Chapter 31

4.2K 89 0
                                    


Anong oras na pero hindi pa rin tapos yung shooting niya. Hindi na yata kaya ng mata ko dahil ilang beses ng napapapikit kulang na lang lagyan ko ng palito para hindi bumagsak yung talukap.

Nagulat ako ng lapitan ako ni Mathew. Natataranta naman akong inabot sa kanya yung pamunas niya pero hinila lang niya ko.

"Matulog ka na muna dyan, Mamaya pa matatapos taping ko."
Pinasok niya ko sa kotse niya at hinagisan ng unan.

"Pero sir, Hindi pa naman ako inaantok."
Pagkukunwari ko pa.

"Inaantok o hindi, Matulog ka na."
Malakas niyang sinara yung pinto ng kotse at iniwan na ko.

Sinubukan ko ipikit yung mga mata ko pero hindi ako makatulog, Mas inaantok ako kapag nasa labas at nanonood sa ginagawa nila.

Siguro mga isang oras muna ko nag stay sa kotse, nainip ako kaya lumabas muna ko.

Sakto naman ng paglabas ko nakita ko si Mathew kausap si Tita Grey kaya nagtago ako kung saan hindi nila ko makikita pero maririnig ko sila.

"So how's the taping with Sophie?
"Nakakapagod syempre, Parang hindi mo kilala yun kapag kissing scene, nakakailang take."

Nakita kong nagtawanan sila. So gustong gusto niya yung kissing scene nila ganun. Tss!

"Eh dun ka lang niya kasi napagsasamantalahan."
Pang aasar ni Tita Grey sa kanya.

"Tss! Kulang na lang buong araw namin i-shoot yung kissing scene."
Naiirita niyang sagot, nakita kong napalingon siya kung nasaan ako kaya mabilis akong nagtago.

"Nasaan nga pala yung E.A mo?"

"She's inside the car, natutulog."
"Natutulog? So siya pwedeng matulog ako hindi?

"Uuwi na tayo matutulog ka pa."
Narinig kong sabi niya, Kaya mabilis akong bumalik ng sasakyan at nagkunwaring tulog.

Naramdaman ko na may sumakay na sa kotse. Dahan dahan kong minulat yung mata ko at nagkunwaring bagong gising.

"Ay kabayong nagising."
Nagulat ako ng makita ko si Mathew na tinititigan ako habang naguunat ako kunwari.

Si Tita Grey pala yung pinagdrive niya. Iniwas ko yung tingin ko sa kanya pero alam ko sa sarili ko na tinititigan niya pa ko.

"Hindi ka naman natulog right?
Tanong niya pero hindi ko siya pinansin.

Nagulat ako ng gawin niyang unan yung hita ko.

"Can I take a nap here? Siguro naman pwede because you're my E.A right?!"
Tatanggalin ko sana yung ulo niya pero nakita kong nakapikit na siya kaya hinayaan ko na lang.

"Hayaan mo muna umidlip Gia."
Nakita ko si Tita Grey na nginitian ako habang nagmamaneho siya.

"Ano pa nga ba, Mukhang napagod siya sa maghapon nilang kissing scene ni Sophie."

"Sinong gusto mong halikan ko maghapon? Ikaw?"
Nagulat ako ng magsalita siya.

"Akala ko ba tulog ka na?!"
"Akala ko rin ba natulog ka na kanina?!"

"Akala ko rin eh."
Sagot ko at pilit na inaalis yung ulo niya pero binibigatan lang niya lalo. Nakita kong pumikit na siya kaya hinayaan ko na lang ulit.

Halata naman sa kanya na napagod siya. Ngayon alam ko na kung gaano kastressful yung trabaho niya.

Halos bumilis naman yung tibok ng puso ko ng itigil ni Tita Grey sa tapat ng pamilyar na bahay yung kotse.

"Mat, We're here."
Pang gigising ni Tita Grey kay Mathew.

So dito pa rin pala siya nakatira. Bumangon na siya at bumaba na ng sasakyan.

Iniabot ko yung gamit niya sa kanya.
"Hindi na ko papasok, Uuwi na rin ako."
Sabi ko.

"At sino ang gusto mong magpasok nyan?
Pagsusungit niya.

"Mauuna na ko guys, See you later."
Nakita kong inabot ni Tita Grey yung susi ng kotse at tyaka siya lumabas ng bahay ni Mathew.

"Wait Tita, Sasabay na ko."
Sigaw ko kaya napahinto si Tita Grey.

"No, Tita you can go first."
Pagpipigil ni Mathew, Tinignan ako ni Tita Grey and they mouthed na mauuna na siya.

Nakita ko naman siyang pumasok na sa loob kaya no choice ako kung hindi isunod yung mga gamit niya. Nilapag ko yun sa couch at naglakad na palabas.

"Siguro naman pwede na ko umuwi?
Labas na labas na talaga ko sa bahay na ito, Pakiramdam ko anumang oras tutulo yung luha ko.

"Okay, See you later."

"Uuwi pa nga lang, later na agad?
Naiirita kong sabi.

"That's not my problem."
Sagot niya at iniwan na ko dito.

Mabilis akong lumabas ng bahay niya at nagtaxi na pauwi. Biglang uminit yung ulo ko ng makita ko si Annie na nanonood ng tv at nakataas pa ang paa. Sarap ng buhay, Nagulat siya ng patayin ko yung tv.

"Bastusan? Di mo nakita nanonood ako!?"

"Bakit hindi mo sinabing kay Mathew pala ko magtatrabaho?!"

"Kung sinabi ko ba tatanggapin mo yung trabaho? Syempre hindi di ba."

"Executive Assistant pa ang sabi mo, Hindi mo na lang sinabi sakin na alalay pala nung mokong na yun!"
Naiinis kong sabi at pumasok na ko sa kwarto ko, Ang bigat na ng ulo ko sa sobrang antok kaya hindi ko na pinansin pa si Annie.

Kung hindi ko lang kailangan ng trabaho agad agad hindi ko na itutuloy ito eh kaya lang alam kong kailangan ko ng makatulong kila nanay at hindi rin biro yung halagang sasahurin ko dito. Sigurado akong makakatulong ako ng bongga kapag nagtyaga ako dito.

Iniwanan ko na si Annie dahil tinatawanan lang naman niya ako. Tss! Kahit talaga kailan yun hindi takot sa galit ko yung babae na yun.

Hindi ko alam na nakatulog na pala ko, Nagising lang ako ng biglang magring yung cellphone ko. Pakiramdam ko kakapikit pa lang ng mata ko, Aish!

"Gia, Nasaan ka na ba?
"Natutulog pa po syempre."

"Natutulog? May guesting si Mat ngayon, we need you."
Halos magising naman ako sa sinabi ni Tita Grey.

"Nagpapahinga pa ba yan? Tss!
Sabi ko.

"Bilisan mo or else papalitan kita."
Napabangon ako ng bigla kong mabosesan si Mathew.

Mabilis kong binaba yung cellphone at nag asikaso na.

Nagulat pa si Annie ng makita niya kong nakabihis na.

"Aalis ka na naman? Kauuwi mo pa lang di ba?

"Tss! Hindi mo alam? Alalay ho kasi ako ng isang artista. Hindi uso ang magpahinga sa taong yun."
Sabi ko at lumabas na bahay.

Agad naman ako nakasakay ng taxi papunta sa bahay ni Mathew. Bakit ba kasi hindi ako pwede gumamit ng sasakyan ng hindi ako nahihirapang magbyahe, Kailangan talaga sa sasakyan niya pa nakasakay kapag nagtatrabaho sa kanya. Mga ilang minuto lang nasa tapat na ko ng bahay niya. Parang bigla na naman ako napanghinaan naisip ko na naman yung mga nangyari nung nakaraan, lalo na kapag napasok ako sa bahay ang dami kong naaalala.

"Alam mo ba kung anong oras na?
Bungad ni Mathew habang kinukuha ko yung mga gamit niya.

"Nakatulog kasi ko sorry, Hindi ko naman alam na hindi pala pwedeng matulog."
Kukunin ko na sana yung bag niya pero nagulat ako ng siya na yung magdala nun at nauna ng lumabas sakin kasunod si Tita Grey.

"I don't need that sorry. Kung gusto mong makatulog eh matulog ka na lang at huwag ng magtrabaho."

"Nandito na nga ko di ba?! Siguro naman hindi pa huli ang lahat para pagsilbihan ka ng tapat sir."

"Ofcourse, then if you really want to serve me with all your heart. Stay with me, this is not a permission it's an order Gia."

"Seriously?
Gulat na gulat kong tanong.

"Bakit mukha ba akong nagbibiro?
Sabi niya habang nilalagay yung gamit niya sa kotse.

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now