Chapter 76

2.6K 78 4
                                    


"Come on love. Look at Samantha."

Tuwang tuwang pinakita sakin ni Jade si Sam na ngayon ay nakasuot ng gown dahil aattend kami sa kasal ng ate niya.

After 5 years, Nagka asawa din ang ate niya. Limang taon na si Sam at nag aaral na rin siya madalas maghatid sa kanya ay ang daddy niya.

Masaya ko na mas dumami pa yung oras ni Jade samin simula ng pinanganak ko si Sam at simula rin nung maging Film director siya kasi siya na madalas yung may hawak ng oras niya lalo na kapag siya nagdidirek sa mga movie, Kung may taping man siya once a week lang siyang nauwi ng umaga. The rest is wala pang alas singko ng hapon ay nandito na siya lalo na kapag galing lang siyang photoshoot minsan.

Sinasama na rin niya si Sam sa ibang endorser, May balak pa atang gawing artista yung anak niya dahil lumalabas na rin si Sam sa mga commercial.

"Gia, Please lang huwag ka ng sumilip sa laptop mo ngayon. Alam kong hindi ka na naman mapapakali hangga't hindi mo nasisilip yung nangyayari sa opisina mo."

Simula kasi nung naging Marketing Manager ako sa BPO madalas palagi akong nakatutok sa laptop kahit nasa bahay dahil ayokong nawawalan ng update sa trabaho kahit nasa bahay.

"Tss! Mabilis lang ako love kukunin ko lang yung gamit ni Sam."

"Nako Gia, Knowing you. Hihintayin ka na namin ni Sam."
Sinundan ako ni Jade sa kwarto at iniwan sandali si Sam kay manang Sally. Nagulat ako ng yakapin na naman niya ko.

"Yung totoo? Nag aalala kang baka magbukas ako ng laptop o talagang gusto mo lang akong sundan sa kwart-..

"Yes, Gusto lang kitang sundan sa kwarto."
Mahinang bulong niya at hinalikan yung ilong ko.

"Namimiss na kita Gia sana alam mo yan."
Dugtong niya pa.

"Para namang hindi tayo nagkikita everyday Jade."
"Nagkikita nga lagi ka namang night shift sa trabaho mo! Tss..
Kinuha niya yung inayos kong gamit at lumabas na ng kwarto.

Anong problema nito. Hindi ako kinakausap buong byahe habang papunta kami ng simbaham kung saan ikakasal si Ate Carmelita.

Kahit tignan ako ay hindi niya ginagawa. Sinubukan kong hawakan yung kamay niya habang nagmamaneho siya pero mabilis lang din niyang iniwas yun.

Pagdating namin sa simbahan ay pinauna ko na si Manang Sally bumaba kasama si Sam.

"Sige na magpapark lang ako."
Malamig niyang sabi.

Gusto ko sanang kausapin pa siya bago ko bumaba pero kinatok na kami ng mommy ni Jade.

Kukunin ko na sana yung gamit namin pero inagaw lang niya yun.
"Ako ng magdadala niyan."
Kahit na naiinis ako na ganyan siya eh pinabayaan ko na lang since hinihintay ako ng mommy niya na bumaba.

Nakita kong buhat ng daddy ni Jade si Sam. Kahit na ang laki laki na niya eh sobrang nai-spoiled ng family ni Jade. I mean spoiled din si Sam sa family ko pero magkakaiba sila ng paraan ng pagmamahal kay Sam palibasa unang apo nila.

Nakita ko si Jade na parating pero hindi siya lumapit sakin. Dumiretso siya sa daddy niya at hinarot ng hinarot si Sam.

"Problema ng asawa mo Gia?
Natatawang sabi ng mommy niya dahil nakabusangot si Jade.

"Hindi ko nga po alam ma, Kanina pa yan sa bahay."

"Baka gusto na sundan si Sam."
Nagulat ako ng biglang sumingit yung ate ni Jade. Hindi pa kasi nag uumpisa yung wedding at nandito pa kami sa waiting area ng bride.

"Oo nga Gia, Bakit hindi niyo pa sundan si Samatha malaki naman na siya."

"Nako si Sam pa nga lang ang hirap ng alagaan."

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now