Chapter 12

4.9K 96 0
                                    

-- Mathew --

G

Gulong gulo ako, Lalo na ng malaman kong nakabuntis ako hindi ako halos makapag focus sa mga shooting ko. Pinagagalitan na nga ako ni direk, bakit daw mukha wala ako sa sarili.

Ikaw kaya direk ang makaramdam ng nararamdaman ko. Gustong gusto ko sabihin yan pero hindi pwede, After ng shoot at pack up ay niyaya ko si Tita Grey uminom.

"Ano bang nakain mo at nag aya ka uminom Mat? May problema ka b-..

"Bakit pag mag iinom may problema agad?

"Oo kapag ikaw ang nag aaya. Tell me, anong problema?

"Nakabuntis ako."
Seryoso kong sagot habang iniinom yung beer.

Halos ibuga sakin yung iniinom niya ng sabihin kong nakabuntis ako.

"My god, Mathew! Huwag mo kong niloloko ng ganyan."

"Tss! Believe or not , It's true Tita."

"Sino ba? yung babaeng nagpascheadule kanina para mameet ka? Gulat na gulat si Tita Grey.

"Babae? May nagpascheadule kanina? Ano daw pangalan?

"Annie, Kailangan ka daw niya makausap pati na rin ang mga magulang mo."

Bigla akong nawala sa sarili. Hindi si Gia yun bestfriend niya yun at yun ang tumawag sakin para makausap si Gia. Pati magulang ko? Shit ano ng gagawin ko.

Halos maubos ko yung iniinom ko, Si Tita Grey gulong gulo na rin sa mga pinag-gagawa ko.

"What? Are you going to drink all night here? What are you going to do Mat? Malaking epekto sa career mo kapag lumabas sa media yang gulong pinasok mo."

Nakakaisang bucket na kami sa loob ng limang minuto pa lang. Gusto kong malasing para atleast magkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin kila mommy ang kalokohang ginawa ko.

"Pwede ba Mat enough! Umuwi ka na at sabihin sa parents mo ang problema mo. Ako ng bahala sa mga scheadule mo bukas, Pupunta ako sa lugar kung saan kayo mag uusap usap."

Ayoko pa sanang tumigil pero kailangan ko ng umuwi. Tama si Tita Grey kailangan ko makausap sila mommy.

Pagkatapos nung last bottle ko ay tumayo na ako at nagdrive pauwi. May ilang tao na nagpapicture pero okay lang naman exclusive yung bar kaya hindi masyadong magulo at matao.

Pagpasok ko saktong nasa sala sila at nanonood pa ng movie ko. Number one fans ko yata ang pamilya ko.

Lumapit ako sa kanila at nagmano, Himalang nandito rin si Ate. Ano nagkataon? Nagkataon na may problema ako. Tss!

"Nakainom ka na naman Jade. Alam mo bang hindi maganda sa kalusugan mo yan anak."
Umupo ako sa gilid nila mommy at sumandal.

"Mmy, Dad may problema ako."
Napalingon si ate sakin at mabilis na tumabi kila mommy.

"What? Anong ibig mong sabihin? Nakipag away ka anak? Mabuti walang media at paparazz-..

"Nakabuntis po ako."
Pagpuputol ko kay daddy.

"Ano? Nagpapraktis ka na naman ng script mo no? Ngayon pa talaga na busy kaming nanonood Jade."
Natatawang sabi ni ate at ginulo ang buhok ko.

Sabay pa nagtawanan sila mommy at daddy.

"Sus akala ko naman anak totoo na!"
Si mommy at tumayo para kumuha ng pagkain. Nasanay kasi silang nagpapraktis ako ng script na sila ang kasama ko. Pero bago pa sila makalayo ay nagsalita na ako.

"Almost one month pregnant mom, And I don't know what to do. Hindi ko naman alam na ganito yung mangyayari."
Napabalik si mommy sa sinabi ko.

"What? What do you mean almost one month? You mean It's true anak? Magkaka apo na ako?"
Tss! si mommy talaga imbes na magalit sa sinabi ko ay parang natuwa pa.

"Is it true Jade? Damn it! Your so careless."
Seryoso si ate. Ngayon lang siya nagalit sa akin. Hindi na maipinta ang itsura ni daddy.

Ni hindi pa ako nakakasagot nagsalita na naman si mommy.

"Ito na yun love, Ang apo na hinihiling natin kay Jade." Tuwang tuwa si mommy.

"Stop it mom, Bakit natutuwa ka pa? Tss!
Pagaawat ko kay mommy.

"Pero paano ang career mo Jade? Hindi ko alam kung magiging masaya ako, oo gusto ko ng apo pero..

"Dad I don't love her and I don't even know her, please wala po akong balak panagutan sana."
Nagulat ako ng bigla akong bigyan ng isang malakas na suntok sa labi ni ate.

Napatayo si mommy at niyakap ako. Si daddy naman inaawat si ate.

"Oo mahalaga sa amin ang career mo pero kung sakaling mang totoo nga Jade, Sariling dugo at laman mo yun tapos ganyan yung magiging desisyon mo? Hindi tayo pinalaki ng ganyan ng magulang natin Jade."

Tumango si mommy sa sinabi ni ate. Si daddy naman naguguluhan. Ang laki kong gago, kung bakit hinayaan kong mangyari ito.

"We need to face that Jade. Pwede naman panagutan mo ng hindi pinapaalam sa media."
Si daddy seryoso. Bumitaw sa kanya si ate at umakyat na sa taas.

Naiintindihan ko si ate. Oo mahirap yung desisyon pero kailangan ko ingatan ang pangalan ko. Masyado akong sikat ngayon at hindi ko hahayaang masira ang career ko hindi ko kaya. Nakausap ko sila mommy at daddy at kiniwento ko mula umpisa, Sa pagkakabangga ng sasakyan ko at hanggang sa pagdadala ko sa kanya sa abortion, Sinabi kong nakausap ko na si Gia at binalak na ipa abort ang bata, pero nagalit si mommy at daddy.

Hindi daw nila naisip na kaya kong ipagawa yun. Sariling dugo't laman ko daw yun. Baka kung natuloy daw yun eh itakwil pa nila ako, lalo na ni ate. Pero naiintindihan nila ako dahil iniisip ko lang ang career ko. Tinanong ako ni daddy kung tiga showbiz daw ba yung nabuntis ko at umiling ako.

"Mabait yung babae hijo. Napakaswerte mo kasi kung iba iba yun sinabi niya na at pinagkalat na sa social media." Si mommy.

Sinabi ko na rin na gustong makipagusap ng mga magulang at ate ni Gia kila mommy at daddy. Nagulat sila pero okay lang naman daw sa kanila.

Isasama nila si ate bukas, Bigla tuloy akong kinabahan.

Nagpaalam na si mommy at magpapahinga na daw siya. Sana daw maliwanagan ang isip ko ng tamang desisyon.

Naiwan kami ni daddy. Tinanong niya ako kung ano desisyon ko. Sinabi ko na hindi ako handa sa mga pwedeng mangyari.

"Hindi ka pala handa? Bakit ginawa mo yan? Bakit hinayaang mong mangyari yan? Bakit pinatulan mo siya na alam mong lasing siya at medyo matino ka?

Sunod sunod na tanong ni daddy.

Umiling iling lang ako. Hindi ko naman kasi alam na aabot sa ganito. Kung alam ko lang sana nag ingat ako.

"So hijo. Kailangan mong maging handa sa mga pwedeng mangyari bukas." Dugtong ni daddy.

Nagpaalam na rin siya at pumasok na rin ako sa kwarto. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama, Ang daming pumapasok sa isip ko. Pero isa lang ang sigurado ako.

"Ayokong maapektuhan ang career ko sa mga pwedeng mangyari bukas."

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now