Chapter 5

5.9K 112 3
                                    

Gia's POV


"My god Gia. Saan ka ba galing? Nag aalalang tanong ni Annie.



Hindi ako sumasagot. Iniisip ko pa lang yung nangyari sakin kagabi eh sigurado akong itatakwil ako ni Annie kapag nalaman niya.




"Kay Chris. Umin-..




"Sabi ni Chris maaga ka daw niya pinauwi dahil lasing na lasing ka na, Bakit ngayon ka lang tumawag at saan ka natulog?"


"Annie naman, Pwede bang magpahinga muna ko?
Pakiusap ko sa kanya at naglakad na paakyat sa kwarto ko.



"Hindi pa tayo tapos Gia!"
Sabi niya bago pa ako tuluyang makaakyat sa taas.



Mabuti na lang magkasama kaming nagboboard ng bestfriend ko. Kahit papaano ay may tumitingin sakin.


Naisip ko tuloy yung nangyari. Bigla kong naalala lahat ng pinag gagawa ko kay Mathew! Namura ko yung sarili ko.




Artista yun bakit sa kanya pa. Masisira ko pa ang career niya kapag nagkataon.

Mandadamay pa ako ng tao na walang kamalay malay. Naisip ko ulit yung nangyari. Malinaw na malinaw lahat ng ginawa namin. Sige lang flashback pa more pati ang pag giling ko sa ibabaw niya tandang tanda ko. My god I can't believe na ginawa ko yun pwede na kong lumubog sa kahihiyan sa mga pinag-gagawa ko.

Wala na talaga akong masabi sa buhay ko. Sirang sira na at hindi na kong umaasang maayos ko pa.




Pag gising ko inaabangan ako ni Annie. Sabay kaming kumain nagkwento ako pero hindi ng totoong nangyari.

"Alam mo ikaw kapag hindi ka tumigil ka kakaisip mo sa ex-boyfriend mong yan malamang in one month wala ka ng baga kakainom mo."

"Nandyan naman kayo ni Chris, alam ko naman na kaya niyong ibigay sakin yung tag-isa niyong baga di ba?
Nagulat ako ng hampasin ako ng unan ni Annie.

"Gia please, kalimutan mo na siya napakaraming lalaki dyan na mas deserving sa pagmamahal mo. Hindi deserve ni Philip yung kaya mong ibigay when it comes to love."

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now