Chapter 65

2.7K 69 3
                                    

Mat's POV


"Tita, Paikot nga yung lugar. Parang nakita ko kasi si Gia please."

"Baka naman namalikmata ka lang, Kung pupunta yun edi sana tinawagan ka na."

"Basta Tita, pacheck lang."
Bulong ko sa kanya habang inaayos ang mga gamit ko.

Tapos na kasi yung event, Pero may pupuntahan pa kaming live guesting kasama si Sophie para ipromote yung movie.

Magkakalahating oras na pero hindi pa nabalik si Tita Grey kaya lumabas ako para hanapin siya. May kasama kong dalawang security guard kaya kahit papano ay hindi ako nadudumog ng tao at may barricade pa rin namang nakaharang sa kanila.

Napahinto ako ng may mapansin akong umpukan ng tao, Hindi lang basta tao. Media at kabi-kabilang camera'ng kumukuha sa umpukan na yun. Ang daming tumatawag ng pangalan ko at naghihintay na kawayan ko pero parang bigla akong namanhid ng matanaw ko si Annie at Gia na naiipit ng mga media.

Mabilis akong naglakad palapit sa kanila, Nasalubong ko pa si Tita Grey at hingal na hingal.

"Mat, please nagpatawag na ko ng security para kunin si Gia and Annie dun. Hindi mo na kailangan lumapit."

"Tita naman, Mag ina ko nandun. Gusto mo hayaan ko lang mapahamak dun?

"Kaya nga tumawag na ko ng secur-..
Hindi natapos si Tita Grey dahil nilagpasan ko lang siya at naglakad palapit kila Gia.

"Totoo bang one night stand ang dahilan kung bakit ka naging asawa ni Mathew?
Halos manginig yung buong kalamnan ko sa narinig ko habang naglalakad ako papalapit sa kanila.

"Mat, Please.
Hinawakan ni Tita Grey yung braso ko para pigilan ako pero hindi ako nagpapigil.

Alam kong nakita na ko ni Gia, At naiinis akong pati siya ay pinipigilan ako para pagtanggol siya. Lumapit siya sakin at pilit akong inaawat pero iniwan ko siya kay Annie.

"Nandito ka ba para sagutin ang mga katanungan namin kay Ms. Gia Funtani--..
Lumapit ako sa lalaking nagtanong kay Gia kanina. Sinubukan niya pa kong tanungin pero hindi siya natapos dahil bigla ko siyang sinuntok dahilan para mapaupo siya sa sahig.

Lumapit ako ulit sa kanya, Hinarang ako ni Tita Grey pero hindi ako nagpapigil. Hinila ko ang kwelyo ng tshirt niya at sinuntok ulit, Wala kong pakialam kung picturan nila ko.

"Sa susunod na bastusin mo ang asawa ko, Sisiguraduhin kong hindi ka na sisikatan ng araw."
Bulong ko sa kanya at tinulak siya.

Pinagkakaguluhan ako ng press ngayon, Marami ng lumapit na security guard sakin. Nakita kong nanginginig si Gia, Lumapit ako sa kanya at hinila siya palabas ng Mall.

Sinusundan pa rin kami ng media.
"So Mathew, Ibig sabihin lang ba nito ay totoo ang lumalabas na isyu tungkol sa inyo ni Ms. Gia?
"Anong masasabi mo na nangyari to bago ang showing ng movie niyo ni Sophie.
"Handa ka na ba na sabihin sa publiko kung sino talaga sa buha-..
Inagaw ko yung microphone na hawak nung media at huminto kami sa paglalakad.

Magsasalita na sana ko pero hinawakan ni Gia yung kamay ko at umiiling na huwag kong gawin ang gusto kong sabihin pero hindi ko siya pinansin.

"Para sa ikatatahimik ng buong nagmamahal sakin, I'm sorry but I need to tell this..
"Gusto kong tanggapin niyo ng buo ang babaeng nasa tabi ko ngayon na nagmamahal sakin at minamahal ko ng sobra, My non-showbiz wife Gia Funtanilla."
Hinila ko ng dahan dahan si Gia at lumabas kami ng Mall, Sakto namang inabangan kami ni Tita Grey sa parking lot kaya nakasakay kami agad kahit napakaraming humahabol na media samin.

Naramdaman kong nanginginig si Gia kaya niyakap ko siya at hinalikan sa forehead.
"Jade bakit mo sinabi yun ngayon? Bat naman ngayon pa."
Nanginginig na nagsalita si Gia, Tinitignan lang kami ni Tita Grey.

"Bakit hindi? Anong gusto mo hayaan ko na bastusin ka ng gagong yun?

"Pero alam mong bukas na yung showing ng movie mo Love, Paano kung maapektuha-..

"Then so be it! T*ng ina naman. Hihintayin ko pa ba ulit na mawalan na naman ako ng anak bago ko sabihin yung tungkol satin."
Hindi ko alam na napasigaw na pala ko.

"Tss! Tumigil nga kayong dalawa, Umuulan ng suporta sayo ngayon sa social media Mat, Trending ka worldwide and I think mas nakabuti na inamin mo na sa publiko yun."


"See. Although hindi natin masasabi na lahat tanggap yung nangyari atleast worth it. Kung alam ko lang sana matagal ko ng ginawa yan Tita."
Sabi ko, Niyakap ko si Gia. At maging si Annie ay masaya sa nangyari na ngayon ay katabi ni Tita Grey.

"So please Love, I need you to trust me. Hindi na ko gagawa pa ng dahilan para masaktan kita ulit at mawala pa ulit yung magiging anak ko."

"I'm sorry Jade, Sana hindi na lang kasi ko nanood edi sana walang gulong nangya-..
Hindi siya natapos dahil hinalikan ko siya sa labi.

"Wala kang kasalanan, Masaya ko na pumunta ka at nasabi ko na sa lahat yung pinakahihintay natin mangyari Gia."

"Tss, Kami na muna magpapahatid ni Annie. Hindi namin kayang manood lang sa inyo."
Naiiritang sabi ni Tita Grey. Natawa lang kami ni Gia.

Since nagkaroon ng gulo kanina sa premiere night ay cancel yung guesting namin ni Sophie. Hindi na rin naman na macocontrol pa yung mga lumabas ngayon sa media at huli na rin para dun dahil bukas na ang showing ng movie.

Pagdating na pagdating sa bahay ay niyakap ako ni Gia.
"Takot na takot ako kanina love. Akala ko hindi na kami makakauwi ni Annie."

"Sssh! Pababayaan ba kita. Isa pa nakita na kita bago pa magstart yung movie kaya after nun pinahanap kita agad kay Tita."

"Nakita mo ko? Bakit hindi mo ko nilapitan?

"Dahil alam kong ayaw mong malaman ko na nagpunta ka."
Niyakap ko si Gia. Ang bilis ng tibok ng puso ko lalo na  paulit ulit akong halikan ni Gia sa labi habang papasok kami sa kwarto.

"Love please stop doing that."
Nahihirapan kong bulong kay Gia habang sinusubukan niyang tanggalin yung tshirt ko.

"Bakit? Bibihisan lang kita Jade, Alam kong pagod ka."
Sabi niya at nagpunta sa kabinet ko, Kinuhanan niya ko ng damit at iniabot sakin.

Pero hindi ko yun kinuha at dahan dahan siyang hinila ulit palapit sakin.
"You force me to do this Love, I'm sorry but I really wanna do this simula pa nung bumalik ako from Italy. I miss you and I miss doing this with you Gia."












--Sorry for the upcoming unexpected bs guys. ✌ Follow me please. Thanks 😊 KKLLEENNGG
😘

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now