Chapter 75 (FastForward)

2.3K 64 4
                                    


"Jade magrelax ka nga please."
Hinila ako ni Tita Grey sa gilid. Kung bakit ba naman kasi bumalik na sa trabaho agad, Sinabi ko naman na ituloy tuloy na ang leave at ako ng bahala pero hindi nakinig sakin.

Nakita kong hindi rin mapakali si Annie at Chris na nasa labas din ng delivery room ngayon.

"Tinawagan mo na ba sila nanay?
Tanong ko kay Annie pero umiling lang siya.

"Kabilin bilinan niya na huwag kong tawagan dahil mag aalala lang daw yun."

"Tss! Natatakot pala siyang mag alala yung magulang niya bakit hindi siya nakinig sakin.

"Mat aksidente yung nangyari, Hindi namin napansin ni Gia na madulas yung sahig sa office dahil kalilinis lang pala nun."
"Yan na nga kasi yung sinasabi ko na huwag na munang bumalik sa trabaho hangga't hindi siya nanganganak!"
Napalakas ng konti yung boses ko kaya hinila na muna ko ni Tita Grey.

Hindi ko pa malalaman kung walang paparazzi na kumuha ng picture sa kanila at sinend sa social media ko.

Mabuti na lang at script reading lang ngayon sa station para sa bago kong movie at mabilis akong nakaalis, Kahit pa siguro nasa taping or photoshoot ako tatakbo pa rin ako papuntang ospital dahil sa nakita kong picture.

Hindi ko maiwasang hindi mag alala dahil walong buwan pa lang yung tyan ni Gia, Napaparanoid ako na baka mangyari na naman yung nangyari dati. Sabi kasi nila mas delikado daw ang eight months kesa sa seven months. Kaya halos mabaliw ako kaiikot sa labas ng delivery room.

Tinawagan ako ng doctor sa labas ng delivery room. Kailangan daw iC-section si Gia dahil napaka risky daw ng normal delivery dahil nga walong buwan pa lang.

Pinayagan akong makapasok sa loob ng delivery room.
"Anything doc, Just keep them safe please."
Hindi ako mapakali, Umiiyak na naman si Gia at hindi ko kayang makita siyang ganun.

"Relax love, Everything will be okay."
Bulong ko, Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan siya forehead.

Gising si Gia habang ginagawa yung C-section sa kanya dahil gusto niyang makita at marinig na umiyak yung anak namin kaya pumayag na rin ako.

Hindi ako makatingin habang ginagawa yun kay Gia. Iyak pa rin siya ng iyak natatakot siya na baka mangyari na naman yung dati.

Para namang biglang bumilis yung tibok ng puso ko ng makita ko ng nailabas na sa tyan ni Gia yung bata. Maging si Gia ay mabilis na tumulo ang luha ng marinig niyang umiyak yung anak namin.

"Thanks god, Good job everyone."
Narinig kong sabi nung nag gawa ng C-section kay Gia.

Binalot lang nila yung bata at iniabot sakin. Ewan ko pero naiiyak ako, At halos manakit yung dibdib ko sa mabilis na pagtibok ng puso ko lalo na ng makita kong humikab yung anak ko.

"Congrat's Mat, It's a baby girl."
Sabi ni doctora bago pa lumabas ng delivery room.

Mabilis kong nilagay sa uluhan ni Gia si baby, Kahit na nanghihina siya ay kitang kita ko kung gaano kasaya si Gia na naririnig niyang umiiyak yung anak namin ngayon sa tabi niya.

Mga ilang minuto lang ay kinuha na nila si baby para malinisan. Ililipat na rin kasi nila ng kwarto si Gia after her delivery.

Paglabas na paglabas ko ng delivery room ay sinalubong ako nila mommy at daddy. Maging si ate at mga kaibigan ni Gia ay natataranta akong tinatanong kung anong nangyari.

Hindi pa rin ako makapaniwala, Pakiramdam ko nananaginip ako.
"Jade!
Sigaw ni ate sakin kaya natauhan ako.

"Kamusta ang mag ina? Is everything okay?
Tanong nila. Dahan dahan lang akong tumango at niyakap nila ko.

Nakita kong halos magtalunan si Annie at Chris dahil nalaman nilang ligtas ang mag ina ko. Narinig ko na ring tinawagan ni Annie sila nanay at sinabing nanganak na si Gia.

"Congrats iho, Alam kong hindi mo na pababayaan pa ulit ang mag ina mo."
Niyakap ako ni daddy, Umiiyak na naman pala ko. Tss! Maging si Tita Grey ay kumalma ng malaman niyang ligtas ang mag ina ko.

Pagkalipat ng kwarto ni Gia ay agad kaming sumunod lahat. May iilan akong media'ng nakita sa labas pero alam kong si Tita Grey na ang bahala dun.

Bumaba muna sila daddy at mommy para bumili ng makakaen namin. Sila Chris at Annie naman ay hinihintay din magising si Gia.

Hinalikan ko si Gia sa noo habang tulog na tulog siya dahilan para magising siya. Medyo umiiyak lang dahil konti konti ng nawawala yung anesthesia at nakakaramdam na ng konting kirot.

Mabilis namang lumapit yung mga kaibigan niya ng makitang gising na siya. Hinahanap niya agad si baby na sakto namang oras ng breast feeding niya kaya hinatid ngayon dito sa kwarto.

Nanginginig akong kinuha yung anak ko dahil sakin inabot ng nurse.
Lumapit ako kay Gia at itinabi sa kanya yun. Naupo ako sa tabi nila at tinititigan lang siya habang bini-breastfeed niya si baby.

Nag gigilid na naman ang luha niya.
"Congrats bessie. Mommy ka na."
Niyakap siya ni Annie na agad namang hinila ni Chris at pumalis sa pwesto ni Annie.

"Mommy na kaya huwag ng matigas ang ulo!"
Niyakap din siya ni Chris, Tinitignan ko lang sila.
Ayaw pa rin tumigil ng puso ko sa pagtibok ng mabilis dahil sa sobrang sayang nararamdaman.

Halos mapatakbo naman sila mommy pagpasok ng makitang nasa tabi ni Gia si baby na sakto namang natutulog na dahil tapos na dumede.

Kitang kita ko kung gaano kasaya sila daddy at mommy dahil sa wakas ay nagka apo na sila na matagal na nilang hinihiling. Narinig kong pinakuha ni Gia si baby kay mommy.

"May naisip na ba kayong pangalan ni baby?
Si mommy habang buhat buhat yung bata.

Hindi pa rin makapag salita si Gia, Pangiti ngiti lang dahil sa iniinda niyang kirot.

"Samantha Jade."
Sabi ko na sabay nagtinginan silang lahat. Nakita kong tumango si Gia at alam kong okay lang sa kanya yung pinangalan ko.

"Kailangan may Jade talaga? Pwede namang Samantha na lang."

"Anak mo ate? Mag asawa ka na rin kasi."
Pang aasar ko.







..................

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now