Chapter 64

2.7K 70 1
                                    

Gia's POV

"I want you to be ready."

"Ready for what?
Tanong ko.

"For my movie, premiere night na mamaya. Gusto ko love nandun ka."

"Jade, Alam mong hindi makakabuti sa movie mo kung makikita ko ng mga fans dun."

"No, You're going with Tita Grey not with me just to keep you safe."

"No Mat. I'm not going. Isa pa may pasok ako nyan Love."

"So uunahin mo yang trabaho mo? Kesa sa premiere night ng movie ganun?

"Jade tyaka mo na ko isama sa ganyan kapag nasabi mo na sa lahat yung tungkol satin, Pero sa ngayon wag muna natin ipilit Love naiintindihan ko naman."

"Tss! Gusto ko lang naman makasama ka sa mahahalagang nangyayari sa buhay ko, But you keep pushing me away Gia."

"Jade, Listen. I'm not pushing you away. Paano natin matatapos yung problema mo kung dudugtungan na naman natin right?

"Problema? Problema ba ang piliin kong makasama ka sa importanteng araw sakin?

"Love-..

"Sige na bumaba ka na. Inaantay ka ng trabaho mo."
Magsasalita pa sana ko pero tinigil niya na yung kotse sa harap ng trabaho ko.

Masaya kong napapayag ko siyang magtrabaho ako pero hindi pa rin niya maiwasang papiliin ako between him and my work. Pakiramdam niya mas inuuna ko to kesa sa kanya, Hindi niya alam I'm doing this because of him.

Gusto kong makaipon para atleast once na masabi niya na sa lahat yung tungkol samin, Mawalan man siya ng kita o project atleast kaya naming mag start ng bagong buhay kasama ako. Hindi man kasing dami ng ipon niya atleast may maiiambag ako para saming dalawa.

"Hindi yata bumaba ng sasakyan si Mr. Facemask?
Si Jackie. Isa sa mga katrabaho kong nakakakita palagi sa amin sa tuwing ihahatid ako ni Jade. Hindi nila alam na si Mathew Sanford yun tanging si Annie lang ang nakakaalam.

"Wala sa mood.
Sagot ko at pumasok na sa office.

Nagulat ako ng bigla akong lapitan ni Annie.
"Gia, Sama mo ko mamaya ha?

"Saan?

"Sa premiere night ng movie ni Mat."

"I'm not going."

"Bakit masama ba pakiramdam mo?
Hinawak-hawakan ni Annie yung noo ko, Tinitignan niya kung may sakit ako.

"Wala, Ayoko lang ng gul-..

"Gulo? Do you really believe na makakagulo ka lang dun?

"Yes, Alam mo naman kayong mga fans ng MatSoph obsessed and wild."

Nagulat ako ng batukan ako ni Annie.
"Ang yabang mo! Porket asawa mo na yan. Samantalang dati hindi ka rin magkanda-ugaga kay Mathew."

"Basta ayokong pumunta."

"Gia naman, That's the last movie of your husband this year atleast support him."
Napatingin ako kay Annie. Iniwan ko siya at nagpunta ako sa pantry.

Since tapos naman na yung shift ko eh bumaba na ko, Anong oras na at alam kong hindi ako masusundo ngayon ni Jade dahil busy siya sa paghahanda para sa premiere night nila.

"Tara! Ihahatid na kita."
Nagulat ako ng dumaan si Chris kasama yung girlfriend niya.

"No hindi na, May pupuntahan pa ko."

"Are you sure?
Tumango ako, Pag alis nila ay nakasakay na rin ako ng taxi. Medyo nasakit lang yung balakang ko. This can't be! Mag two months pa lang yung tyan ko at hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito dahil wala naman to nung unang pagbubuntis ko.

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now