Chapter 4: What would I do?

78 3 0
                                    

"Girls, huwag niyo nalang sabihin kina Mama at Papa yung nangyari kanina ha. Please?" Sinabihan ko na yung mga kaibigan ko habang pauwi na kami. Dito na kami sa sasakyan Ni Mark lahat.

"Yes girl. Your secret is safe with us" sabi naman ni Anne sakin.

"Cherry?" Tumingin ako sa kanya

"Ok girl" kunyari znipper niya yung bibig niya

"Alona?"

"Keribels ako jan, don't worry friend"

"Nezzy?"

"Ahmm pag iisipan ko muna"

"Nez naman eh. Hmp, I hate you!" Alam kong nagbibiro lang siya pero mas mabuti na yung sigurado.

"Oo na girl! I will shut my mouth"

"Mark ikaw? Maipapangako mo ba na hindi mo sasabihin kina Mama at Papa?" Nagdridrive siya, malapit na kami sa bahay.

"Oo naman Gretch. Pero nakokosensya kasi ako. Kasalanan ko naman talaga yung nangyari sayo kanina eh."

"Mark, wala kang kasalanan. Ako naman yung bumitaw sayo kanina eh kaya ayun, nalunod ako."

"Ok sige. Hindi ko na sasabihin."

"Yay! Thank you Mark!" Sa sobrang pagka relieved ko nayakap ko siya habang nagdridrive.

"Oh! Huwag moko masyadong yakapin, baka mabangga tayo" nakita kong nakangiti siya. (As if naman, gustong gusto nga niya eh hahaha)

"Ay sorry po"

------------------------------

"Anak gising na! 7:30 na. Magmamass pa tayo" narinig ko si Mama tapos kinikiliti niya yung paa ko. Oo pala, Sunday ngayon. Oh it's Gods time

"Yes ma. Wait lang po" sinabi ko kay mama pero nakapikit parin ako. Parang gusto ko pang matulog eh

"Bilisan mo na jan"

"Opo ma"

Pagkaalis ni mama sa kwarto ko, bumangon na ako at naligo. Binilisan ko na kasi 8:00 magsisimula yung mass tiaka baka wala na kaming maupuan. Ang dami kasing pumupunta sa Cathedral eh.

"Tapos ka na jan?" Kumakatok si Kuya sa kwarto ko.

"Opo!"

"Bilisan mo! Wala na tayong uupuan!" Hmp eto na naman siya, highblood na agad. Umagang umaga eh

"Tadaaahhh! I'm ready! Gorabels na ba tayo?" Binuksan ko yung pinto ng kwarto ko para makita ni kuya na ready na ako.

"OO! Ikaw nalang hinihintay! Dalian mo na nga, naghihintay na sila papa sa sasakyan"

Halos tumatakbo na kami pababa papunta sa sasakyan.

-------------------------

Nagsimula na nga yung mass pero at least may upuan pa naman kami. Andito kami sa pinakaharap. Magkatabi kami ni Mama. Ako dito sa gilid tapos si mama tapos si papa tapos si kuya naman tumabi kay papa.

1st reading

2nd reading

.

.

.

.

.

Peace be with you. (Front)

Hindi siya gwapo, pero hindi siya PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon