you guys. Iloveyou all ;)

Hindi siya gwapo, pero hindi siya PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon